wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3 Likas na Yaman ng Asya - Tayahin

Total questions: 15

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Kung ang Pilipinas ay nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra, alin sa sumusunod ang pangunahing produkto ng Malaysia?

a)

Tanso

b)

Liquefied petroleum gas

c)

Telang silk o sutla

d)

Sibuyas, ubas at mansanas

2.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

Makapal at mayabong ang gubat sa Timog-kanlurang Sri-Lanka na hitik sa puno ng mahogany.

b)

Ang Bangladesh ay sagana sa paghahayupan.

c)

Ang pinakamahalagang likas na yaman ng India ay lupa.

d)

Sa mga lambak ng Irrawady at Sitang River ang pinakamatabang lupa sa Myanmar.

3.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa taglay na likas na yaman ng Timog Silangang Asya?

a)

Ang Timog Silangang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo.

b)

Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng pinakamalaking deposito ng ginto.

c)

Ang Timog Silangang Asya ang nangunguna sa industriya ng telang sutla.

d)

Ang Timog Silangang Asya ay nagtataglay ng malalawak na kagubatan.

4.

Anong bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya matatagpuan ang pinakamaraming puno ng Teak?

a)

Brunei

b)

Myanmar

c)

Cambodia

d)

Vietnam

5.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kabilang sa Timog Silangang Asya na nagtataglay ng mayamang likas na yaman. Ano ang pangunahing produkto na iniluluwas ng bansang Pilipinas?

a)

Langis ng niyog at kopra

b)

Natural gas at Liquefied gas

c)

Palay at Trigo

d)

Tilapia at Bangus

6.

Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na nangunguna sa produksiyon at pinakamalaking deposito ng ginto. Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapabilang ang ginto?

a)

Yamang Lupa

b)

Yamang Tubig

c)

Yamang Gubat

d)

Yamang Mineral

7.

10. Sa pagkakaroon ng lambak-ilog at mababang burol ng mga bundok na mainam na pagtaniman sa Hilagang Asya ano ang mahihinuha mong maaaring maging hanap buhay ng mga naninirahan dito?

a)

A. Pangingisda

b)

B. Pagmimina

c)

C. Pagsasaka

d)

D. Pagpipinta

8.

Ang bawat bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya ay may taglay na iba’t ibang uri ng likas yaman na nakatutulong sa pag-unlad ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa likas na yaman na taglay ng rehiyon ng Timog Silangang Asya?

a)

Salat sa likas na yaman ang rehiyon ng Timog Silangang Asya.

b)

Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay nangunguna sa larangan ng magagandang aplaya o beaches.

c)

Ang Timog Silangang Asya ay kilala sa mala-paraisong mga pulo at baybayin na may pinong-pinong buhangin.

d)

Ang Timog-Silangang Asya ay tahanan ng mga natural wonders o kahanga-hangang tanawin na likha ng kalikasan.

9.

Anong bansa sa Hilagang Asya ang may pinakamaraming deposito ng ginto sa buong mundo?

a)

Tajikistan

b)

Kyrgyztan

c)

Turkmenistan

d)

Uzbekistan

10.

Sa rehiyong ito matatagpuan ang may pinakamaraming deposito ng gas at petrolyo?

a)

Kanlurang Asya

b)

Timog Asya

c)

Silangang Asya

d)

Timog Silangang Asya

11.

Paano mo bibigyan ng paglalarawan ang mga likas na yaman sa bawat rehiyon sa Asya?

a)

Ang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya ay magkakatulad.

b)

Ang mga likas na yaman sa rehiyon sa Asya ay magkakaiba.

c)

Ang mga rehiyon sa Asya ay salat sa mga likas na yaman.

d)

Ang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya ay malapit ng maubos.

12.

Bakit mahalaga ang mga likas na yaman sa isang bansa?

I. Sapagkat ang likas na yaman ang tumutustos pangangailangan ng mamamayan.

II. Sapagkat ang likas na yaman ay nagbibigay ng karangalan sa isang bansa.

III. Ang likas na yaman ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales.

IV. Ang likas na yaman ang nagbibigay ng yaman sa bansa.

a)

I, II

b)

III, IV

c)

I, III

d)

II, IV

13.

Sinasabing may malawak na damuhang matatagpuan sa Hilagang Asya bagama’t dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay rito. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa likas na yaman ng nasabing rehiyon?

a)

Palay ang mahalagang produkto rito bagama’t may trigo, jute at tubo.

b)

Paghahayupan ang pangunahing gawain dahil sa mainam itong pagastulan ng mga alagang hayop.

c)

Troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyon

d)

Tinatayang may pinakamalaking deposito ng ginto at mga yamang mineral.

14.

Alin sa sumusunod na likas na yaman ang nasa tamang pangkat?

a)

Ginto, tanso, natural gas, Mayapis

b)

Trigo, palay, barley, bulak at gulay

c)

Bakal at karbon

d)

Ganges, Brahmaputra, hydroelectric power

15.

Dahil sa lawak ng kalupaang sakop ng Timog Asya, alin sa sumusunod ang itinuturing na mahalagang yaman nito?

a)

Bakal at karbon

b)

Palay

c)

Lupa

d)

Mahogany at palmera