NEW
Font size
WorksheetsESP 4-Week 5: Tayahin
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Hindi nahihiyang magtanong sa guro si Elisa kung mayroon siyang hindi naiintindihan sa aralin.
2. Bago ko paniwalaan ang impormasyon na aking narinig ay isinasangguni ko muna ito sa taong may alam o kinauukulan.
3. Isinasangguni ko muna sa aking mga magulang ang mga impormasyon na aking narinig o nabasa.
4. Paniniwalaan ko agad ang impormasyong aking narinig kahit hindi sigurado sa pinanggagalingan nito.
5. Kung mayroon akong narinig na mga impormasyon na hindi ko naintindihan isinasangguni ko ito sa mas nakakatanda.
6. Nagtatanong si Trisha kung anong palabas ang dapat niyang panoorin sa telebisyon.
7. Hindi ako nagtatampo sa aking mga magulang kung hindi nila ako pinapayagang manood ng mga programang hindi kaaya-aya para sa mga bata.
8. Sumakit ang ulo ni Ralph kaya sumangguni siya sa kanyang ina kung anong gamot ang pwede niyang inumin.
9. Agad akong maniniwala sa palabas sa telebisyon dahil idol ko ang artistang nagsabi ng impormasyon.
10. Bago pinasa ni Kim ang kanyang proyekto ay isinangguni muna niya ito sa kanyang kapatid kung tama ba ang impormasyon na kanyang sinulat.
