NEW
Font size
WorksheetsDulog Pampanitikan
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat.
Sosyolohikal
Sikolohikal
Humanismo
Marxismo
Mababatid ng isang manunuri sa pananaw na ito kung taglay ba ng akda ang pagpapahalaga sa disiplina at kaayusang nararapat o inaasahan ng madla.
Moralistiko
Formalismo
Klasismo
Romantisismo
Ang pananaw na ito ay nagpapahalaga higit sa tao kaysa sa anomang bagay.
Arketipo
Moralistiko
Humanismo
Eksistensiyalismo
Karaniwang ginagamit sa pananaw na ito ang pagbibigay-halaga sa tunggalian sa pagitan ng dalawang malalakas at magkasalungat na puwersa o kapangyarihan.
Moralistiko
Marxismo
Romantisismo
Humanismo
Sa pamamagitan ng pananaw na ito, nasusuri ang kalagayan ng kababaihan at ang pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan.
Marxismo
Humanismo
Klasismo
Feminismo
Ipinakikita sa pananaw na ito na ang tao ay malayang magpasya para sa kanyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at nang sa gayon ay hindi maikahon ng lipunan.
Klasismo
Eksistensiyalismo
Realismo
Humanismo
Pinalulutang sa pananaw o dulog na ito ang damdamin kaysa kaisipan.
Realismo
Eksistensiyalismo
Romantisismo
Moralistiko
Karamihan sa mga akdang sinusuri gamit ang pananaw na ito ay dumadalumat sa kalagayan ng lipunan at sa uri ng mga taong namayagpag sa panahong ito.
Sosyolohikal
Moralistiko
Humanismo
Romantisismo
Ipinalalasap ng pananaw na ito ang katotohanan ng buhay maging ito man ay hindi maganda. Layunin nitong ilahad ang mga pangyayari sa tunay na buhay.
Sikolohikal
Moralistiko
Sosyolohikal
Realismo
Pinahahalagahan ng teoryang ito ang katwiran at pagsusuri, may layunin ding ilahad ang katotohanan, kabutihan at kagandahan.
Eksistensiyalismo
Realismo
Klasismo
Romantisismo
