wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Digmaang Filipino-Amerikano (Pagsusulit 2.2)

Total questions: 15

Worksheet time: 1hrs 15mins

Name
Class
Date
1.

Ayon sa sinabi ng kanilang Pangulo na si William McKinley noong 1899, alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng Amerika sa Filipinas at sa mga FIlipino?

a)

Hayaan silang pamunuan ang kanilang mga sarili

b)

Ibalik sila sa Espanya

c)

Ibigay sila sa ibang mga bansang Europeo tulad ng France at Germany

d)

Pamunuan sila at turuan silang maging sibilisado

2.

Alin sa mga sumusunod na termino ang tumutukoy sa mabuting "misyon" ng mga Amerikano na turuan ng sibilisadong pamumuhay ang mga Filipino?

a)

Benevolent Assimilation

b)

Co-optation (Kooptasyon)

c)

Imperialism (Imperyalismo)

d)

Pacification (Pasipikasyon)

3.

Alin sa mga sumusunod na termino ang tumutukoy sa paghikayat (persuade) ng mga Amerikano sa mga Filipino na suportahan ang kanilang pamumuno?

a)

Benevolent Assimilation

b)

Co-optation (Kooptasyon)

c)

Imperialism (Imperyalismo)

d)

Pacification (Pasipikasyon)

4.

Alin sa mga sumusunod na termino ang tumutukoy sa puwersahang pagpapatahimik at pagpapanatili ng kapayapaan ng mga sundalong Amerikano sa Filipinas?

a)

Benevolent Assimilation

b)

Co-optation (Kooptasyon)

c)

Imperialism (Imperyalismo)

d)

Pacification (Pasipikasyon)

5.

Ayon sa tula ni Rudyard Kipling na "White Man's Burden" ano ang pagtingin ng mga Amerikano sa mga Filipino at sa iba pa nilang mga sinakop na tao?

a)

Mga batang makukulit na kailangang turuan ng tama at mali

b)

Mga kakampi sa negosyo na tutulong sa pagbenta ng kanilang mga produkto

c)

Mga katutubong tao na humihingi ng tulong sa mga Amerikano

d)

Mga masasamang tao na gusto lamang ng kayamanan at kapangyarihan

6.

Alin sa mga sumusunod na mga katawagan ang HINDI ginagamit ng mga Amerikano upang ilarawan ang sinumang Filipino na lumalaban sa kanila?

a)

Bandits (Mga Tulisan)

b)

Insurgents (Mga Rebelde)

c)

Ladrones (Mga Magnanakaw)

d)

Revolutionaries (Mga Rebolusyonaryo)

7.

Alin sa mga sumusunod na mga karahasan ng digmaan (atrocities) ang ginawa ng mga sundalong Amerikano sa mga Filipino?

a)

Iba't ibang paraan ng pag-torture tulad ng "water cure"

b)

Pagsusunog ng mga bahay at pagpatay sa mga inosenteng tao

c)

Sapilitang pagpapatira ng mga tao sa mga concentration camp

d)

Lahat ng nabanggit

(All of the above)

8.

Sa pananaw ni Emilio Aguinaldo, dapat magkaroon ng pag-uusap ang mga Filipino at Amerikano upang hindi matuloy ang digmaan. Ano naman ang pananaw dito ni Antonio Luna?

a)

Ang kabaitan ng mga Amerikano ay isang pakana upang mapatahimik tayo bago nila tayo lusubin

b)

Hindi matutuloy ang digmaan dahil hindi ito susuportahan ng mga mamamayang Amerikano

c)

Hindi matutuloy ang digmaan dahil sadyang duwag at matatakutin ang mga Filipino

d)

Tutuparin ng mga Amerikano ang kanilang pangako na pagtulong sa mga Filipino

9.

Sino sa mga sumusunod na bayani ang nagsaayos (organize) ng rebolusyonaryong pamahalaan ng Filipinas at naging unang Punong Ministro ng bansa?

a)

Antonio Luna

b)

Apolinario Mabini

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Gregorio del Pilar

e)

Macario Sakay

10.

Sino sa mga sumusunod na bayani ang nagsimula bilang siyentipiko pero nag-aral ng pakikidigma sa Europa at nagsilbi bilang pinakamataas na heneral ng hukbo?

a)

Antonio Luna

b)

Apolinario Mabini

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Gregorio del Pilar

e)

Macario Sakay

11.

Sino sa mga sumusunod na bayani ang nag-alay ng kanyang buhay sa isang labanan sa Tirad Pass upang mabigyan ng panahon si Aguinaldo na makatakas?

a)

Antonio Luna

b)

Apolinario Mabini

c)

Gregorio del Pilar

d)

Macario Sakay

e)

Panglima Hassan

12.

Nagtapos ang Digmaang Filipino-Amerikano sa pagkahuli at pagsuko ni Emilio Aguinaldo noong 1901.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Sino sa mga sumusunod na bayani ang nagpatuloy ng rebolusyon noong 1902-1906 sa pamamagitan ng pagtatatag ng Republika ng Katagalugan?

a)

Antonio Luna

b)

Apolinario Mabini

c)

Gregorio del Pilar

d)

Macario Sakay

e)

Panglima Hassan

14.

Bakit kinuha ng mga Amerikano ang mga Kampana ng Simbahan (Church Bells) ng bayan ng Balangiga sa Samar?

a)

Dahil gawa ito sa purong ginto kaya't malaki ang halaga nito

b)

Dahil hindi sila naniniwala sa Katolisismo at nais nilang magpakalat ng relihiyong Protestante

c)

Dahil nagsilbi itong mga tropeo (trophy) ng kanilang matagumpay na pagpigil sa rebolusyon ng Balangiga

d)

Dahil pagmamay-ari talaga ito ng mga Amerikano na ninakaw ng mga Filipino na nagrebolusyon

15.

Naging kabahagi ng Digmaang Filipino-Amerikano ang mga Moro ng Mindanao.

a)

TAMA

b)

MALI