wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Magkasingkahulugan

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang kupunan namin ay NANALO sa paligsahan kahapon lamang. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Nagbunyi

b)

Nagalit

c)

Nagwagi

2.

Labis ang SAYA ng aming pamilya nang isilang ang aming bunsong kapatid na si Andrew. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Galit

b)

Ligaya

c)

Pighati

3.

Hindi namin napansin ang SULIRANIN na kakaharapin sa susunod na buwan. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Problema

b)

Ligaya

c)

Solusyon

4.

Ang kanyang paniniwala ay TALIWAS sa kanyang inaakala. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Tama

b)

Baliktad

c)

Kopunan

5.

Simula nang lumipat sa probinsiya sina Dante ay PAYAPA na ang kanilang pamumuhay. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

magulo

b)

masalimoot

c)

tahimik

6.

Gusto kong kaibigan si Karlo dahil siya ay ALISTO sa lahat ng oras. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

alerto

b)

mahina

c)

mabagal

7.

Walong buwan ding NATINGGA ang mga piloto dahil sa walang operasyon ang mga paliparan. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

nakaharap

b)

nahinto

c)

nabuhay

8.

Simula noong nagkapandemya, SUSPENDIDO muna ang operasyon ng aming planta dahil sa kakulangan ng materyales. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Kanselado

b)

Nagawaran

c)

Nabilhan

9.

Dahil sa kanyang angking galing, NAGAWARAN si Gabriel ng pamunuan ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan. . Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Pinatawag

b)

Pinagalitan

c)

Pinarangalan

10.

Isa siya sa mga SINIBAK sa panunungkulan dahil sa laganap na korapsyon sa kanilang departamento. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

tinanggal

b)

iniluklok

c)

ibinahagi

11.

Maraming mga antigong bagay ang NATUKLASAN ng mga eksperto sa bansang Egypt mula sa sinaunang sibilisasyon. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Napasok

b)

Nilusob

c)

Nalaman

12.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang mga sundalo at SINALAKAY na nila ang kuta ng mga bandido. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Napasok

b)

Nilusob

c)

Nalaman

13.

Masayang HUMALILI si Bernardo bilang tagapangasiwa ng buong departamento sa kumpanya. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

tinanggal

b)

pinatalsik

c)

pumalit

14.

Isa ako sa mga SABIK na SABIK na sa muling pagpasok sa paaralan ngayong Enero. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

takot

b)

galak

c)

lungkot

15.

Si Juan ay subsob sa pagtatrabaho sa gitna ng palayan, hindi niya ALINTANA ang init ng araw. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

napansin

b)

hikahos

c)

lupaypay

16.

Marami ang NAGULANTANG sa balitang pumanaw na si Diego Maradona na isang magaling na manlalaro sa larangan ng football. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

natuwa

b)

nabigla

c)

natakot

17.

Labis labis ang TUWA ng mga nasalanta ng nagdaang bagyo sa natanggap na tulong mula sa mga pribadong organisasyon. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

saya

b)

lungkot

c)

nginig

18.

Sa panahon ngayon, NAGLIPANA na talaga ang mga mapagsamantalang mga tao kaya magdoble ingat tayo sa pakikisalamuha sa mga di kilalang tao. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

dumami

b)

kumunti

c)

tumakbo

19.

Sa edad na anim na po, PUMANAW na ang sikat na atletang Argentinean. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

isinilang

b)

pinarangalan

c)

namatay

20.

Umalis nang maaga ang padre de pamilya upang hindi mahuli sa pagpasok sa opisina, DUMUNGAW nalang sa bintana si Fe habang umaalis ang asawa.. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

tinanaw

b)

binulyawan

c)

sinindak