NEW
Font size
WorksheetsMAHOGANY M5
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Bilang isang mag-aaral, ang iyong baon ay may kaniya-kaniyang pinaglalaanan, tulad ng pamasahe, photocopy, kontribusyon sa klase, at iba pa. Aling lipunan ang tumutugon dito?
Lipunang political
Lipunang katarungan
Lipunang sibil
Lipunang Pang-ekonomiya
Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kanya ang kanyang ikayayaman. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya
Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.
Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin.
Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.
Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
Inuubos ni Mark ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahalin at imported na relo dahil ditto niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
Hindi mabitawan ni Alice ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
Iniisip ni Leo na marapat lamang na makatanggap siya ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o hindi kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayan.
Lahat ng nabanggit.
Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
Sa pamamagitan nito, mas isinasaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.
Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.
Walang kakayahang magpasya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.
Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.
Paano maipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?
Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian kaysa sa kaniyang sarili
Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kanyang pagaari.
Sa pagmamamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi
Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit
Ang salitang ekonomiya ay galing sa mga salitang Griyego na
“oikos” at "nomos"
"oikos" at "lomos'
"lomos" at " kilos"
"Kilos" at "noimos"
Alin ang prinsipyo ng lipunang pang-ekonomiya?
Pagkakaiba-iba
Hindi pantay pero patas
Pagkakapantay-pantay
Hindi patas pero pantay
Saan maaaring maihahalintulad ang ekonomiya?
Ang ekonomiya ay tulad din lamang sa pamamahala sa paaralan.
Ang ekonomiya ay tulad din lamang sa pamamahala sa bahay.
Ang ekonomiya ay tulad din lamang sa pamamahala sa kultura.
Ang ekonomiya ay tulad din lamang sa pamamahala sa pamayanan.
Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?
Napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan.
Ang kinikita ng bawat pamilya ay pare-pareho.
Ang lahat ng bahay ay pantay.
Walang lamangan sa sweldo ang mga manggagawa at may pantay na halaga.
Kaninog ideya kinuha ang Prinsipyo ng proportion?
Papa Juan Pablo II
Sto. Tomas de Aquino
Nick Vogicic
Max Scheler
