Font size
WorksheetsAP 6 1ST EXAM
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Layunin ng samahang itinatag ni Dr. Jose P. Rizal noong 1892 na ang sinumang mamamayang Pilipino na nagmamahal sa bansa ay maaaring umanib. Anong samahan ito?
Circulo Hispano Filipino
Katipunan
La Liga Filipina
La Solidaridad
Bakit mahalaga sa mga propagandista ang La Solidaridad?
Ito ay ginawa nilang kabuhayan.
Dahil dito nagkaisa ang mga Pilipino.
Nailathala nila ang nais na pagbabago para sa Pilipinas.
Paraan nila ito upang mas maging mahusay manunulat.
Sa anong paraan ibig makamit ng mga propagandista ang pagbabago sa pamamahala sa Pilipinas?
Sa pamamagitan ng himagsikan
Sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga kalaban
Sa pagbibigay ng pabuya
Sa mapayapang paraan.
Bakit nabigo ang kilusang propaganda na makamit ang mga pagbabago sa Pilipinas sa mapayapang paraan?
Dahil sa laki ng pondo ng samahan.
Dahil sa kakulangan ng pagkakaisa
Dahil sa pagkamatay ng lahat na miyembro
Dahil sa sobrang Kalayaan na nararansan ng lahat.
Ito ay isang pahayagan ng mga Pilipino sa Spain at mg kilusang Propaganda
El Filibusterismo
La Solidaridad
Noli Me Tangere
La Liga Filipina
Ang mga taong naghirap, nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay ay nagpakita ng pagmamahal para sa bayan.
Tama
Mali
Ang pangkat ng mga makabayang Pilipino na nagbuo ng isang kilusan para sa pagbabago ay tinawag na Kilusang Banyaga.
Tama
Mali
Si Andres Bonifacio ang tinaguriang "Utak ng Katipunan"
Tama
Mali
Ang paghihimagsik ay isang paraan ng pakikipagkasundo at pakikipag-ayos.
Tama
Mali
Ang kahulugan ng KKK ay "Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng Bayan".
Tama
Mali
Ang GOMBURZA ay kilala bilang tatlong negosyanteng martir.
Tama
Mali
Ama ng Katipunan
Emilio Jacinto
Andres Bonifacio
Jose Rizal
Emilio Aguinaldo
Utak ng Katipunan
Emilio Jacinto
Andres Bonifacio
Jose Rizal
Emilio Aguinaldo
Kilala sa tawag na "Tandang Sora".
SIYA ANG SUMULAT NG "KARTILYA NG KATIPUNAN"
HENERAL ANTONIO LUNA
JOSE RIZAL
EMILIO JACINTO
HENERAL GREGORIO DEL PILAR
SIYA AY ANG ASAWA NI ANDRES BONIFACIO NA KILALA BILANG "LAKAMBINI NG KATIPUNAN"
MELCHORA AQUINO
GABRIELA SILANG
MARINA DIZON
GREGORIA DE JESUS
ANO ANG NAGING TAWAG SA PANGULO NG KKK?
PRESIDENTE
EMPERADOR
SUPERIOR
SUPREMO
SIYA ANG NAGKANLONG SA MGA SUGATANG KATIPUNERO UPANG GAMUTIN AT ALAGAAN
MELCHORA AQUINO
GABRIELA SILANG
MARINA DIZON
GREGORIA DE JESUS
Sinong kapatid ni Dr. Jose Rizal ang naging kasapi ng Katipunan?
Josefa Rizal
Trinidad Rizal
Siya ang tinaguriang "ina ng watawat ng Pilipinas"
Marcela Agoncillo
Espiridiona Bonifacio
Marcela Marcelo
Agueda Esteban
Pinatay ang magkapatid na Andres at ______________ Bonifacio sa Maragondon, Cavite
Alejandro
Jose
Procopio
Santiago
Ano ang reaksyon ni Bonifacio sa ginawang panlalait ni Tirona?
Nagsawalang kibo si Bonifacio.
Pinawalang bisa niya ang halalan.
Sumang-ayon sa kinalalabasan ng halalan.
Naging masaya siya sa kanyang tungkulin
Dalawang pangkat ang humati sa katipunan. Ano ang mga ito?
Magdalo at Magsaya
Magdalo at Magsilang
Magdiwang at Manalo
Magdiwang at Magdalo
Layunin ng pagpupulong na ito na pag-isahing muli ang katipunan
Kawit Convention
Naic Convention
Tejeros Convention
Talang Convention
Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa Tejeros Convention maliban sa isa, alin ito?
