wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino Quiz Bee Style Assessment

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ginagamit sa pagtukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

a)

Pang-uri

b)

Pangngalan

c)

Pandiwa

d)

pang-abay

2.

Ito ay uri ng pangngalang tumutukoy sa karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

a)

Pangngalang Pantangi

b)

Pangngalang Pangkaraniwan

c)

Pangngalang Pambalana

d)

Pangngalang Pangkalahatan

3.

Ito ay uri ng pangngalang tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

a)

Pangngalang Pantangi

b)

Pangngalang Pangkaraniwan

c)

Pangngalang Pambalana

d)

Pangngalang Pangkalahatan

4.

Tukuyin kung anong uri ng pangngalan ang nakasalungguhit sa bawat pangungusap:

Si Lola Dely ay masayahin.

a)

Pangngalang Pantangi

b)

Pangngalang Pambalana

5.

Tukuyin kung anong uri ng pangngalan ang nakasalungguhit sa bawat pangungusap:

Maraming bata ang natuwa.

a)

Pangngalang Pantangi

b)

Pangngalang Pambalana

6.

Tukuyin kung anong uri ng pangngalan ang nakasalungguhit sa bawat pangungusap:

Sumakay kami ng kotse pauwi.

a)

Pangngalang Pantangi

b)

Pangngalang Pambalana

7.

Tukuyin kung anong uri ng pangngalan ang nakasalungguhit sa bawat pangungusap:

Pumunta kami sa Saint Pedro Poveda College.

a)

Pangngalang Pantangi

b)

Pangngalang Pambalana

8.

Sa elemento ng kuwentong ito nakasentro ang mga pangyayari at kasama rin dito ang pantulong na karakter para sa ikagaganda ng kuwento.

a)

tagpuan

b)

suliranin

c)

banghay

d)

tauhan

9.

Sa elemento ng kuwentong ito isinasaad ang iba't ibang lugar sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari

a)

tagpuan

b)

suliranin

c)

banghay

d)

tauhan

10.

"Maaaring bang uminom sa bukal na ating naraanan paakyat sa gilid ng bundok?"

Ano ang kasingkahulugan ng bukal ayon sa gamit nito sa pangungusap?

a)

bukas o tanggap ng ating kalooban

b)

Isang uri ng anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa at kakikitaan ng natural na malinis na tubig

11.

Tuwing sasapit ang ika-anim ng gabi sa aming baryo ay maririnig ninyo ang tunog ng batingaw.

Ano ang kasingkahulugan ng salitang batingaw?

a)

kampana

b)

mikropono

12.

Ano ang tawag sa anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli, at masining na paraan?

a)

tula

b)

sanaysay

c)

maikling kuwento

d)

alamat

13.

Nakasalalay sa bahaging ito ang kawilihan ng mga mambabasa kung dapat bang ipagpatuloy ang pagbabasa ng kuwento

a)

Simula

b)

Gitna

c)

Resolusyon

d)

Wakas

14.

Nakasaad sa bahaging ito ang panghuling mensahe ng kuwento, lantad man o tago.

a)

Simula

b)

Gitna

c)

Resolusyon

d)

Wakas

15.

Sa bahaging ito matatagpuan ang kasagutan sa suliranin ng kuwento.

a)

Simula

b)

Gitna

c)

Resolusyon

d)

Wakas

16.

Kung ang katanungan ay gumagamit ng salitang pananong na PAANO, ano ang hinihingi nitong kasagutan?

a)

bilang o dami

b)

pamamaraan

c)

pangalan ng tao/ mga tao

d)

panahon o petsa

17.

Ito ang posibleng mga kasagutan kapag

ang katanungan ay gumagamit ng mga salitang pananong gaya ng ANO/ANO-ANO.

a)

dahilan o rason ng pangyayari

b)

pangalan ng tao/ mga tao

c)

bagay, hayop, katangian, pangyayari o ideya

d)

lugar

18.

Ito ay uri ng panitikan na na mayroong sukat, tugma, taludtod, at saknong.

a)

tula

b)

sanaysay

c)

maikling kuwento

d)

alamat

19.

Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang naka-salungguhit.

Ipinamalas niya ang kanyang husay sa pagpinta ng mga magagandang tanawin.

a)

solusyon

b)

gantimpala

c)

ipinakita

d)

lakbayin

20.

Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang naka-salungguhit.

Hindi magiging madali ang kanyang tatahakin na

landas para sa kanyang pangarap.

a)

solusyon

b)

gantimpala

c)

ipinakita

d)

lalakbayin

21.

Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa

a)

editoryal

b)

magasin

c)

libro

d)

kwaderno

22.

Tukuyin ang terminong hinihingi sa bawat depinisyon:

Itinakdang oras sa isang komunidad

na hindi paglabas ng mga sibilyan.

a)

Proof of employment

b)

Curfew

c)

empleyado

d)

Community Quarantine

23.

Tukuyin ang terminong hinihingi sa bawat depinisyon:

Papeles na nagpapatunay na ang isang tao

ay empleyado ng ng isang kumpanya

a)

Proof of employment

b)

Curfew

c)

empleyado

d)

Community Quarantine

24.

Tukuyin ang terminong hinihingi sa bawat depinisyon:

Paraan ng gobyerno upang hindi kumalat ang virus sa isang komunidad sa pamamagitan ng pagpapananatili ng mga ito sa kani-kanilang bahay

a)

Proof of employment

b)

Curfew

c)

empleyado

d)

Community Quarantine

25.

Ito ay nangangahulugang mga tagubilin, gabay o direksyon sa pagsasagawa ng mga gawain.

a)

opinyon

b)

panuto

c)

reaksyon

d)

pakikinig

26.

Ito ay nangangahulugan ng mga paniniwala, palagay, isip, akala, ideya, haka, o kuro-kuro na maaaring maging totoo subalit maaari rin naman pasubalian ng tao.

a)

opinyon

b)

panuto

c)

reaksyon

d)

pakikinig

27.

Tukuyin kung ang mga pangungusap ay opinyon o katotohanan:

Sa aking palagay, mas masarap ang mga prutas kaysa gulay

a)

opinyon

b)

katotohanan

28.

Tukuyin kung ang mga pangungusap ay opinyon o katotohanan:

Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.

a)

opinyon

b)

katotohanan

29.

Tukuyin kung ang mga pangungusap ay opinyon o katotohanan:

Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.

a)

opinyon

b)

katotohanan

30.

Tukuyin kung ang mga pangungusap ay opinyon o katotohanan:

May pitong araw sa loob ng isang linggo.

a)

opinyon

b)

katotohanan