wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Tayahin Ang Iyong Natutunan

Total questions: 12

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod na mga pahayag ang kinakikitaan ng tamang pananaw sa sekswalidad?

a)

a. Inaalam ang kahihinatnan ng pagkilos na gagawin.

b)

b. Malaya tayong gawin ang gusto natin dahil ito ay ating karapatan.

c)

c. May tamang panahon sa mga gawaing seksuwal, hindi dapat ito minamadali.

2.

Ano ang angkop na gawin upang maiwasan ang pagkahumaling sa pornograpiya o pagkagiliw sa mga malalaswang larawan?

a)

a. Maglaro ng mga computer games upang malibang ang sarili.

b)

b. Sumali sa laro o isports na magpapalakas ng iyong pangangatawan at kaisipan.

c)

c. Sumama sa mga kaibigan na mahilig pumunta sa iba't ibang lugar upang mawaksi sa isipan ang pornograpiya.

3.

Ano ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagiging sangkot sa mga isyu sa sekswalidad?

a)

a. Sapat na kaalaman sa mga isyu tungkol sa sekswalidad.

b)

b. May kaalaman at isinasabuhay ang tamang pananaw sa sekswalidad.

c)

c. Huwag bigyang pansin ang mga gawaing ito bagkus ay gawin na lamang ang ibang makabuluhang bagay.

4.

Kung ikaw ay seksuwal na naabuso ng iyong tiyuhin o tiyahin, ano ang pinakamabuti mong gagawin?

a)

a. Ipagbibigay alam sa magulang at awtoridad ang buong pangyayari.

b)

b. Hindi na lamang bibigyang pansin dahil kamag-anak mo naman ito.

c)

c. Magsusumbong sa mga kakilala o kaibigan at hihingi ng payo sa kung ano ang maaari mong gawin ukol rito.

5.

Nalalapit na ang pag-alis ng iyong kasintahan patungo sa ibang bansa. Bilang tanda ng pagmamahal niya sayo ay hiniling niyang makipagtalik bago pa man siya lumisan. Ano ang tamang desisyon na iyong gagawin?

a)

a. Tumanggi sa nais nito at ipaliwanag ang iyong dahilan.

b)

b. Hindi na lamang ito papansin at magagalit sa nais ng kasintahan.

c)

c. Ibibigay ang nais ng kasintahan dahil siya naman ay mahal mo rin.

6.

Niyaya ka ng iyong kaibigan na manood ng pelikula sa kanilang tahanan. Nalaman mong ang pelikulang inyong panonoorin ay mayroong mga malalaswang eksena na hindi angkop sa inyong edad. Ano ang tamang desisyon na iyong gagawin?

a)

a. Tanggihan ang alok ng iyong kaibigan at sasabihing mayroon kang mahalagang gagawin.

b)

b. Panoorin ito kasama ang iyong mga kaibigan upang hindi maging huli sa kung ano ang uso.

c)

c. Magbigay ng suhestiyon tungkol sa iba pang pelikulang maari niyong panoorin at ipaliwanag sa iyong mga kaibigan na mayroong mga eksena ang pelikula na hindi angkop sa inyong edad.

7.

Matapos magpakasal nina Gelo at Avah, pinagpaplanuhan na mga ito ang pagbuo nila ang kanilang sariling pamilya. Ang pahayag na nabanggit ay isang halimbawa ng aling tamang pananaw sa sekswalidad?

a)

a. Malaya tayong pumili ngunit nararapat na ang piliin ay kung ano ang tama at mabuti.

b)

b. Ang paggamit sa kakayahang seksuwal bilang ekspresyon ng pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat gawin sa tamang panahon

c)

c. Ang kasarian ay ginagamit lang ng mag-asawa na naglalayong ipadama ang pagmamahal at nagnanais na bumuo ng sariling pamilya.

8.

Mayroong mga pagkakataon na natutukso si Chris na makipagtalik sa kanyang nobya. Ngunit naiisip niya na hindi basta-basta ang pagbuo ng pamilya lalo na sa panahon ngayon. Ang pahayag na nabanggit ay isang halimbawa ng aling tamang pananaw sa sekswalidad?

a)

a. Malaya tayong pumili ngunit nararapat na ang piliin ay kung ano ang tama at mabuti.

b)

b. Ang paggamit sa kakayahang seksuwal bilang ekspresyon ng pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat gawin sa tamang panahon

c)

c. Ang kasarian ay ginagamit lang ng mag-asawa na naglalayong ipadama ang pagmamahal at nagnanais na bumuo ng sariling pamilya.

9.

Pumayag si Sonya na makipagtalik sa kanyang nobyo dahil nais niyang ipakita at ipadama ang kanyang pagmamahal rito. Ang pahayag na nabanggit ay lumalabag sa aling tamang pananaw sa sekswalidad?

a)

a. Malaya tayong pumili ngunit nararapat na ang piliin ay kung ano ang tama at mabuti.

b)

b. Ang paggamit sa kakayahang seksuwal bilang ekspresyon ng pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat gawin sa tamang panahon

c)

c. Ang kasarian ay ginagamit lang ng mag-asawa na naglalayong ipadama ang pagmamahal at nagnanais na bumuo ng sariling pamilya.

10.

Nalaman ni Ara na isang buwan na siyang nagdadalang-tao. Natatakot siyang magsabi sa kanyang mga magulang sapagkat alam nitong mapapagalitan siya ng husto kaya naiisip niyang ipalaglag na lamang ang bata. Ang pahayag na nabanggit ay lumalabag sa aling tamang pananaw sa sekswalidad?

a)

a. Malaya tayong pumili ngunit nararapat na ang piliin ay kung ano ang tama at mabuti.

b)

b. Ang paggamit sa kakayahang seksuwal bilang ekspresyon ng pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat gawin sa tamang panahon

c)

c. Tayo ay malaya. Ngunit ito ay hindi nangagahulugang malaya tayong piliin kung kung ano ang gusto nating gawin. Ito ay kalakip na pananagutan.

11.

1. Bakit kailangang malaman ng isang kabataan ang mga napapanahong isyu sa sekswalidad?

4 lines
12.

2. Bilang isang responsableng kabataan, paano mo maisasabuhay ang iyong mga natutunan tungkol sa tamang pananaw sa sekswalidad?

4 lines