Font size
WorksheetsESP
Total questions: 25
Worksheet time: 19mins
Ito ay katangian na nagpapakita ng kakayahang harapin ang anumang gawain o sitwasyon nang walang takot o alinlangan.
tatag na loob
katapangan
pagkamatiyaga
Ang pahayag na "ang kailangan mo'y tibay ng loob kung mayroong pagsubok man,: ay________________.
tama
mali
di - tiyak
Masasabing matatag ang iyong kalooban kung _________________________.
Nakikinig ka kapag pinagsasabihan at nagsisikap magbago.
Hindi ka humihingi ng tawad kapag nagkakamali.
Nagtatampo ka kung pinagsasabihan sa maling nagawa.
Palatandaan ang katatagan ng kalooban ang ___________.
Hindi nagpapadala sa pakikipag - away.
Pag - amin sa nagawang pagkakamali.
Lahat ng nabanggit.
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katatagan ng kalooban, MALIBAN kay ___________________.
Carl, na tinatanggap ang pagkatalo sa laro nang nakangiti.
Glenn, na nakipag - usap ng mahinahon sa sumisigaw sa kanya.
Claire, na nagmukmok sa silid nang nahirapang magbasa.
Nagsisikap pa ring mag - aral si Jack kahit mahirap lang sila.
Tama
Mali
Itinigil na ni Pia ang pagsagot sa mga aralin dahil nahihirapan at napapagod na siya.
Tama
Mali
Tuloy lang sa paglalakad si Jessica kahit pinagtatawanan siya dahil siya ay pilay.
Tama
Mali
Pinipilit ni Cheska na tumulong sa gawaing - bahay kahit marami siyang pinag - aaralang module.
Tama
Mali
Tumanggi si Val nang tanungin ng ina kung siya ang nakabasag ng plato kahit totoo naman ito.
Tama
Mali
Ang mga kilos o gawain na dapat sundin ng lahat ng kasapi ng pamilya ay matatawag na __________________.
tuntunin
utos
pakiusap
Ang maaring maging mabuting dulot ng pagkakaroon ng tuntunin sa tahanan ay _______________________.
kaayusan
kaguluhan
pagkanya - kanya
Ang mga sumusunod ay wastong tuntunin sa tahanan, MALIBAN sa ____________________.
Tumulong sa mga gawaing - bahay.
Maging magalang sa pakikipag - usap.
Ipagpaliban ang pagsunod sa utos.
Ang pagsunod sa tuntunin sa tahanan ay naipapakita ni _____________________.
Rena, na lumalabaspa rin ng bahay upang maglaro.
Felix, na hindi nakikipag - away sa mga kapatid.
Emil, na ayaw paawat sa paglalaro ng cellphone.
Bilang kasapi ng pamilya, mahalagang isipin mo na ____________________.
Okay lang na hindi makasunod dahil bata ka pa.
Laging mauunawaan nila dahil hindi mo pa kaya.
Kaya mong sumunod dahil mabuti kang bata.
Taglay ni Noreen ang pagkukusa. Katangiang hindi na kailangang utusan upang gawin ang isang gawain.
Oo
Hindi
Ipinagpapaliban ni Mark ang pagsunod sa utos at sinasabing "sandali lang."
Oo
Hindi
Tagapag - abot ng kailangan sa pagluluto si Ellie.
Oo
Hindi
Kaya ni Mielle na paliguan ang sarili.
Oo
Hindi
Lumalabas ng bahay si Mario upang maglaro kahit walang pahintulot ang ina.
Oo
Hindi
Nakangiti lang si Coco kahit natatalo na sa larong basketball.
Kahit takot na mapagalitan, inamin pa rin ni Ivy na siya ang nakabasag sa flower vase.
KInakanti ni Joel si Juan upang pumatol ito sa away. Umiwas na lamang si Juan upang walang maging gulo.
Kalmadong lumakad si Boyet palabas ng bahay kasama ang tatay niya nang kanailangang lumikas dahil sa baha.
Hindi pinanghihinaan ng loob si Carmela kahit siya ay may sakit. Masaya pa rin siyang nakikipag - usap sa mga dumalaw.
