Font size
WorksheetsEbolusyon ng Tao
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Ito ang tawag sa mga pagbabago sa loob ng mahabang panahon, sa paglalarawan ng pagbabago sa kaalaman at kultura maging sa pagbabago ng anyo ng buhay sa Daigdig.
(a)
Pinaniniwalaang nagmula ang lahat ng nilalang sa Daigdig sa iisa at simpleng organismo (one-celled organism) na nabuhay noong mahigit tatlong bilyong taon na ang nakakalipas.
(a)
Ito ay isang proseso kung saan ang kalikasan ang nagtatakda kung magpapatuloy o hindi ang lahi ng isang pangkat ng organismo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng supling (offspring).
(a)
Tinatayang nabuhay halos 4 milyong taon na ang nakalilipas sa Ethiopia, Tanzania at South Africa. Tinatawag din bilang "Southern Ape" dahil higit ang pagkakahawig ng mga ito sa mga chimpanzee.
Australopithecine
Homo Habilis
Homo Erectus
Homo Sapiens
Ito ang uri ng Australopithecine na kinabibilangan ng mga labi ng AL 288-1 (Lucy) at ng AL 333 (The First Family).
Australopithecus Afarensis
Australopithecus Aethiopicus
Australopithecus Boisei
Australopithecus Robustus
Ito ang itinuturing na pinakamatandang species ng Australopithecine na tinatayang nabuhay halos 4.2 milyon hanggang 3.8 milyong taon na ang nakalilipas.
Australopithecus Africanus
Australopithecus Anamensis
Australopithecus Bahrelghazali
Australopithecus Boisei
Ito ay isang uri ng Hominid na sinasabing may unang abilidad na gumawa ng kasangkapang bato sa pamamagitan ng pagpukpok ng bato upang makagawa ng isang tipak ng matalas ng bato.
Australopithecine
Homo Habilis
Homo Erectus
Homo Sapiens
Ito ay isang uri ng Hominid na mayroong tuwid na postura o pagtayo tulad ng modernong tao. Sinasabing sila din ang unang nakatuklas at natutong gumamit ng apoy.
Australopithecine
Homo Habilis
Homo Erectus
Homo Sapiens
Ito ay isang uri ng Hominid na kilala bilang taong nag-iisip.
Australopithecine
Homo Habilis
Homo Erectus
Homo Sapiens
Ito ay kabilang sa Homo Sapiens kung saan sila ay bihasa sa pangangaso at paggawa ng kasangkapan para hiwain at putulin ang mga pagkain. Sila din ang sinasabing unang naglibing sa kanilang mga namatay.
Peking Man
Java Man
Cagayan Man
Neanderthal Man
