wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MAIKLING PAGSUSULIT - 10 - 2.1

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ayon sa MELC na inilunsad ng kagawaran ng edukasyon, ito ang sentrong paksa ng kabanata II sa asignaturang Filipino 10.

a)

Mga Akdang Pampanitikan ng mga Bansang Kanluranin

b)

Mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persiya

c)

Mga Akdang Pampanitikan ng Rehiyong Mediterranean

d)

Klasikong Akda ng Pilpipinas

2.

Ito ang panghalip na hindi nararapat na mapabilang sa pangkat kung uri ang pagbabatayan.

a)

iba

b)

lahat

c)

narito

d)

madla

3.

Halimbawa ng panghalip panao na nasa ikatlong panauhan.

a)

ikaw

b)

akin

c)

kanya

d)

iyo

4.

Alin sa mga pangungusap ang gumamit ng panghalip panao na nasa kaukulang palagyo

a)

Ang usapin ay hinggil sa kanila.

b)

Ang usapan nila ay nakarating sa konseho.

c)

Siya ay pinag-uusapan ng mga tao.

d)

Ang usapan ay nakarating sa kanila.

5.

Sa pagpipilian, ito lamang ang nag-iisang halimbawa ng panghalip pananong.

a)

paano

b)

pang-ilan

c)

gaano

d)

kani-kanino

6.

Ito ang pahayag na hindi totoo patungkol sa panghalip.

a)

Ang panghalip ay ginagamit upang maiwasan ang pag-uulit ng pangngalan sa isang pangungusap o pahayag.

b)

Ang panghalip ay mayroong iba't ibang uri kaya nararapat na maging mapanuri sa kung ano ang gagamitin.

c)

Ang panghalip ay maaari ring maging simuo o paksa ng pangungusap.

d)

Ang panghalip ay ponemang ginagamit upang makabuo ng morpema.

7.

Ito ang pagdulog na hindi nararapat na mapasama kung ang pagbabatayan ay ang taguring ANG TATLONG MALAKING KILUSANG NAUNA SA EUROPA.

a)

klasisismo

b)

Marxismo

c)

Romantisimo

d)

Realismo

8.

Ito ang nag-iisang katotohanan patungkol sa pagdulog Romantisimo.

a)

Binibigyang-ddin ang kolektibismo kaysa indibidwalismo.

b)

Sumikat sa kasagsagan ng pagsikat ng matatalinong tao tulad nina Aristotle, Plato at Socrates.

c)

kinukundena o sinasalungat ang konsepto na mayroon ang dulang Romeo at Juliet ni William Shakespear.

d)

Isa sa malalaking kilusang naunang nailunsad sa Europa.

9.

Pagdulog na gumagamit ng simbolismo na lalong nagpapalutang sa intelektwal na kapasidad ng manunuri.

a)

arketipal

b)

imahismo

c)

dekonstruksyon

d)

sikolohikal

10.

Pagdulog na nangibabawa sa akdang WALANG PANGINOON ni Deogracias A. Rosario na kinikilalang AMA ng maikling kuwento sa Pilipinas.

a)

realismo

b)

naturalismo

c)

historikal

d)

feminismo

11.

Ang mga sumusunod na pangalan ay mga tagapagtaguyod ng pagdulog MARXISMO maliban sa isa.

a)

Fredrich Engels

b)

Karl Marx

c)

Vlademir Lenin

d)

Edward Chomsky

12.

Pagdulog na pinakanangibabaw sa akdang PARABULA NG SAMPUNG DALAGA.

a)

moralismo o molistiko

b)

feminismo

c)

historikal

d)

naturalismo

13.

Tawag ito sa kalamang dulot ng pananaliksik na nagtataglay ng mga ebidensya ngunit hindi pa masasabing ganap na napatutunayan.

a)

tesis

b)

analisasyon

c)

desertasyon

d)

teorya

14.

Maliban pa sa mga pagdulog na Historikal at Realismo, ayon sa pagsasaliksik ni Ambet Ocampo, ito ang isa pang pagdulog na pinakanangibabaw sa kabuoang nilalaman ng Noli Me Tangere at El Flibusterismo.

a)

sikolohikal

b)

marxismo

c)

arketipal

d)

naturalismo

15.

Genreng pampanitikan maraming kawing na mga pangyayari at ligaw na tagpo.

a)

nobela

b)

dula

c)

maikling kuwento

d)

sanaysay

16.

Siya ang sumulat ng pinakatanyag na nobelang nasulat sa wikang Pranses.

a)

Maya Angelou

b)

Helen Keller

c)

Guy de Mapaussant

d)

Antoine de Saint Exupery

17.

Ito ang naging tagpuan ng akdang LE PETIT PRINCE.

a)

bundok

b)

kagubatan

c)

disyerto

d)

isla

18.

Ito ang tawag ng taga-daigdig sa palanetang pinanggalingan ng munting prinsepe sa nobelang tinalakay

a)

Baobab

b)

Planetang 325

c)

Planetang B-612

d)

Sahara

19.

Ito ang panauhang ginamit ng manunulat sa akdang LE PETIT PRINCE.

a)

una

b)

ikalawa

c)

ikatlo

d)

mala-diyos

20.

Ang karakter na ito ang nagpabukas sa isipan ng tauhan sa nobelang tinalakay.

a)

rosas

b)

alamid

c)

piloto

d)

bedwin

21.

Ang lahat ay pawang katotohanan patungkol sa ROUND TABLE DISCUSSION maliban sa isa.

a)

Ito ay mabisang paraan ng paghahatid ng impormasyon.

b)

Ito ay tulad din ng workshop at panel presentation.

c)

Ito ay walang gaanong kailangang mga aspektong teknikal kumpara sa iba pang uri ng pagpupulong.

d)

Sa huli, ito ay nagtataglay ng paglalagom.

22.

Ang mga sumusunod ay mga dapat isaalang-alang sa ROUNDTABLE DISCUSSION maliban sa isa.

a)

oras

b)

estruktura

c)

pagtatanong at pagsagot

d)

matagal na paghahanda

23.

Ito ay isang pagtitipon , pagpupulong, o kumprehensiya kaugnay ng isang paksa kung saan maraming tagapagsalita ang magbabahagi o maglalahad para sa mga imbitadong tagapakinig o kalahok.

a)

panel discussion

b)

simposyum

c)

workshop

d)

round table discussion

24.

Ito ang unang dapat gawin ng ng komiteng nakatalaga sa programa ng isang SYMPOSYUM.

a)

paghahanap sa tagapagdaloy ng programa

b)

pag-iimbeta sa mga panuhing pandangal

c)

paghahanda ng mga tanong

d)

paggawa ng balangkas

25.

Ito ang unang dapat gawin ng mga kabilang sa komite para publisidad ng SYMPOSYUM na gagawin.

a)

pagbuo ng liham-panyaya

b)

paglikha ng balangkas ng programa

c)

pagaasikaso sa lugar

d)

pakikipag-ugnayan sa caterer