Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Aral Pan 6 A3

Total questions: 20

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang bayaning Pilipino ang inilalarawan bilang:


Tagapayo ni Emilio Aguinaldo

Utak ng Rebolusyon

Dakilang

Lumpo/Paralitiko

a)

Apolinario Mabini

b)

Gregorio del Pilar

c)

Emilio Jacinto

d)

Jose Rizal

2.

Sino ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan?

a)

Andres Bonifacio

b)

Gregorio del Pilar

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Emilio Jacinto

3.

Sino ang tinawag na “Bayani ng Pasong Tirad”?

a)

Andres Bonifacio

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Gregorio del Pilar

d)

Jose Rizal

4.

Bakit nakialam ang US sa digmaang ginagawa ng bansang Cuba laban sa Espanya?

a)

Sinuportahan ng US ang paglaban ng Cuba sa Espanya dahil sa ekonomikong interes nito sa nasabing bansa.

b)

Makadadagdag ito sa kapangyarihan ng US sa buong mundo.

c)

May interes ang US sa Pilipinas sa pakikipagkalakalan dito.

d)

Matagal nang pinag-aagawan ng US at Espanya ang Cuba.

5.

Bakit pumayag ang Espanya na makipagkasundo sa US upang maganap ang Pekeng Labanan sa Maynila (Mock Battle of Manila)?

a)

Kasama ito sa nakasulat sa Kasunduan ng Paris.

b)

Upang ipakita sa mga Pilipino na sila ay hindi natatakot sa US.

c)

Gustong ipakita ng Espanya na natalo sila nang lumalaban pa din.

d)

Upang maiwasan ng Espanya ang kahihiyan sa pagsuko nila sa US.

6.

Kung ang titik ng Marcha Nacional Filipina ay nilikha ni Jose Palma mula sa tulang Filipinas, sino naman ang gumawa ng himig (o musika) nito?

a)

Julian Felipe

b)

Felipe Calderon

c)

Apolinario Mabini

d)

Ambrosio Rianzares Bautista

7.

Binasa ang Deklarasyon ng Kalayaan ng mga Pilipino mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Isang mahusay na heneral at magaling sa estratehiyang pangmilitar si Gregorio delPilar. Ngunit dahil sa istriktong pagdidisiplina at pagkamainitin ang ulo, naging sanhi ito ng pagpatay sa kanya ng kapwa Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Naunang nagpaputok ang mga sundalong Pilipino nang pahintuin sila ng pangkat ng mga Amerikanong sundalo sa pamumuno ni Private William Walter Grayson. Ito ang naging simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Sino sa mga sumusunod na bayani ang nag-alay ng kanyang buhay sa isang labanan sa Tirad Pass upang mabigyan ng panahon si Aguinaldo na makatakas?

a)

Antonio Luna

b)

Apolinario Mabini

c)

Gregorio del Pilar

d)

Macario Sakay

e)

Panglima Hassan

11.

Sino sa mga sumusunod na bayani ang nagsimula bilang siyentipiko pero nag-aral ng pakikidigma sa Europa at nagsilbi bilang pinakamataas na heneral ng hukbo?

a)

Antonio Luna

b)

Apolinario Mabini

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Gregorio del Pilar

e)

Macario Sakay

12.

Paano nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899?

a)

Pinaputukan ng sundalong Pilipino ang mga sundalong Amerikano na nagpapatrolya sa tulay ng Sta. Mesa, Maynila

b)

Pinaputukan ng sundalong Amerikano ang mga sundalong Pilipino na nagpapatrolya sa tulay ng Sta. Mesa, Maynila

c)

Pinaputukan ng sundalong Pilipino ang mga sundalong Amerikano habang natutulog malapit sa tulay ng Sta. Mesa, Maynila

d)

Pinaputukan ng sundalong Amerikano ang mga sundalong Pilipino habang natutulog malapit sa tulay ng Sta. Mesa, Maynila

13.

Sino ang isa sa pinakamahusay na heneral ng himagsikan na namuno sa pakikidigma laban sa Amerikano subalit pinaslang ng mga sundalo na kabilang sa Kompanya ng Kawit noong ika-5 ng Hunyo, 1899?

a)

Hen. Antonio Luna

b)

Hen. Artemio Ricarte

c)

Hen. Vicente Lukban

d)

Hen. Gregorio Del Pilar

14.

Ito ay isang kapisanang pansibiko na naglalayong ilahok ang mga tao sa kilusang pagbabago, at ito ay pinamumunuan ni Rizal

a)

Liga ng Filipina

b)

La Liga Filipina

15.

Siya ay isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino at sinikap niyang itaguyod ang sentimyento ng mga Ilustradong Pilipino.

a)

Marcelo H del Pilar

b)

Marcelo Fernan

16.

Kailan itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos.

a)

Enero 20 1899

b)

Enero 23 1899

17.
Sino si Trinidad Tecson?
a)
Lakambini ng Katipunan
b)
Ina ng Katipunan
c)
Ina ng Biak na Bato
d)
Babaeng Heneral
18.
Ano ang naging partisipasyon ng mga Pilipino sa Mock Battle in Manila?
a)
Nakipagtulungan sa mga Amerikano
b)
Nakipagtulungan sa mga Espanyol
c)
Walang kinampihan sa dalawang dayuhan
d)
Umawat sa digmaan
19.
Ano ang naging hudyat o simula ng digmaang Pilipino at Amerikano?
a)
Nang malaman ng mga Pilipino ang Kasunduan sa Paris
b)
Nang malaman ng mga Pilipino na kunwari lamang ang naging labanan ng mga Espanyol at Amerikano sa Maynila
c)
Nang hindi papasukin ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa Intramuros
d)
Nang barilin ng sundalong amerikano ang sundalong Pilipino habang tumatawid sa tulay ng San Juan
20.

Alin sa mga sumusunod ang ginawa ni Heneral Gregorio del Pilar upang tulungan sa pagtakas si Aguinaldo?

a)

Binuwis ang buhay huwag lang madakip si Aguinaldo

b)

Itinuro ang maling daan sa mga Amerikano

c)

Ginawang katawa-tawa ang sarili

d)

Nagtago sa mga bahay na bato upang hindi mahuli