wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang mga kinasasakupang mamamayan sa isang bansa?

a)

Batas

b)

Kabataan

c)

Mamamayan

d)

Inihalal na politiko

2.

Ano ang tawag sa proseso ng pagpili ng mga mangunguna sa pamamalakad sa pamahalaan na isa sa ating karapatan pagdating ng takdang edad?

a)

Pagboto

b)

Pagkakaisa

c)

Komisyon

d)

Pagsasaayos

3.

Alin ang pinkamabisang paraan sa pag-unlad ng isang bansa?

a)

Magkaroon ng matalinong pinuno

b)

Pagkakaroon ng masayahing mamamayan

c)

Pagkakaroon ng matatag na saligang batas

d)

Pagkakaroon ng pagtutulungan at pakikiisa ng mamamayan sa pamahalaan

4.

Alin sa mga sumusunod ang proyekto ng pamahalaan na nagpapakita ng prinsipyo ng subsidiarity?

a)

4p's

b)

SPED center (private)

c)

Bayanihan

d)

Bolunterismo para sa nasalanta ng bagyo

5.

Alion sa mga sumusunod ang proyekto ng pamahalaan na nagpapakita ng prinsipyo ng solidarity?

a)

Pagtatayo ng mga imprastraktura

b)

Pagpapatuloy sa pandinig sa ABS-CBN prangkisa

c)

Pagbibigay diin sa pagbabatikos sa sistema ng edukasyon

d)

Sama-samang pagkilos ng mamamayan upang maghatiran ng tulong ang nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal.

6.

Ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang mga bawat isa ay malayang magkaroon ng pamumuhay, makamit kabutihang panlahat.

a)

Lipunan

b)

Lipunang sibil

c)

Lipunang politikal

d)

Lipunang ekonomiya

7.

Ang lipunang pampolitikal ay isang ugnayang nakaangkla sa _______.

a)

Kalayaan

b)

Dignidad

c)

Kakayahan

d)

Pananagutan

8.

Ang pag-unlad ng lipunan ay hindi gawa ng pinuno lamang kundi gawa ito ng:

a)

Mga proyekto ng bansa

b)

Sama-samang lakas ng iilang tao

c)

Galing ng isang matipunong pinuno

d)

Pagtutulungan at pagkikiisa ng mamamayan

9.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng prinsipyo ng subsidiarity

a)

Pagsasapribado ng mga gasolinahan

b)

Pagtatayo ng mga pampublikong paaralan

c)

Pagpapalakas ng pamahalaan sa mga pribadong paaralan

d)

Pakikipag ugnayan upang mapalakas ang mga pribadong kompanya

10.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng prinsipyo ng solidarity

a)

Si Totoy na umiibig sa kanyang kaklase

b)

Si Itang na nangangalap ng boto para sa darating na eleksyon ng SK

c)

Si Lita ay may lakad at di na inasikaso ang mga kapatid sa kanilang kalagayan

d)

Si Dudong na nangunguna tuwing sabado sa mga kabataan upang linisin ang estero ng kanilang pamayanan

11.

Ang tunay na kapayapaan ay _______.

a)

Kawalan ng ingay sa paligid

b)

Kawalan ng pisikal ng giyera o gulo

c)

Natutugunan ang pangangailangan ng tao

d)

Sa kabila ng mga suliranin ay nangingibabaw ang katarungan panlipunan

12.

Ano ang kahulugan ng lipunan?

a)

Binubuo ng taong kinikilala sa lipunan

b)

Binubuo ng mga taong kaanib sa iisang samahan

c)

Binubuo ng mga taong may prinsipyong ipinaglalaban

d)

Binubuo ng tao mula sa iba't ibang antas ng pamumuhay

13.

Sino ang nagkaloob ng lipunan?

a)

Tao

b)

Diyos

c)

Mambabatas

d)

Mamamayan

14.

Ang mga sumusunod ay kabilang sa institusyon ng lipunan maliban sa _______.

a)

Gusali

b)

Paaralan

c)

Simbahan

d)

Palengke o negosyo

15.

Ang tao ang bumubuo sa lipunan.

a)

Tama, sapagkat ang lipunan mismo ang tao

b)

Mali, dahil kaya ng tao mamuhay kahit walang lipunan

c)

Mali, sapagkat ang tao ay hindi nangangailangan ng kapwa

d)

Tama, sapagkat ang bawat institusyon ay pinatatakbo ng tao

16.

Ito ay isa sa pangunahing sangkap ng elemento ng lipunan

a)

Paggalang sa indibidwal

b)

May lider na sinusunod

c)

May sinusundan na batas

d)

Pag-unlad ng lipunang kinabibilangan

17.

Ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa ________.

a)

Nakabubuti para sa lahat

b)

Nakabubuti para sa nakararami

c)

Nakabubuti para sa iilan lamang

d)

Nakabubuti para sa mayayaman

18.

Ano ang tatlong elemento ng lipunan?

a)

May layunin, kasiguraduhan, kasiyahan

b)

Paggalang sa indibidwal, katarungan at kapayapaan

c)

May prinsipyo, malinis at may nangungunang pinuno

d)

Pinagpaplanuhan, masigasig, may pagkiling

19.

Ano ang pamilya?

a)

Kasapi sa isang samahan

b)

Lipunan ang bumubuo sa pamilya

c)

Kinabibilangan ng iba't ibang antas ng tao

d)

Pinakamaliit na yunit ng lipunan

20.

Ano ang layunin ng lipunan?

a)

Kaayusan

b)

Kasaganahan

c)

Kahinahunan

d)

Kabutihang panlahat