wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Bridge In: Hulaan mo kung sino o ano ako?

Total questions: 15

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Isang anyong patula na naging popular noong panahon ng Hapon na binubuo ng 17 pantig na nahahati sa 3 taludtod.

(a)  

2.

Ito naman ang tulang panapat sa haiku ng mga hapones na binubuo ng 4 na taludtod. Ang bawat taludtod ay binubuo ng 7 pantig na may sukat at tugma.

(a)  

3.

Mga tulang ginawang laro na ginagamit ng ating mga ninuno upang mahasa o mapatalas ang isip ng mga bata.

(a)  

4.

Ito ay mahabang tulang awit mula sa rehiyon ng Cordillera na maaaring isalaysay ng lalaki o babae tuwing kapistahan o mahalagang pagdiriwang. Tampok sa tulang ito ang kabayanihan at kagitingan ng paghahanap ng pangunahing tauhan sa babaeng iibigin.

(a)  

5.

Siya ang kinikilalang sumulat ng pinakatanyag na epiko ng buong Ilocandia, ang Biag ni Lam-ang noong ika-17 siglo.

(a)  

6.

1. Suriin ang saknong ng tulang isinulat ni Pedro Reyes Villanueva, anong uri ng tulang liriko ito?

Ngayon…

May santaong bigas tayong nakalaan,

Kahit na magtago sa ulap ang ulan;

Ang hayop na gutom ay di na daratal,

Kapag bawat bisig ay may pagpapagal.

(a)  

7.

Anong tulang pasalaysay nagmula ang sakong ito?

Pag-ibig anaki'y aking nakilala,

'di dapat palakihin ang bata sa saya;

at sa katuwaa'y kapag namihasa,

kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.


Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis,

namamaya'y sukat tibayan ang dibdib;

lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis ...

anong ilalaban sa dahas ng sakit?

(a)  

8.

Ang tulang kuridong ito ay tungkol sa tatlong (3) magkakapatid na prinsepe na may misyong hanapin ay isang mahiwagang ibon na magpapagaling sa kanilang Haring Ama na may sakit.

(a)  

9.

Ito ay isang uri ng tulang patnigan na masining na patulang pagtatalo na karaniwang din ginaganap sa tanghalan.

(a)  

10.

Itinuturing siyang AMA ng PANULAANG TAGALOG bilang parangal sa kanyang kontribusyon partikular ang akda niyang matulaing pagtatagisan ng mga katwiran.

(a)  

11.

Itinanghal siyang HARI ng BALAGTASAN at ang sagisag-panulat niya ay Huseng Batute.

(a)  

12.

Ang tulang pantanghalang ito ay tungkol sa masalimuot na paglalakbay nina San Pedro at Birheng Maria ng bahay na matutuluyan bilang paghahanda sa pagsilang ng kanilang dakilang anak na si Hesus. Madalas itong itanghal sa kapaskuhan.

(a)  

13.

1. Ang saknong sa ibaba ay mula sa awit na pinamagatang "Mariang Ina Ko" na madalas naririnig natin sa misa sa simbahan. Anong uri ng tula ito?

Sa'king paglalakbay

Sa bundok ng buhay...

Sa ligaya't lumbay

Maging talang gabay


Mariang ina ko, ako ri'y anak mo

Kay kristong kuya ko, akayin mo ako

Kay kristong kuya ko, akayin mo ako

(a)  

14.

Tulang pantanghalan na madalas ang tema ay mabigat sa loob sapagkat ang pangunahing tauhan ay madalas nahahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan.

(a)  

15.

Itinuturing siyang AMA ng DULANG TAGALOG at kilala rin siya bilang Lola Basyang.

(a)