wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

aspekto ng pandiwa

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

1. Minamasdan ni Lola ang mga apo niyang ________________sa bakuran.

a)

naglaro

b)

naglalaro

c)

maglalaro

2.

Humingi ng meryenda si Allan kaya____________________________ ko siya ng turon.

a)

binigyan

b)

binibigyan

c)

bibigyan

3.

Ikaw ba ang_________________________ ng larawang ito? Napakaganda ng gawa mo!

a)

gumuhit

b)

gumuguhit

c)

guguhit

4.

______________________ ngayon si Nanay sa silid dahil sumasakit ang ulo niya.

a)

Nagpahinga

b)

Nagpapahinga

c)

Magpapahinga

5.

Ang tatay mo ay______________________ bukas nang alas otso.

a)

tumawag

b)

tumatawag

c)

tatawag

6.

Pinulot ni Sam ang mga manggang__________________sa ilalim ng puno

a)

nahulog

b)

nahuhulog

c)

mahuhulog

7.

Magsisimba ako mamaya._________________ ba kayo sa akin?

a)

Sumama

b)

Sumasama

c)

Sasama

8.

________________________pa ang sanggol kaya huwag kayong maingay.

a)

Natulog

b)

Natutulog

c)

Matutulog

9.

(, , ) na ang sine. Hindi natin nakita ang umpisa nito.

a)

Nagsimula

b)

Nagsisimula

c)

Magsisimula

10.

Si Tatay ang nagluluto dahil______________________pa si Nanay.

a)

naglaba

b)

naglalaba

c)

maglalaba

11.

May adobong manok at pritong manok kami. Ano ang ____________________mo?

a)

pinili

b)

pinipili

c)

pipiliin

12.

Kanina ko pa hinahanap ang susi ko.________________________mo ba?

a)

Nakita

b)

Nakikita

c)

Makikita

13.

Maghanda na kayo at____________________natin ang unang kabanata.

a)

binasa

b)

binabasa

c)

babasahin

14.

Hindi na po kami gutom dahil ___________________ na po kami ng almusal.

a)

kumain

b)

kumakain

c)

kakain

15.

Naririnig mo ba ang taong ________________________sa entablado?

a)

nagsalita

b)

nagsasalita

c)

magsasalita

16.

Ano ang___________________ natin sa darating na Buwan ng Wika?

a)

inawit

b)

inaawit

c)

aawitin

17.

____________________________ ng masarap na tsampurado si Lola Ester kahapon.

a)

Nagluto

b)

Nagluluto

c)

Magluluto

18.

Nauunawan mo ba ang __________________ ko sa iyo?

a)

sinabi

b)

sinasabi

c)

sasabihin

19.

________________________ako nang mabuti mamayang gabi para sa pagsusulit.

a)

Nag-aral

b)

Nag-aaral

c)

Mag-aaral

20.

_________________________po kami sa lahat nang nanood ng programa namin. Sana po ay nasiyahan kayo.

a)

Nagpasalamat

b)

Nagpapasalamat

c)

Magpapasalamat