wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GRADE 9 MAHOGANY MODULE 6 QUIZ

Total questions: 10

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Bakit ang pagsasaad ng katotohanan ay tungkulin ng mass media?

a)

Mass media lamang ang ating mapagkukunan ng impormasyon.

b)

Maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.

c)

Ang ating pagpapasya ay batay sa ating hawak na impormasyon.

d)

Pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon.

2.

Bakit nananatili ang tao na maging kaanib ng isang institusyong panrelihiyon?

a)

Dahil ang gawing ito ay kanya nang kinamulatan sa kanyang mga magulang.

b)

Dahil sa pagkakatantong hindi nag-iisa ang tao sa paghahanap ng katuturan ng buhay.

c)

Dahil walang saysay ang buhay sa gitna ng mga tinatamasa.

d)

Dahil may kapangyarihang hawak ang mga lider ng relihiyon.

3.

Alin ang hindi katangian ng lipunang sibil?

a)

Panghihimasok ng liderato.

b)

Kawalan ng pangmatagalang liderato.

c)

Pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan

d)

Kawalan ng kwalipikasyon ng mga kaanib.

4.

Aling gawain ng isang samahan ang maituturing na isang lipunang sibil?

a)

Pagsisid sa mga bahura (coral reefs)

b)

Pag-iikot sa iba’t-ibang lugar ng mga motorcycle riders

c)

Pagmamasid sa mga bituin

d)

Pagtatanim ng mga puno

5.

Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?

a)

Upang makapagbigay lunas sa suliranin ng karamihan.

b)

Upang maparating ang suliranin sa pamahalaan.

c)

Upang mabigyan ng pansin ang pagkukulang ng pamahalaan.

d)

Upang talakayin ang mga suliraning panlipunan

6.

May pagkakataon na mali ang impormasyon na nagmumula sa media. Magbigay ng isang halimbawa

4 lines
7.

Kung sakaling may mapansin kang paglabag sa katotohanan ng media, ano ang gagawin mo?

4 lines
8.

Kung ikaw ay magsusulat ng blog, anong isyu o problema ang iyong kakaharapin at bakit?

4 lines
9.

Bakit kinakailangan ng tao ng gabay mula sa mga pari o pastor?

4 lines
10.

Anong mga payo tungkol sa kabuluhan ng buhay ang maari mong matanggap mula sa pari, pastor o simbahan?

4 lines