wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP8 Kasaysayan ng Daigdig Balik-Aral Part 1

Total questions: 20

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

May limang tema sa pag-aaral ng heograpiya. Ano ang temang inilalarawan sa pahayag na “Matatagpuan ang Pilipinas sa 15 Hilagang Latitud at 120 Silangang Longhitud?"

a)

Lokasyon

b)

Lugar

c)

Paggalaw

d)

Rehiyon

2.

Ito ay tumutukoy sa distribusyon ng tao at ang epekto nito sa mundo.

a)

Heograpiyang Pangkapaligiran

b)

Heograpiyang Pantao

c)

Heograpiyang Pisikal

d)

Heograpiyang Politikal

3.

Umusbong ang iba’t ibang kabihasnan sa daigdig. Ano ang ibig sabihin ng “kabihasnan”?

a)

Binubuo ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat.

b)

Siyentipikong pag-aaral sa pisikal na katangian ng daigdig.

c)

Pakikiayon ng tao sa mga pagbabago sa kaniyang kapaligiran.

d)

Mataas na antas ng pamumuhay sa isang lungsod o lugar.

4.

Ito ang bansang tinawag na “Biyaya ng Nile.”

a)

India

b)

Egypt

c)

China

d)

Pilipinas

5.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang lugar sa loob ng mahabang panahon?

a)

klima

b)

bagyo

c)

panahon

d)

hangin

6.

Ito ang tawag sa panahong hindi pa naisusulat ang kasaysayan.

a)

Historiko

b)

Ebolusyong Kultural

c)

Prehistoriko

d)

Paunang Kasaysayan

7.

Ito ay sistema ng pagsulat na ginagamitan ng stylus at clay o luwad na lapida.

a)

Calligraphy

b)

Cuneiform

c)

Hieroglyphics

d)

Sanskrit

8.

Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso at America na ang kahulugan ay ____?

a)

dulo at America

b)

malapit sa ilog at America

c)

sinauna at America

d)

gitna at America

9.

Mahalaga ang heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Anong mga titik ang may kaugnayan sa konsepto ng heograpiya?

a)

Pinag-aaralan sa heograpiya ang katangiang pisikal ng isang lugar.

b)

Binibigyang pansin sa heograpiya ang likas yaman at kabuhayan.

c)

Limitado ang pag-aaral ng mga anyong lupa at tubig sa heograpiya

d)

Ginagamit ang timeline sa pagtukoy ng kinaroroonan ng bansa

10.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa saklaw ng heograpiyang pantao?

a)

paggalaw

b)

lahi

c)

wika

d)

relihiyon

11.

Ang kabihasnan ay binubuo ng mga elemento. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga elemento na ito?

a)

sistema ng pagsulat

b)

organisadong pamahalaan

c)

paglipat ng paninirahan

d)

espesyalisasyon sa paggawa

12.

Siya ang pharaoh na napag-isa ang Itaas na Ehipto at Ibabang Ehipto.

a)

Menes

b)

Hatshepsut

c)

Thutmose II

d)

Ramases III

13.

Ano ang tawag sa dambuhalang masa ng lupain?

a)

bansa

b)

plate

c)

karagatan

d)

kontinente

14.

Sa anong yugto ng pag-unlad kabilang ang Catal Huyuk na isang pamayanang matatagpuan sa gitnang Anatolia?

a)

Panahong Metal

b)

Panahong Neolitiko

c)

Panahong Mesolitiko

d)

Panahong Paleolitiko

15.

Sa dinastiyang ito ng China naitayo ang hinahangaang Great Wall na nagsilbing tanggulan laban sa mga tribung Barbaro.

a)

Shang

b)

Chou

c)

Han

d)

Chin

16.

Ito ay isang ritwal na laro na gamit ang bolang yari sa goma. Hindi kamay ang ginagamit nito kundi ang mga siko at baywang upang maisuot ang bola sa maliit na butas. Ano ang tawag sa larong ito?

a)

Quippu

b)

Pok-a-tok

c)

Chicha

d)

Halach uinic

17.

“Ang daigdig ay natatanging planeta sa solar system.” Alin sa sumusunod ang may wastong pagpapatunay sa nabanggit na pahayag?

a)

Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle, at core.

b)

Ang daigdig lamang nasa ikatlong orbit na umiinog sa araw.

c)

Nabubuhay sa daigdig ang iba’t ibang species kabilang ang tao.

d)

Kakambal ng kasaysayan ang heograpiya kung kaya’t natatangi ang daigdig bilang isang planeta.

18.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pangkat ng tao na pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura?

a)

etniko

b)

lahi

c)

relihiyon

d)

wika

19.

Ang pananatili nang permanente sa isang lugar ay isa sa mga hakbang sa pagkamit ng kabihasnan. Ano ang naging epekto nito?

a)

Pagtatanim sa tabi ng ilog

b)

Panghuhuli ng mga hayop

c)

Pagtuklas sa paggamit ng apoy

d)

Paglipat ng paninirahan

20.

Aling titik ang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangkat ng tao sa lipunan ng sinaunang Ehipto?

a)

maharlika – sundalo – magsasaka – alipin

b)

maharlika – magsasaka – sundalo – alipin

c)

sundalo – maharlika – magsasaka – alipin

d)

magsasaka – sundalo – maharlika – alipin