WorksheetsAP 4 - Summative Assessment
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ano ang tawag sa isang endangered species na hayop kung saan isa siya sa pinakamaliit sa kanyang uri at matatagpuan sa lawa at ilog sa Luzon?
Mouse deer sa Palawan
Tarsier
Sinarapan
Visayan Spotted deer
Anong hayop ang kilala rin sa tawag na pilandok?
Tarsier
Sinarapan
Mouse deer sa Palawan
Philippine eagle
Anong hayop ang kilala bilang "monkey-eating" at karamihan ay naninirahan Mindanao?
Philippine Eagle
Sinarapan
Tarsier
Visayan spotted deer
Alin sa mga sumsusunod na pahayag ang totoo tungkol sa pagkakaingin?
Nakakabawas ito sa polusyon.
Napipigilan nito ang soil erosion.
Ito ay nakabubuti sa kalusugan ng mamamayan.
Mawawalan ng tirahan ang mga hayop kung ito'y madalas na gagawin.
Ano ang dapat gawin kapag ikaw ay nakakita ng mga mangingisda na gumagawa ng maling paraan ng pangingisda gaya ng paggamit ng dinamita?
Bilhin ang kanilang nahuling isda.
Tulungan sila sa kanilang iligal na gawain.
Ipagbigay alam agad sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.
Hayaan lang sila.
Ang sumusunod na pinagmumulan ng enerhiya ay di-nauubos maliban sa:
enerhiya mula sa hangin
enerhiya mula sa araw
enerhiya mula sa petrolyo
enerhiya mula sa buhos ng tubig
Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng wastong pangangalaga sa kalikasan?
paghiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na basura
pagpatay ng ilaw pag hindi kailangan
pagtapon ng bagay na maaring muling magamit o ma-recycle
pakikilahok sa clean up drive o paglilinis ng kapaligiran
Ang sumusunod ay mga gawaing nakakatulong sa kalikasan maliban sa:
pagtitipid sa pagkunsumo ng enerhiya
pagsali sa mga organisasyon na naglalayong maprotektahan ang kalikasan
pag-aaksaya ng papel
pagtatanim ng halaman
Saan nakababawas ng polusyon ang pagsasabay-sabay sa sasakyan at pagsakay sa bisekleta?
mabawasan ang polusyon sa lupa
mabawasan ang polusyon sa hangin
mabawasan ang polusyon sa tubig
mabawasan ang polusyon sa ingay
Ang pagbawas sa polusyong nalilikha at pagtangkilik sa mga environment-friendly na produkto ay halimbawa ng ano?
Pagpapabaya sa kalikasan
Pagpatay sa kalikasan
Pagtulong sa kalikasan
Pagwasak sa kalikasan
Paano makatutulong ang iyong pamilya kapag nagbabakasyon kayo sa magagandang tanawin sa bansa?
pagpitas ng mga halaman
pagiwan ng basura sa tabi-tabi
hindi pagtatapon ng basura kung saan-saan
pagkakalat ng pinagkainan
Ang pangangalaga sa kalikasan ay magdudulot ng sumusunod maliban sa:
Pagkaubos ng likas na yaman
Mas malinis na kapaligiran
Pag-unlad ng mga komunidad
Pagbawas ng isyung pangkapaligiran
Sino ang may katungkulan na pangalagaan ang pinagkukunang yaman ng ating bansa?
Piling grupo ng mamamayan
Iilang mamamaya
Lahat ng mamamayan
Opisyal ng Pamahalaan
Ano ang kagawaran ng pamahalaan na naatasan upang masigurado na ang mga batas pang-kalikasan ay nasusunod at ang kalikasan ay napangangalagaan?
Department of Environment and Natural Resources
Department of Trade and Industry
Department of Justice
Department of Tourism
Anong klaseng mga batas ang nararapat isulong ng mga opisyal sa ating pamahalaan para sa kalikasan?
mapang-abuso
pumoprotekta
nakasasama
bumabalewala
Kung matalino ang pangangasiwa ng likas na yaman, ang mga gawaing pang-ekonomiya gaya ng pagsasaka, pagmimina, pagtotroso, at pangingisda ay:
Hindi nakakatulong sa kalikasan
Laging nakakasama sa kalikasan
Paminsan minsan ay nakakatulong sa kalikasan
Maaring makatulong sa kalikasan
Upang maibalik ang dating kalagayan ng kagubatan ano ang maaring gawin ng mga magtotroso at minero?
Maghintay hanggang maubos ang mga puno at masira ang lahat ng kagubatan.
Magtanim ng maraming seedlings na magiging mga bagong puno.
Magbungkal ng lupa at magmina sa iba't ibang lugar
Pumutol ng puno sa iba't ibang kagubatan.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pangingisda maliban sa:
Pagsunod sa “no fishing zone”
Pagtatanim ng mga bakawan o mangroves
Paggamit ng dinamita sa pangingisda
Pagprotekta sa mga marine sanctuary
Kapag pinangalagaan natin ang kalikasan, ano ang matitiyak natin na mangyayari?
paghirap
pag-unlad
pagkasira
pagbagsak
Dapat natin pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng:
pag-aksaya sa likas na yaman
matalinong pangangasiwa ng likas na yaman
di-matalinong pangangasiwa ng likas na yaman
pang-aabuso sa likas na yaman
Anong pangunahing rehiyon sa Pilipinas ang inilalarawan ni Bryan sa kaniyang mga kaklase?
Ang rehiyong aking napuntahan ay binubuo ng kapuluan. Napalilibutan ito ng malalaking anyong tubig. Sagana ito sa mga yamang dagat.
Palawan
Mindanao
Kalakhang Maynila
Visayas
Bakit iba-iba ang produkto sa bawat rehiyon sa bansa?
iba-iba ang likas na yaman sa bawat rehiyon
ang Pilipinas ay isang bansang tropikal
iba-iba ang bilang ng probinsya sa bawat rehiyon
depende ito sa dami ng populasyon ng rehiyon
Ano ang mangyayari sa komunidad kapag maraming tumatangkilik sa produkto ng livelihood programs?
uunlad ang komunidad
lilinis ang komunidad
hihirap ang komunidad
gugulo ang komunidad
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng kulturang Pilipino?
paglaban para sa karapatan
pagtawa sa may kapansanan
pagmamano sa nakatatanda
paghalik sa mga bata
Bakit naging batayan ng pambansang wika ang pangkat ng mga Tagalog?
dahil sa laki ng populasyon nito
dahil sa magagandang tanawin nito
dahil sa magandang ekonomiya nito
dahil sa lawak ng lupain nito
