wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Aralin 4 Epiko

Total questions: 15

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan.

a)

pabula

b)

epiko

c)

mitolohiya

d)

alamat

2.

Isang halimbawa ng epiko sa Pilipinas ay ang Ibalon ng ____.

a)

Bicol

b)

llocos

c)

Ifugao

d)

Pampanga

3.

Ang paksa ng epiko ay mga __________ ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.

a)

kabayanihan

b)

kapalaluan

c)

kasawian

d)

kayamanan

4.

Naging kasa-kasama ni Gilgamish si Enkido sa kaniyang paglalakbay. Una, pinatay nila si HUmaba, ang nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pangalawa, pinatag ang kagubatan. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapakita ng ________

a)

resulta

b)

paglalahad

c)

pagsusunud-sunod

d)

aksyon

5.

"Kaibigan, pinarusahan ako ng mga diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay."Anong damdamin ang nangingibabaw sa binasang akda?

a)

nagsisisi

b)

natatakot

c)

nalulungkot

d)

nahihiya

6.

Minsan binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit ano."Ang damdaming ipinapahiwatig ng pahayag ay_________.

a)

nanghihinayang

b)

nagagalit

c)

naiinis

d)

natatakot

7.

Ang mga sumusunod ay katangian ni Gilgamesh maliban sa________.

a)

matapang

b)

makapangyarihan

c)

mapagkumbaba

d)

abusado

8.

Ang mga sumusunod ay mga kaisipang ipinahiwatig sa akda maliban sa __________.

a)

Ang mga tao kapag namatay ay maaaring mapunta sa kadiliman at sa kalangitan.

b)

Ang tunay na magkaibigan kasama sa hirap at ginhawa.

c)

Ang kasamaan ay nagtatagumpay laban sa kabutihan.

d)

Ikinararangal ang taong namatay dahil sa labanan.

9.

Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa epiko maliban sa ____________.

a)

Layunin nitong gumising ng damdamin

b)

Mula sa salitang 'EPOS" mula sa salitang Griyego na nangangahulugang kabayanihan.

c)

Ang paksa ay kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kainiyang paglalakbay at pakikidigma.

d)

Nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo.

10.

Ito ang natalang kauna-unahang epiko sa Mesopotamia na pinagbatayan ng mga epiko sa buong mundo.

a)

Epiko ng Gilgamesh

b)

The Devine Comedy

c)

El Cid o El Cantar Mio Cid

d)

Chanson de Roland

11.

Ang mga sumusunod ay ginagamit sa pagdaragdag ng impormasyon maliban sa ________.

a)

Bilang karagdagan

b)

Dagdag pa rito

c)

Kaya naman

d)

Kabilang dito

12.

Hindi inaasahan ng mga taga Marikina ang malakas na buhos ng ulan kaya hindi nila napaghandaan ang malakas na pagbaha. Ang pangatnig na ginamit sa pangungusap ay ________.

a)

hindi

b)

kaya

c)

na

d)

ang

13.

Tunay na sunud-sunod na ang hagupit ng kalikasan sa buong mundo. Bunga nito patuloy ang pagbagsak ng ating ekonomiya. Ang pangatnig na ginamit sa pagbibigay diin sa kaisipan ay ______.

a)

Bunga nito

b)

sunud-sunod

c)

tunay

d)

patuloy

14.

Sa kabila ng malakas na hangin at buhos ng ulan marami pa rin sa mga taga Marikina ang ayaw iwanan ang kanilang tahanan, sa halip na lumikas ay binantayan na lamang ito . Ang pananda na ginamit sa pagpapahayag ng kontradiksyon ay __________.

a)

sa halip

b)

ayaw

c)

Sa kabila

d)

rin

15.

Nagtanim ako ng mga halaman noong panahon ng pandemic. Ang ginamit na pananda na nagsasaad ng panahon sa pahayag ay _____.

a)

ako

b)

panahon

c)

noon

d)

nagtanim