Naihalal na pangulo si Aguinaldo.
Napigilan ng mga Espanyol ang halalan.
Tumutol si Daniel Tirona sa pagkahalal kay Bonifacio.
Naihalal si Bonifacio bilang Direktor ng Gawaing Panloob.
Ang pagkahalal ni Andres Bonifacio bilang Direktor panloob na itatayong pamahalaang rebolusyunaryo ay tinutulan ni Daniel Tirona dahil sa kulang daw siya sa pinag-aralan at walang kakayahan. Ano ang naging reaksyon ni Andres Bonifacio dito?
Nagalit dahil minaliit ang kanyang kakayahan
Binalewala niya ang naging reaksyon ni Daniel Tirona
Natuwa dahil wala siyang gagampanan sa samahan
Nalungkot dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na humawak ng tungkulin
Sa ginawang sabay-sabay na pagpunit ng sedula ng mga katipunero ,ano ang kanilang isinigaw?
Ipagtanggol ang kalayaan!
Lusubin ang mga kalaban!
Mabuhay ang mga Pilipino!
Mabuhay ang kalayaan ng Pilipinas!
Ang pagbigti sa tatlong pari sa pamamagitan ng garote na nag-iwan ng mapait na alaala at gumising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino
Ang Pagkamartir ng GOMBURZA
Ang Pagkamartir ni Jose Rizal
Ang pagkamartir ni Andres Bonifacio
Isang dokumento na naglalaam ng aral, panuntunan at patakaran ng Katipunan:
Kalayaan
Kartilya
Koran
Isang pangyayaring naghudyat ng himagsikan ng mga Pilipino at Espanyol:
Ang Republika ng Biak na Bato
Tejeros Convention
Unang Sigaw sa Pugad Lawin
Tanda ng pagkamamayan sa ilalim ng pamahalaang Espanyol
Birth Certificate
Pagbubuwis
Sedula
Siya ang nanumpang pangulo ng Republika ng Biak-na-Bato.
Andres Bonifacio
Emilio Aguinaldo
Emilio Jacinto
Pedro Paterno
Mayamang Pilipinong namagitan sa mga rebolusyonaryo at pwersang Espanyol upang mapagtibay ang kasunduan
Felix Ferrer
Isabelo Artacho
Mariano Noriel
Pedro Paterno
Kusang nagpatapon sina Aguinaldo sa _____________, alinsunod sa nilalaman ng kasunduan.
Espanya
Hong Kong
Inglatera
Portugal
Ang mga sumusunod ay nilalaman ng Kasunduan sa Biak-na-Bato maliban sa isa, alin ito?
Isusuko ng mga kawal Pilipino ang kanilang armas.
Titigil ang mga kawal Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.
Kusang magpapatapon si Aguinaldo at iba pang lider sa Hong Kong.
Huhulihin at bibitayin si Aguinaldo at iba pang kasamahan sa Pilipinas.
Ano ang naging bunga pagkatapos pinagtibay ang Kasunduan sa Biak-na-Bato?
Natalo ang mga rebolusyonaryo.
Nagbayad ng bayad-pinsala sa mga Espanyol.
Ipinagpatuloy ang labanan dahil wala silang tiwala sa isa’t isa.
Sapilitang pinaghuhuli sina Aguinaldo at pinatawan ng malaking multa.
Bakit hindi nagtagumpay ang Kasunduan sa Biak-na-Bato?
Dahil hindi nasunod ng dalawang panig ang mga nilalaman nito
Dahil kapwa hindi nagustuhan ang mga nilalaman ng kasunduan
Tutol ang mga Espanyol sa hinihingi ni Aguinaldo at kanyang kasama.
Tutol si Aguinaldo at ang kanyang kasama sa kanilang pagpapatapon.
Dito unang iwinagayway ang bandilang Filipino.
Sta. Rosa, Laguna
Malolos, Bulacan
Metro Manila
Kawit, Cavite
Siya ang naglapat ng titik sa pambansang awit na Lupang Hinirang ng Pilipinas.
Julian Felipe
Emilio Jacinto
Jose Palma
Marcela Agoncillo
Kailan ipinahayag ang unang kasarinlan ng Pilipinas?
Setyembre 12, 1898
Agosto 12, 1898
Hulyo 12, 1898
Hunyo 12, 1898
