NEW
Font size
WorksheetsMOTHER TONGUE 2
Total questions: 20
Worksheet time: 3600secs
1. Anong uri ng panghalip ang panghalili sa pangalan ng tao?
a.Panao
b.Pamatlig
c.Pananong
d.Panaklaw
2. Ano ang panauhan ng sinalungguhitang panghalip sa pangungusap?
Ako ay masayang naglalaro sa labas ng bahay.
a.Ikalawang Panauhan
b.Ikatlong Panauhan
c.Unang Panauhan
3.Ako at si Ridge ay gigising nang maaga. Magbibisikleta _________ sa parke.
a.ako
b.siya
c.atin
d.kami
4.Arden, tulungan mo akong maglinis. Ako ang magwawalis at ________ naman ang magbubura ng pisara.
a.ikaw
b.tayo
c.siya
d.kami
Si Messiah ang kaibigan ko. ___________ay mabuting kaibigan.
a.Siya
b.Ako
c.Ikaw
d.Mo
6.Anong uri ng panghalip ang pinanghahalili sa pangngalan sa paraang patanong?
a.Panghalip Panao
b. Panghalip Pananong
c. Panghalip Panaklaw
d. Panghalip Pamatlig
7.___________ang nagsulat nito?
a.Sino
b.Alin
c.Ano
d.Kanino
8.____________ang iinumin mo, Coke o Pepsi?
a.sino
b.sinu-sino
c.Alin
d. Anu-ano
9____________sumama si Yhuri pauwi kagabi?
a.Ano
b.Alin
c.Kanino
d. Saan
10.____________ang ginagamit mong sabong panlaba, ang Surf o ang Tide?
a.Sino
b.Sinu-sino
c.Alin
d.Anu-ano
11.Anong uri ng panghalip ang sumasaklaw sa kaisahan, dami o kalahatan ng tinutukoy na pangngalan?
a. Panghalip Panao
b. Panghalip Panaklaw
c. Panghalip Pananong
d. Panghalip Pamatlig
12.Alin sa mga salita ang panghalip panaklaw?
a.Sino-sino
b.Sinuman
c.Ano-ano
d.Ganito
13. Tumutulong ang __________ para matapos ang gawain sa bahay.
a. lahat
b. madla
c.sinuman
d. alinman
14.Ang paglalaro at pag-aaral , __________ sa mga ito , ay karapatan ng isang bata.
a. kaninuman
b. sinuman
c. alinman
d. saanman
15.Ang ___________ ay dapat laging maging handa sa panahon ng kalamidad.
a. bawat isa
b. marami
c. alinman
d. sinuman
16.Uri ng panghalip na humahalili sa ngalan ng tao, bagay at iba pa na tinuturo o inihihimaton.
a. Panghalip Panao
b. Panghalip Pananong
c. Panghalip Panaklaw
d. Panghalip Pamatlig
17.Pumunta sa palengke si Ate Karla. _______ siya bibili ng mga gulay at karne.
a.Diyan
b.Iyan
c.Doon
d.Dito
18.Malapit na ang aming pagsusulit. _______ nalang ako mag-aaral sa bahay namin.
a.Rito
b.Riyan
c.Dito
d.Ito
19.Wow! Ang ganda naman nitong laruan ko. Dadalhin ko ______bukas sa bahay ng kaibigan ko.
A.iyan
B.dito
C.diyan
D.ito
20.______ ba ang dyip ni Jeikob? Ang layo naman ng parking niya.
a.Ito
b.Iyan
c.Iyon
d.Diyan
