NEW
Font size
WorksheetsPagkonsumo
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Bakit kumokunsumo ang tao?
Upang tugunan ang kaniyang mga pangangailangan at kagustuhan
Upang makiuso
Upang may maipagmalaki sa social media
Upang tumulong mga mga lokal na negosyo
Tama o Mali. Habang lumalaki ang kita ng tao, lumalaki rin ang kaniyang kagustuhan at kakayahang kumonsumo
Tama
Mali
Tama o Mali. Kung mataas ang presyo ng isang produkto o serbisyo, kadalasang marami ang kumokunsumo nito
Tama
Mali
Si Mikaela ay bumili ng iphone12 dahil napanood niya ang patalastas nitong napakaganda. Anong salik ang nakaapekto sa kanyang pagkonsumo?
Panahon
Pag-aanunsiyo
Kita
Paggamit
Tama o Mali. Si Nelia ay bumili at gumamit ng make-up na inendorso ng isang artista, ito ay maituturing na demonstration effect .
Tama
Mali
Kung magkakaroon ka ng trabaho at may pamilya na sa hinaharap, paano mo maiiwasan ang pagkabaon sa utang?
Walang problema kung may utang dahil bahagi ito sa buhay ng tao.
Huwag isipin kung gaano katagal bayaran ang utang dahil may trabaho ka naman.
Maaaring humingi ng tulong pinansiyal sa kamag-anak kapag kapos sa pera.
Huwag gumastos ng higit pa sa kinita. Mag-impok.
Sino ang ekonomistang British na may-akda sa aklat na "The General Theory of Employment, Interest and Money" na nagsabing malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo?
Adam Smith
Robert E. A. Farmer
John Maynard Keynes
Gregory Mankiw
Ito ang unang inaalam ng tao bago bumili ng produkto at serbisyo.
Kita
Pag - aanunsiyo
Okasyon
Presyo
Ito ay tumutukoy sa taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailagan at magkaroon ng kasiyahan.
Pagkonsumo
Konsyumer
Produksiyon
Prodyuser
Sitwasyon blg 1 Matagal nang binabalik-balikan ni Justin ang sapatos na gustung-gusto niya sa isang mall. Pero hindi niya ito mabili dahil medyo mahal at naghihinayang siya sa pera. Subalit ng minsang nagkaroon ng sale at naging 50% discount ang presyo nito, hindi na siya nagdalawang isip, kanyang itong binili agad
Pagbabago sa presyo
Kita
Mga Inaasahan
Pagkakautang
Demontration effect
Nung nagsisimula pa lang sa kanyang trabaho si Joan todo-budget niya ang kanyang pera. Madalas, nagbabaon siya ng pagkain para makatipid. Pero simula ng mapromote siya bilang manager, sa labas na ito madalas kumain at magshopping ng mamahaling mga gamit
Pagbabago ng presyo
Mga inaasahan
Pagkakautang
Kita
Demonstration effect
Habang sakay ng kanyang kotse si Rebecca, narinig nito ang balita na nakatakdang tumaas ng Php5.00 kada litro ang presyo ng gasolina kinabukasan. Kaya’t bago umuwi, dumaan muna siya sa gasolinahan para magpa-fulltank.
Kita
Demontration Effect
Pagkakautang
Mga Inaasahan
Pagbabago ng presyo
Malungkot si Tonyo na hindi niya mabibili ang bike na matagal ng hinihingi ng kanyang anak. Ito’y kahit katatanggap niya lang ng bonus at 13th month pay. Halos wala na kasing natira sa mga ito dahil napunta lang karamihan sa pagbabayad ng utang.
Pagbabago ng presyo
Kita
Mga Inaasahan
Pagkakautang
Demonstration Effect
Dahil patok sa ngayon ang mga koreanovela, nahumaling si Rose Ann sa mga K-POP artist. Kaya ganun na lamang ang kanyang pagtitipid sa kanyang baon makabili lang ng mga souvenir items na may larawan ng kanyang paboritong K-POP artist
Pagbabago ng presyo
Kita
Mga Inaasahan
Pagkakautang
Demonstration Effect
Ayun kay ___________________ ang may akda ng "An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of the Nations", ang pangunahing layunin ng produksyon ay ang pagkonsumo ng tao.
Milton Friedman
Adam Smith
John Maynard Keynes
Karl Marx
