NEW
Font size
WorksheetsQuiz 1.3 Mining, Quarrying at Climate Change
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Ito ang sanhi ng pagtaas ng temperaturang nararanasan sa lupa dahil nakukulong ang ilang gas sa atmospera.
Climate Change
Greenhouse Effect
La Niña
El Niño
Bakit nagkakaroon ng landslide o pagguho ng lupa na nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa?
Dahil sa pagputol ng mga puno at quarrying o pagmimina
Dahil sa malakas na ulan
Dahil sa lindol
Dahil sa mga bagyo
Alin sa sumusunod ang layunin ng Climate Change Commission na nilikha sa ilalim ng Climate Change Act of 2009?
Panatilihing malinis ang hangin sa bansa
Pagaanin ang negatibong epekto ng climate change
Gumawa, sumubaybay at sumuri ng mga programa at pagkilos sa pagbabago
ng klima
Mapahusay ang kakayahan ng mga negosyante na gumamit ng environment friendly na estratehiya upang mapaunlad ang ekonomiya
Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, isa ito sa mga bansang labis na apektado ng climate change lalo na ang sektor ng pagsasaka at pangingisda. Ano ang maaring implikasyon nito sa kabuhayan ng mga mamamayan?
Nagiging sagabal ito sa pag-unlad ng bansa
Nagdudulot ito ng panganib sa seguridad ng pagkain
Sanhi ito ng paglikas ng mga tao papuntang siyudad
Nanganganib lumubog ang mga mababang bahagi ng bansa
Alin sa sumusunod ang hindi tamang pahayag tungkol sa epekto ng climate change?
Mataas ang banta ng epekto ng climate change sa Pilipinas
Malaki at seryoso ang epekto ng climate change sa kapaligiran
Halos kalahati ng populasyon ng buong mundo ay nakararanas ng masama epekto ng climate change
Hindi maaring makialam ang indibidwal na tao sa pagsugpo sa climate change dahil gawain lang ito ng pamahalaan
Ano ang gawain kung saan ang iba’t ibang mineral tulad ng metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at pinoproseso upang gawing tapos na produkto?
siltation
pagmimina
quarrying
pagbubungkal
Ano ang naisabatas noong 1995 upang makapagbigay ng makabuluhang panlipunan at pangkapaligirang kaligtasan mula sa pagmimina kasama ang obligasyon ng mga industriyang nagsasagawa nito?
Philippine Mining Act
Executive Order No. 79
Philippine Mineral Resources Act of 2012
Republic Act 9072
Ano ang paraan ng pagkuha ng mga bato, buhangin, graba at iba pang mineral mula sa lupa sa pamamagitan ng pagtitibag, paghuhukay, o pagbabarena?
Filtering
Digging
Quarrying
Mining
Ano ang abnormal na pagbabago ng klima tulad ng pag-init o paglamig ng temperatura, at tuluy-tuloy at malakas na pag-ulan sa isang lugar?
Storm surge
Global warming
Heat wave
Climate change
Ano ang pinansiyal na institusyon na nakatutok sa pagpapayo ukol sa pinansiyal na aspekto, mga reporma, at paghikayat sa mga mamamayan na panatilihing luntian ang kapaligiran?
World Bank
Asian Development Bank
International Monetary Fund
United Nations Development Programme
