wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagtataya Bilang 4 - P.E. 4

Total questions: 10

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay mga pamantayan bago ang pagsasagawa ng mga pagsubok sa physical fitness, maliban sa isa.

a)

Ihanda ang lahat ng kinakailangang kagamitan.

b)

Maaaring hindi na magpahinga sa pagsasagawa ng mga pagsubok.

c)

Magsuot ng angkop na damit pang-isport.

d)

Siguraduhing maayos at ligtas ang lugar bago magsagawa ng pagsubok.

2.

Ano ang dapat mong gawin bago magsimula sa gawain sa physical fitness?

a)

Ihanda ang mga kakailanganing kagamitan bago magsimula ng pagsubok.

b)

Makipagkwentuhan sa iyong katulong o kasamahan sa pagsasagawa ng pagsubok.

c)

Kumain nang marami upang hindi magutom sa kalagitnaan ng pagsubok.

d)

Umpisahan na agad ang gawain para madaling makatapos.

3.

Pagkatapos gawin ang lahat ng mga pagsubok, ano ang nararapat mong gawin?

a)

Kumain ng marami dahil napagod ka.

b)

Magpahinga at matulog.

c)

Maligo dahil nadumihan ka.

d)

Uminom ng tubig upang mapanatiling hydrated.

4.

Araw ng pagsasagawa ng mga pagsubok sa physical fitness ni Jonathan, subalit bigla siyang nilagnat. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Magsabi sa guro na siya ay nilalagnat.

b)

Ipagpatuloy ang pagsubok kahit na siya ay nilalagnat.

c)

Sulatan na lang ang physical fitness card ng iskor.

d)

Dayain ang pagsasagawa ng mga pagsubok.

5.

Alin sa mga sumusunod na hakbang bago ang pagsasagawa ng mga pagsubok ang pinakatama mong gawin?

a)

Maaari kang makipaglaro ng basketball habang naghihintay na tawagin ang panagalan.

b)

Siguraduhing nakapagjogging upang mas lalong lumakas bago mag-umpisa ng pagsasagawa ng mga pagsubok.

c)

Siguraduhing hindi magbubuhos ng todong enerhiya o gagawa ng mga gawaing nakapapagod bago ang pagsubok.

d)

Makipaghabulan muna sa mga kamag-aral upang malibang habang naghihintay.

6.

Ano ang tawag sa bilis ng reaksiyon sa pagsalo ng ruler?

a)

Alternate Hand Wall Test

b)

Ruler Drop Test

c)

Sit and Reach

d)

Shuttle Run

7.

Ito ay sumusubok sa flexibility sa abot ng makakaya.

a)

Sit and Reach

b)

Shuttle Run

c)

Ruler Drop Test

d)

Vertical Jump

8.

Ito ay sumusubok sa koordinasyon ng mata at kamay.

a)

Hand Wall Test

b)

Sit and Reach

c)

Shuttle Run

d)

Vertical Jump

9.

Ito ay sumusubok sa liksi ng pagkilos habang tumatakbo.

a)

Hand Wall Test

b)

Sit and Reach

c)

Shuttle Run

d)

Vertical Jump

10.

Ito ay sumusubok sa puwersa na ibubuhos sa pagtalon.

a)

Ruler Drop Test

b)

Sit and Reach

c)

Shuttle Run

d)

Vertical Jump