WorksheetsAP - Module 1
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Ito ay tumutukoy sa katangiang pisikal ng isang lugar.
A. Behetasyon
B. Topograpiya
C. Wildlife
D. Temperatura
Ito ay ang kalagayan ng atmospera sa isang tiyak na lugar sa matagal na panahon.
A. Panahon
B. Behetasyon
C. Klima
D. Likas na Yaman
Ito ang mga malalaking masa ng lupa na makikita sa daigdig.
A. Yamang Likas
B. Kontinente
C. Bundok
D. Isla
Ang Pilipinas ay bansang matatagpuan malapit sa ekwador, anong uri ng klima ang nararanasan ng bansa?
A. Tropikal
B. Pisikal
C. Polar
D. Temperate
Isang panibagong karagatan na itinakda ng International Hydrographic Organization na pumapalibot sa Antarctica.
A. Southern Ocean
B. Indian Ocean
C. Pacific Ocean
D. Atlantic Ocean
Alin sa mga sumusunod ang mga bahagi ng katangiang pisikal ng daigdig,
I. Yamang Likas
II. Klima
III. Relihiyon
IV. Anyong lupa at Anyong tubig
A. I, II at III
B. I, III at IV
C. I, II at IV
D. II, III at IV
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang wasto tungkol sa katangiang pisikal ng
daigdig?
A. Lahat ng lugar sa daigdig ay sagana sa likas na yaman.
B. Ang bawat lugar sa daigdig ay nagtataglay ng pare-parehong katangiang pisikal.
C. Ang klima ng isang lugar ay walang kinalaman sa uri ng buhay at pamumuhay ng
mga tao dito.
D. Ang katangiang pisikal ng daigdig ay nakakaapekto ng malaki sa pamumuhay at
kultura ng mga tao.
A
B
C
D
Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga kontinente sa daigdig batay sa lawak?
A – Asia
B- North America
C- South America
D- Antarctica
E – Africa
F – Australia/Oceania
G- Europe
A. ABCDEFG
B. AEBCDGF
C. ADBCEFG
D. ABDCFEG
Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng pagkakaiba-iba ng klima sa mundo?
A. Iba-iba ang uri ng pamahalaan ng mga bansa sa mundo.
B. Iba-iba ang sining at arkitektura na nalinang ng mga tao sa mundo
C. Iba-iba ang uri ng paniniwala at pananampalataya ng mga tao sa mundo
D. Iba-iba ang pakikiangkop at pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao sa mundo.
A
B
C
D
Alin sa mga sumusunod ay mga kahalagahan ng katangiang pisikal ng daigdig:
I. Nagsilbing tirahan ng mg tao at hayop
II. Naging ugat ng mga digmaan sa daigdig
III. Pangunahing pinagkukunan ng mga pangangailangan.
IV. Malaking impluwensya sa buhay at pamumuhay ng mga nilalang sa daigdig.
A. I, II at III
B. I, II at IV
C. II, III at IV
D. I, III at IV
