WorksheetsAralin 18: Pamumuhay ng Sinaunang Tao
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ito ang sinaunang sasakyang-pantubig na dumaong sa mga pulo ng Pilipinas.
barko
balanghay
barangay
eroplano
2. Ito ay isang komunidad na binubuo ng 50 hanggang 100 pamilya.
barko
balanghay
barangay
eroplano
3. Ito ay isinasagawa upang malaman ang kabuoang bilang ng tao sa isang komunidad.
pagbibilang
pagsusulit
census
numero
4. Ito ay isang kuweba sa Palawan kung saan natagpuan ang isang bahagi ng bungo ng tao na nagpapatunay na may mga taong naninirahan sa Pilipinas 20,00 taon na ang nakararaan.
Kuweba ng Tabon
Kutawato Cave
Yungib Cave
Kuweba ng Palawan
5. Ang natuklasang labi ng isang hayop sa Kalinga ay nagpapatunay na may taong naninirahan sa Pilipinas 700,00 taon na ang nakalipas. Anong hayop ito?
tigre
rhinoceros
bull
aso
6. Ano ang tawag sa sinaunang sandata ng mga Muslim?
bolo
itak
espada
kris
7. Ito ay sinaunang paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino.
Arabic
guhit
sibat
baybayin
8. Ano ang tawag sa sayaw ng mga Meranao kung saan gumagamit ng kawayan?
tinikling
singkil
itik-itik
burnay
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangkat-etnikong naninirahan sa matataas na kabundukan ng Luzon?
Itneg
Bontoc
Meranao
Ibaloy
10. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino na naninirahan sa tabing-ilog o tabing-dagat?
pangangaso
paghahalaman
pagsasaka
pangingisda
