Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Filipino 10 (4th Grading)

Total questions: 60

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang nobela ay isang masining na kathambuhay na may kwil-kawil na pangyayari na maingat na binalangkas upang magkaugnay-ugnay sa buhay ng pangunahing tauhan.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo habang nag-aaral sa medisina sa Calamba noong Oktubre 1887.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Isa sa kumalat na pamagat ng El Filibusterismo ay “Ang Paghahari ng Kasakiman”.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Sumasalamin ang El Filibustersimo sa isang mapait na kasaysayang pinagdaanan ng ating lahi sa kamay ng mga mananakop na Kastila.

a)

Tama

b)

Mali

5.

Si Valentin Ventura na kaibigan ni Rizal ang nagbigay ng salapi para maipalimbag ang nobelang niyang El Filibusterismo.

a)

Tama

b)

Mali

6.

Inialay ni Jose Rizal ang kaniyang nobela na El Filibustersimo sa talong paring martir na sina Padre Gomez, Padre Burgoz at Padre Zamora.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Ang tatlong paring martir ang mga paring binitay sa harap ng bayan dahil sa kanilang paniniwala sa kalayaan at pantay na karapatan ng mga mamamayang Pilipino sa ilalim ng mga mananakop.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Malinaw na tinalakay ng El Filibusterismo ang mga problema sa Sistema ng pamahalaan, sa lupa, pamamahala, katiwalian, usaping panlipunan, usaping panrelihiyon, at maging sa edukasyon.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Maraming nagbanta sa buhay ni Jose Rizal at sa kaniyang pamilya nang ilimbag niya ang Noli Me Tangere kaya minabuti niyang manatili sa kanilang tirahan sa Calamba.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Isa sa mainit na usapin nang ilimbag niya ang El Filibusterismo ay tungkol sa pagkamkam ng simbahan at pamahalaan sa lupain ng mga Pilipinong tinawag nilang Indio.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Ipinahayag ni Jose Rizal kay Ferdinand Blumentrit na bago lamang ang salitang Pilibustero kaya ito ang ginamit niya sa kaniyang pamagat.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Sa pagtatapos ng ika-20 na siglo, naitatak na sa salitang filibustero ang kahulugang mamamayan.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Inilathala ang nobelang El Filibusterismo sa Estados Unidos noong 1892.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Ipinanganak si Dr. Jose Rizal noong Desyembre 25, 1896 sa Calamba, Laguna.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Nagtungo si Dr. Jose Rizal sa Espanya noong 1882 para mag-aral ng medisina at liberal arts.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Tinagurian "makamandag" ang nobelang Noli Me Tangere.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Natuwa ang mga prayle sa nobelang Noli Me Tangere kaya pinuri siya ng mga ito.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Madaling naging miyembro si Rizal ng Kilusang Propaganda dahil sa kaniyang talas na pag-iisip.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Hiniling ng Kilusang Propaganda na maging probinsiya ng Espanya ang Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Taong 1880 ay pumunta si Rizal sa Espanya upang ipagpatuloy ang El Filibusterismo.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Siya ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

a)

Simoun

b)

Isagani

c)

Makaraig

d)

Sandoval

22.

Mayamang mag-aaral ng abogasya na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

a)

Simoun

b)

Isagani

c)

Makaraig

d)

Sandoval

23.

Mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, at tagapayo ng Kapitan Heneral.

a)

Simoun

b)

Isagani

c)

Makaraig

d)

Sandoval

24.

Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral.

a)

Simoun

b)

Isagani

c)

Makaraig

d)

Sandoval

25.

Ang mukhang artilyerong pari. Siya ang kura ng Tiyani. Wala siyang galang sa kababaihan lalo na sa magagandang dilag.

a)

Padre Camorra

b)

Padre Fernandez

c)

Padre Salvi

d)

Padre Irene

26.

Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatag ng Akademya ng Wikang Kastila.

a)

Padre Camorra

b)

Padre Fernandez

c)

Padre Salvi

d)

Padre Irene

27.

Ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego na umiibig ng lubos kay Maria Clara.

a)

Padre Camorra

b)

Padre Fernandez

c)

Padre Salvi

d)

Padre Irene

28.

Ama ni Kabesang Tales na nabaril sa kaniyang sariling apo.

a)

Basilio

b)

Kabesang Tales

c)

Tandang Selo

d)

Padre Irene

29.

Anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio na namasukang katulong kay Herman Penchang.

a)

Basilio

b)

Kabesang Tales

c)

Tandang Selo

d)

Juli

30.

Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.

a)

Basilio

b)

Kabesang Tales

c)

Tandang Selo

d)

Juli

31.

Ang mag-aaral ng medisina at nakatuklas ng tunay na katauhan ni Simoun.

a)

Basilio

b)

Kabesang Tales

c)

Tandang Selo

d)

Juli

32.

Ang mamahayag sa pahayagan. Siya ang utak sa lumalabas na magaganda at mabubuting balita tungkol sa Kapitan Heneral at iba pang matataas na opisyal upang mapalapit siya sa mga ito.

a)

Senyor Pasta

b)

Ben Zayb

c)

Don Custodio

d)

Quiroga

33.

Siya ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.

a)

Senyor Pasta

b)

Ben Zayb

c)

Don Custodio

d)

Quiroga

34.

Siya ay nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestisa. Umangat ang kanyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng Kapitan Heneral. Tinulungan niya ang mga mag-aaral sa Akademya ng Wikang Kastila.

a)

Senyor Pasta

b)

Ben Zayb

c)

Don Custodio

d)

Quiroga

35.

Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado ng mga Intsik sa Pilipinas. Inaangkop niya ang ugali depende sa kanyang kaharap.

a)

Senyor Pasta

b)

Ben Zayb

c)

Don Custodio

d)

Quiroga

36.

Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. Pamangkin ni Donya Victorina.

a)

Juli

b)

Donya Victorina

c)

Paulita Gomez

d)

Maria Clara

37.

Ang mapagpanggap na isang Kastila ngunit isa namang Pilipino; tiyahin ni Paulita.

a)

Juli

b)

Donya Victorina

c)

Paulita Gomez

d)

Maria Clara

38.

Siya ay ipinaliligtas ni Simoun sa kumbento ngunit patay na.

a)

Juli

b)

Donya Victorina

c)

Paulita Gomez

d)

Maria Clara

39.

Siya ang tumubos kay Kabesang Tales sa paraan ng pangungutang kay Hermana Penchang.

a)

Juli

b)

Donya Victorina

c)

Paulita Gomez

d)

Maria Clara

40.

Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero na kinagigiliwan ng mga propesor, at nabibilang sa angkang may dugong Kastila.

a)

Placido Penitente

b)

Juanito Pelaez

c)

Padre Fernandez

d)

Quiroga

41.

Dahil sa pagkakautang kay Simoun ipinatago sa kaniya ang mga armas nito.

a)

Placido Penitente

b)

Juanito Pelaez

c)

Padre Fernandez

d)

Quiroga

42.

Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.

a)

Placido Penitente

b)

Juanito Pelaez

c)

Padre Fernandez

d)

Quiroga

43.

Ang paring Dominikong may malayang paninindigan. Bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral.

a)

Padre Camorra

b)

Padre Fernandez

c)

Padre Salvi

d)

Padre Irene

44.

Kinupkop niya si Basilio at pinag-aral.

a)

Pilosopo Tasyo

b)

Kapitan Basilio

c)

Tiya Isabel

d)

Kapitan Tiago

45.

Nakita siya ni Simoun sa perya at isinama siya sa sasakyan nito.

a)

Placido Penitente

b)

Juanito Pelaez

c)

Padre Fernandez

d)

Quiroga

46.

Sa ilang bahagi nahahati ang Bapor Tabo?

a)

1

b)

2

c)

3

d)

4

47.

Anong alamat ang ikinuwento ni Padre Florentino nang sila ay naglalayag sa Bapor Tabo?

a)

Alamat ng Malapad-na-bato

b)

Alamat tungkol kay Donya Jeronima

c)

Alamat ni San Nicolas

d)

Alamat ng Pinya

48.

Siya ang tumutok ng baril kay Basilio ng mapag-alaman niyang nandoon rin ito.

a)

Simoun

b)

Isagani

c)

Makaraig

d)

Sandoval

49.

Siya ang ina ni Placido Penitente na nagpupumilit na makatapos siya ng pag-aaral.

a)

Kabesang Andang

b)

Kabesang Tales

c)

Kabesang Lino

d)

Kabesang Marites

50.

Ano ang pangalan ng ulo sa kahon ni Mr. Leeds?

a)

Imuthis

b)

Lithus

c)

Malthis

d)

Adromeda

51.

Anong wika ang ginamit ng mga nagtanghal ng dula?

a)

Ingles

b)

Arabic

c)

Filipino

d)

Pranses

52.

Kaninong libing ang engrande na mayroon pang artista na kinuha sa tanghalan, umawit ng Latin at maraming sinunog na insenso?

a)

Pilosopo Tasyo

b)

Kapitan Basilio

c)

Tiya Isabel

d)

Kapitan Tiago

53.

Siya ang nagbalita kay Juli na nakulong si Basilio kaya hinimatay ang dalaga

a)

Hermana Penchang

b)

Hermana Andeng

c)

Hermana Andang

d)

Hermana Bali

54.

Saan ipatatapon si Basilio?

a)

Madrid

b)

Hongkong

c)

Guam

d)

Carolinas

55.

Saan inihagis ni Padre Florentino ang maleta ni Simoun na may lamang mga alahas?

a)

Ilog

b)

Lambak

c)

Dagat

d)

Bangin

56.

Sa kanya pinili ni Simoun na huling pumunta at mangumpisal.

a)

Padre Camorra

b)

Padre Florentino

c)

Padre Salvi

d)

Padre Irene

57.

Sino ang papatay kay Kabesang Tales?

a)

Simoun

b)

Basilio

c)

Tano

d)

Sandoval

58.

Sino ang itinuturing ni Simoun na nagligtas sa kaniya?

a)

Elias

b)

Basilio

c)

Kabesang Tales

d)

Sandoval

59.

Sino ang isang mamamayan na nagkakabit ng mga paskin na maraming nakikitang kakaiba ngunit hindi makikialam?

a)

Pelaez

b)

Camoroncocido

c)

Cuirona

d)

Lenares

60.

Maliban sa pagtatanghal ng mga Pranses ano pa ang palabas na kinaaliwan ng mga mamamayan?

a)

Ang pagtatalo ni Don Custodio at ng lalaking ayaw umalis sa kaniyang upuan.

b)

Ang pagtatalo ni Don Simoun at ng lalaking ayaw umalis sa kaniyang upuan.

c)

Ang pagtatalo ni Don Primitivo at ng lalaking ayaw umalis sa kaniyang upuan.

d)

Ang pagtatalo ni Don Linares at ng lalaking ayaw umalis sa kaniyang upuan.