NEW
Font size
WorksheetsAspekto ng Pandiwa
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
_____________ ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga magsasaka noong nakaraang buwan.
Nagbigay
Nagbibigay
Magbibigay
Binigyan
Palaging _____________ ang mga magsasaka na gumamit ng organikong pataba sa kanilang mga pananim.
hinihikayat
hinikayat
hihikayatin
manghihikayat
___________ ang mga palayan dahil sa nagdaang mataas na pagbaha.
Lulubog
Lumulubog
Lumubog
Ilubog
___________ ang mga tao ng magandang panahon sa susunod na araw. Nanalangin sila na bumuti na ang lagay ng panahon.
Umasa
Aasa
Umaasa
Aasahan
Bukas ay ____________ ng pag-aalay para sa intensyong ito.
nagdaos
magdaraos
nagdadaos
idinaos
Alin ang pandiwang nasa aspektong perpektibo?
naghakot
sinasabihan
babatiin
iniisip
Alin ang tumutukoy sa aspektong tapos nang gawin?
Perpektibo
Imperpektibo
Kontemplatibo
Pawatas
Alin ang pandiwang nasa aspektong imperpektibo?
sinulatan
binabayaran
aayusin
pinaunlad
Ano ang angkop na pandiwa para sa pangungusap?
“__________________ mo ang mga gamit mo bago ka umalis”, bilin ng ina sa kanyang anak.
umayos
ayusin
inayos
nag-ayos
Ang mga guro ay nagpupulong para sa nalalapit na selebrasyon ng Kapaskuhan.
Perpektibo
Imperpektibo
Kontemplatibo
Pawatas
Ang kalamidad ay mga pangyayaring hindi inaasahan.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Binagyo ang mga lugar sa hilagang bahagi ng probinsiya.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Sa kasalukuyan, nagbubuga pa rin ng makapal na usok ang Bulkang Taal.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Kagigising ko lamang nang marinig ko ang masamang balita.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Marami ang nalunod sa biglang pagbaha noong Disyembre.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Hindi na napakinabangan ang katatanim lamang na mga mais at palay.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ng mga tao ang kahirapan.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Taimtim tayong mananalangin para sa kaligtasan ng lahat.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Tunay kong hinahangaan ang mga taong laging nagbibigay ng tulong.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Ako ay mag-iipon para may maidagdag akong tulong sa mga nangangailangan,
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Hiniling ko sa Maykapal na laging protektahan ang aking pamilya.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Natuwa ang lahat dahil maraming hayop ang naligtas.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Kagagaling ko lamang sa Tagaytay ng sumabog ang Bulkang Taal.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Ang mga mamamayan ay naghihintay pa rin upang makabalik sa kanilang tahanan.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Sana wala nang susunod na masamang mga pangyayari sa bansa.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
