NEW
Font size
WorksheetsMODULE5-WEEK5
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang Pilipinas ay may mabundok na heyograpiya. Ano ang naibigay nitong benepisyo sa ating ekonomiya na nakatulong sa mga industriyal na bansa tulad ng Tsina, Hapon at Estados Unidos?
Mayaman na agrikultura
Mayaman na pagmamanupaktura
Mayaman na minahan at quarry
Mayaman na pamumuhunan sa mga negosyo
Ang pagiging mayaman ng kanlurang Asya sa langis ang nagdulot ng isang malawakang urbanisasyon sa mga lugar dito tulad ng Dubai na isa sa may malalaki ng kinikita sa buong mundo. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto nito sa mga Asyano?
Marami ang mga nangungutang na Asyano sa kanila.
Mataas ang pangangalaga ng mga Asyano sa kapaligiran sa lugar na ito.
Marami ang pumapasok sa prosesong migrasyon na galing sa iba't ibang rehiyon sa Asya papunta sa lugsod ng Dubai.
Maraming mga Asyano sa ibang rehiyon ang nagpapatayo ng negosyo rito nagdulot ng malawakang industriyalisasyon dito.
Alin sa mga sumusunod ang naitutulong ng bansang Hapon sa ibang bansa?
Mahahalagang bakal
Mga sasakyan
Mga pananim
Electronics
Ano ang naitulong ng rainforest sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
Pagtaas ng bilang ng tirahan ng mga hayop
Pagkakaroon ng pagdagdag na kita sa agrikultura
Pagkakaroon ng malawakang pakikipabaka sa mga bansa dito
Mas lumawak ang ari-arian ng mga manggagawang electronics
Ang Tsina ay isa sa mga bansang may malawak na koneksyon sa ibang bansa tulad ng Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang kontribusyon nito sa ibang bansa sa Asya?
Petrolyo
Palaisdaan
Mga pananim
Electronics at mga makinarya
Ang mga mahahalagang mineral tulad ng phosphate at bakal ay naging kalamangan ng Timog Asya Paano mapapakinabangan ng ibang rehiyon sa Asya ang mga mahahalagang mineral na ito?
Imprastruktura at makinarya
Pagkain at gamot sa may sakit
Pagpapalago ng yamang dagat
Paggawa ng salapi sa ibang bansa
Bakit mahalagang mapagyaman natin ang yamang likas ng ating rehiyon?
Dahil ang yamang likas ang tinuturing na habitat.
Dahil dito na ngangalap ng pagkain ang lahat ng hayop na may buhay
Dahil ang yamang likas ay biyaya ng Poong Maykapal
Dahil sa yamang likas tayo umaasa ng ating pang araw-araw na pamumuhay at ito ang nagpapaangat din ng ating kita. 8
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig sa katangian ng Asya bilang isang kontinente?
Ito ay sagana sa digmaan.
Ito ay nagdulot ng kapahamakan sa ibang kontinente.
Sagana ang mga bansa dito sa iba't ibang yamang likas
Maraming uri ng pamumulitika sa mga bansa sa Asya.
Ang pamumuhay sa Timog Asya ay nakabatay sa subsistence farming kung saan sila ay nagtatanim upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Ang sumusunod ay magandang epekto ng subsistence farming maliban sa:
May sapat na pagkain para sa pamayanan.
Nakakalahok sa malaking pamilihan
Nakalilikha ng trabaho
Nalilinang ang pagkakaisa sa pamayanan.
Ang Pilipinas ay napapaligiran ng katubigan at maraming kapuluan. Paano ito nakakatulong sa ekonomiya?
Mas marami tayong likas na yaman na iba't ibang pang mineral.
Mas mayaman tayo sa petrolyo at iba pang mineral
Mas malawak ang ating pataniman ng mga palay.
Nangunguna tayo sa paglalakbay sa iba't ibang bansa.
