wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino Pre-test 5

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Malaking porsyento ng mga Pilipino ang nanatili sa kanilang tahanan alinsunod sa kautusan ng pamahalaan. Para sa akin, mabisang paraan ito upang malabanan ang pandemiya. Alin sa pangungusap ang ginamit na pananda sa paglalahad ng opinyon?

a)

alinsunod

b)

pandemiya

c)

para sa akin

d)

malaking porsyento

2.

Labis ang paniniwala ko na malaki ang naitulong ng ilang kilalang personalidad upang matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipinong lubos na naapektuhan ng pandemya. Alin sa pangungusap ang ginamit na pananda sa paglalahad ng opinyon?

a)

malaki ang naitulong

b)

labis ang paniniwala ko

c)

kilalang personalidad

d)

naapektuhan ng pandemiya

3.

Maaaring makatulong ang pag-inom ng bitamina upang mapanatiling malakas ang katawan at makaiwas sa Corona Virus. Alin sa pangungusap ang ginamit na pananda sa paglalahad ng opinyon?

a)

at

b)

maaari

c)

bitamina

d)

malakas

4.

Bukod sa Pilipinas, marami ring bansa ang naapektuhan ng Corona Virus 19. Anong bahagi ng pananalita ang may salungguhit na salita?

a)

pandiwa

b)

pang-uri

c)

panggalan

d)

pang-ugnay

5.

Ipinapaalala sa mga tao ang maghugas ng kamay, takpan ang bibig at umiwas sa mga matataong lugar upang maiwasan ang mahawaan ng sakit. Anong uri ng pang-ugnay ang salitang may salungguhit?

a)

pangatnig

b)

pang-angkop

c)

pang-ugnay

d)

pang-ukol

6.

Sa gitna ng kalamidad, maraming ordinaryong Pilipino ang nagpakita ng kanilang busilak na puso upang makatulong sa mga labis na naapektuhan ng pandemiya. Anong uri ng pang-ugnay ang salitang may salungguhit?

a)

pangatnig

b)

pang-ukol

c)

pang-ugnay

d)

pang-angkop

7.

Ayon kay Doc Willie Ong, dapat na itaas ang ating kaalaman sa kalusugan upang makaiwas na makahawa ng sakit. Anong uri ng pang-ugnay ang salitang may salungguhit?

a)

pangatnig

b)

pang-ukol

c)

pang-ugnay

d)

pang-angkop

8.

Anong genre ng panitikan ang tumutukoy sa paglalahad ng pananaw o opinyon tungkol sa isang paksa?

a)

dula

b)

tula

c)

anekdota

d)

sanaysay

9.

Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa katangian ng isang pormal na sanaysay?

a)

seryoso

b)

parang nagkukwento

c)

maanyo ang pagkakasulat

d)

pili ang ginagamit na salita

10.

Alin sa sumusunod ang katangian ng isang di pormal na sanaysay?

a)

seryoso

b)

parang nagkukwento

c)

pili ang ginagamit na salita

d)

maanyo ang pagkakasulat