Font size
WorksheetsFILIPINO " Pagsulat ng Talatang Nagsalaysay"
Total questions: 17
Worksheet time: 1hrs 1mins
( Ano ang natutunan mo sa tula? Ipaliwag ang inyong sagot )
Wastong Pagkain
Ang taong malusog,lubhang masayahin,
Matalas ang isip at hindi
sakitin Katawa’y maganda at
hindi patpatin, wastong pagkain.Pagkat alam niya angLusog ng katawan nasa kinakain,
Ang gulay at prutas,dapat na
piliin, Sa dilis at tulya sa puso ng
saging, Lalakas ang buto,titibay
ang ngipin.
Lilinaw ang mata,katawa’y
lalaki, kamote, Sa sariwang gatas, itlog atMalunggayat petsay, saisda at karne, Ang bata’t matanda,
lulusog bubuti.
Sa ating pagkain lagging tatandaan,
Mga bitamina nitong tinataglay,
Sariwang prutas, isda saka
gulay, Lulusog gaganda hahaba
ang buhay.
Si Annie ay isang kusinera. Kilalang-kilala siya sa bayan ng Dansalan dahil
napakasarap niyang magluto. Bihira ang handaan lalo na kung pista na ay hindi siya nagluluto.
Marami siyang alam na lutuin tulad ng mga pagkaing Pilipino, Intsek, Espanyol at Italyanao.
( Saan bayang kilala si Annie? Bakit siya kilala doon?)
Ang kanyang mga iniluluto ay pawang
sariwa, masustansiya at mura. Ang lasa at sarap ng pagkain ay umaayon sa tamang sangkap na
ginagamit niya sa pagluluto. Maayos niyang iniluluto ang mga sangkap. Pinalalambot muna
ang karne bago isama ang gulay. Dapat hindi hilaw o hindi labog ang pagkakaluto. Tama ang
lapot o labnaw ng sabaw. Katakam-takam ang anyo at kulay. Tama ang lasa at pagkakatimpla,
yun ang sikreto niya.
( Bakit masarap ang mga luto ni Anie? Ano -ano ang sikereto niya?
Paboritong luto ng Lola ang pinakbet. Ito ang karaniwan niyang niluluto tuwing
dadalaw kami sa kanila. Pumipitas siya ng mga sariwang talong, sitaw, kamatis at kalabasa sa
kanilang likod-bahay. Iginigisa niya ito sa hipon at baboy. Lalong sumasarap ang pinakbet
kapag hinahaluan ng kaunting bagoong. Palaging nagluluto nito si Lola sapagkat alam niyang
gustong-gusto namin ang ulam na ito
( Ano ang paksa ng talata)
Sariwang talong ,sitaw ,kamatis at kalabasa.
Pumitas siya ng sariwang pagkain.
Pinakbet ang paboritong luto ng Lola
Iginisa niya ang hipon at baboy
Alin sa mga sumusunod ang tama .
Ang wastong nutrisyon ay ang pagkain ng tama at sapat na uri ng pagkain upang
makakuha ng sustansya ang ating katawan mula sa mga ito.
Matulog nang maaga at tumulong sa mga gawaing bahay pagkatapos mag-aral ng modules,
Ang paggamit ng face mask ay nakatutulong din para hindi mahawaan ng Covid 19.
Gumaling ang mga positibo ng corona dahil sa pag-inom ng alak.
Ang palaging paghuhugas ng kamay ay isang paraan upang hindi mahawaan ng virus
Si Jesh ay isang aligbughang mag-aaral dahil inuuna pa niya ang paglalaro at panood ng kanyang paboritong cartoons network kaysa pagbabasa ng modules.
( ano ang tamang kahulugan ng " alibugha"
matigas ang ulo
matalino mag-isip
iresponsable
pasaway
Abala ang lahat sa paghahanda ng piging.
(ano ang kahulugan ng " piging")
kainan o handaan
silig tulugan
kasal
birthday
Maaaninag sa mukha ni Yma ang tuwa nang matagumpay niya matapos ang summative test.
( Ano ang kahulugan ng "maaaninag"?)
makinis
maganda
makikita
maputi
Kung hindi pa napansin ni Aling Marta ang alimpuyok ng niluluto ay hindi nito malalaman na
sunog na ang kanyang isinalang.
( Ano ang kahulugan ng "alimpuyok)
lasa ng pagkaing sunog
amoy ng sinaing na sunog
tamis ng sinaing sunog
natitirang pagkain sa sinaing sunog
Binasa ni Impong Selo ang aking badhî at sinabing magiging maganda ang aking kinabukasan.
( Ano ang kahulugan ng salitang badhi)
kinabukasan ng isang tao
talambuhay ng isang tao
guhit ng palad ng isang tao
Nakakita na ako ng mga tsonggong nagduruyan sa kanilang buntot. Nakita ko na rin silang
patalun-talon sa mga punongkahoy. Tumatawa at animo nagbibiruan sila. Nagagawa nilang
magmukhang katawa-tawa ang kanilang sarili. Para sa akin, ang tsonggo ay nakatatawa sa
lahat ng hayop.
( Ano ang ang paksa ng kwento )
Tumatawa at animo nagbiruan sila.
Ang tsonggo ay patalun-talon sa mga punongkahoy.
Ang tsonggo ay nakatatawa sa lahat ng hayop.
Ang tsonggo nagduruyan sa kanilang buntot.
Kinakain ng tsonggo ang lahat ng uri ng pagkain. Karamihan sa kanila ay maibigin sa
prutas, mani, pili at buto ng kasoy. Ang ilan ay mahilig sa karne at manok. Kumakain din
sila ng mga kulisap. May mga tsonggong nabubuhay sa damo at dahon.
( Ano ang paksa sa talata?)
Kumain ang tsonggo ng lahat na uri ng pagkain.
Paborito ng tsonggo ang prutas,mani,pili at buto ng kasoy.
Mahilig ang tsonggo ng mga kulisap.
Mahilig sila sa karne at manok.
Ano ang talatang nagsalaysay?
Ang talatang nagsalaysay ay talatang nagkukukwento ng mga pangyayari.
Ang talatang nagsalaysay ay paraan ng pakikipagtalastasang pasulat o pasalita na naglalayong magpaliwanag, magbigay kaalaman o tumugon sa pangangailangan pangkarunungan.
Ang talatang nagsalaysay ang layunin ay ipamalas sa tagabasa o tagapakinig ang hugis, anyo ng kabuuan ng isang tao, bagay, pook o pangyayari.
Ang talatang nagsalaysay ay paraan ng paglalahad na nagbibigay ng mga sapat na katibayan o patnubay upang ang proposisyon ay maging kapanipaniwala sa iba. Halimbawa nito ay talumpati at debate
Anong katangian ng talata ang nangangahulugang iisang kaisipan o paksa ang ipinahayag ng lahat ng mga pangungusap na bumuo ng talata?
kaugnayan
katawan
kaisahan
kongklusyon
Ano ang tawag sa katangian ng talatang nagsasabing ang mga nilalamang pangungusap mula sa umpisa hanggang sa dulo ng talata ay magkakaugnay at mayroong daloy?
kaisahan
katawan
kaugnayan
konglusyon
Anong bahagi ng talata ang tinatawag na pangwakas na pangungusap ?
kongklusyon
kaisahan
kaugnayan
katawan
Gumawa ng talatang nagsalaysay ukol sa pinakamagandang pangyayari sa buhay mo.
