Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quiz in Filipino 5

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng sawikain o idyoma na bukas ang palad?

a)

magalang

b)

matulungin

c)

maagap

d)

masipag

2.

Kahulugan ng idyoma o sawikain:

Basa ang papel

a)

Mahirap

b)

Maliit na bata

c)

Kalimutan

d)

Bistado na

3.

Kahulugan ng idyoma o sawikain:

Dalawa ang bibig

a)

Takot

b)

Madaldal

c)

Walang pera

d)

Maganda ang boses

4.

Kahulugan ng idyoma o sawikain:

Alsa balutan

a)

Maramdamin

b)

Tandaan

c)

Naglayas

d)

Maling balita

5.

Kahulugan ng sawikain o idyoma:

Bantay salakay

a)

Hindi mapagkakatiwalaan

b)

Naaabot ng tingin

c)

Nag-aaral nang mabuti

d)

Nagkatotoo ang sinab

6.

Kahulugan ng idyoma o sawikain:

Butas ang bulsa

a)

Madaldal

b)

Maraming tao

c)

Walang pera

d)

Taos puso

7.

Kahulugan ng idyoma o sawikain:

Bukang liwayway

a)

Mahinhin

b)

Malapit nang mag-umaga

c)

Taos puso

d)

Matulungin

8.

Kahulugan ng sawikain o idyoma:

Nagsusunog ng kilay

a)

Duwag

b)

Maliit na bata

c)

Nagkatotoo ang sinabi

d)

Nag-aaral nang mabuti

9.

Kahulugan ng sawikain o idyoma:

Di - makabasag pinggan

a)

Mahinhin

b)

Ama o tatay

c)

Takot

d)

Maramdamin

10.

Kahulugan ng sawikain o idyoma:

Balitang kutsero

a)

Maling balita

b)

Maliit na bata

c)

Bistado na

d)

Maganda ang boses

11.

Tukuyin ang uri ng pangngalan ayon sa kalikasan ng salitang may salungguhit.

Ang lindol ay isang bagay na lubhang nakakatakot.

a)

Likha

b)

Ligaw

c)

Likas

12.

Pagkakaisa ang daan upang makamit ang demokrasya.

a)

Likas

b)

Ligaw

c)

Likha

13.

Sikat sa larangan ng sining si Fernando Amorsolo.

a)

Likha

b)

Ligaw

c)

Likas

14.

Natural na penomeno aang sumalanta sa Visayas at Mindanao kamakailan.

a)

Likha

b)

Likas

c)

Ligaw

15.

Maraming bata ang nangangarap na maging isang titser sa kanilang paglaki.

a)

Ligaw

b)

Likas

c)

Likha

16.

Anong magalang na pananalita ang dapat gamitin sa bawat sitwasyon.

Nakatanggap ka ng regalo noong kaarawan mo?

a)

Bakit ito lang?

b)

Maraming salamat po.

c)

Ayoko nito.

d)

Pakiabot nga po.

17.

Nais mong dumaan sa pagitan ng dalawang taong nagsasalita.

a)

Tumabi nga kayo.

b)

Maaari po bang makidaan.

c)

Umalis ka diyan! Dadaan ako.

d)

Tabi nga. Nakaharang ka diyan.

18.

Hindi sinasadya na naitulak mo ang iyong kamag-aral habang kayo ay nakapila.

a)

Buti nga sayo!

b)

Paumanhin, hindi ko sinasadya.

c)

Walang anuman.

d)

Maraming salamat

19.

Dumating ang bisita ng iyong mga magulang sa inyong tahanan. Anong magalang na pananalita ang sasabihin mo?

a)

Magandang araw po! Pasok po kayo.

b)

Sino hinahanap mo?

c)

Tatawagin ko lang, maghintay ka diyan.

d)

Makikiraan po sa inyo.

20.

Habnag kayo ay kumakain sa hapag- kainan nais mong ipaabot ang ulam na malayo sa iyo.

a)

Maaari po bang pakiabot ng ulam?

b)

Abot mo nga ang ulam.

c)

Gusto ko nun, kunin mo nga!

d)

Walang anuman sa iyo.