NEW
Font size
WorksheetsAP8 Kasaysayan ng Daigdig Balik-Aral Part 2
Total questions: 20
Worksheet time: 13mins
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng wastong hakbang upang makatugon sa epekto ng heograpiya sa tao?
Gawin ang nararapat na paghahanda upang maging ligtas sa lindol.
Bilangin kung akma ang bilang ng araw sa pag-inog ng mundo.
Araling mabuti ang mga bahagi ng daigdig at iba’t ibang sphere nito.
Paghusayan ang koneksyon ng limang tema ng heograpiya sa daigdig.
Paano naipakikita ang kahalagahan ng wika sa kultura ng isang lahi?
Ang wika ang naging salik sa kawalan ng pagkakaisa
Ang wika ang ginagamit sa pakikipagtalakayan.
Ang wika ang nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan.
Ang wika ang sumasalamin sa kultura ng isang lahi.
Mahalaga ang ginampanang papel ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan. Alin sa sumusunod na pangyayari ang magpapatunay nito?
Nabigyan nang halaga ang pagkilala sa Poong Maykapal sa pamamagitan ng iba’t ibang ritwal.
Nakagawa ng mga talaan para sa mga batas at gawaing pang-ekonomiya.
Pagtatanim sa tabi ng ilog dahil natuklasan na ang putik na mula rito ay nagsisilbing pataba sa pananim.
Nahati ang mga tao sa iba’t ibang uri batay sa kaniyang kabuhayan at kalagayan sa buhay.
Ito ang itinuturing na pinakadakilang panahon ng Kabihasnang Egyptian.
Bagong Kaharian
Matandang Kaharian
Gitnang Kaharian
Early Dynastic Period
Paano nagkakaroon ng ugnayan ang tao sa kaniyang kapaligiran?
Nakaaapekto ang katangian ng isang lugar sa uri ng pamumuhay ng mga tao.
Naiimpluwensiyahan ng kapaligiran ang uri ng halamanan at klima sa isang lugar.
Binabago ng kapaligiran ang katangiang pisikal ng isang lugar batay sa paggalaw ng mga tectonic plate.
Hinuhubog ng kapaligiran ang pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng hayop na namumuhay sa isang lugar.
Aling titik ang may wastong pagkakasunod-sunod ng pag-unlad ng pamumuhay ng sinaunang tao?
1-2-3-4-5
1-5-3-1-2
1-4-3-2-5
1-4-3-5-2
Aling titik ang wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga dinastiya sa China.
Chou, Shang, Xia, Ch'in
Shang, Xia, Ch’in, Chou
Xia, Shang, Chou, Ch’in
Ch'in, Shang, Chou, Xia
Ang paggawa ng mga Aztec ng chinampas ay may malaking naitulong sa kanilang agrikultura. Ano ang kahulugan ng chinampas?
Kilalang malawak na lupain ito
Daluyan ng tubig ito para sa sakahan
Kilalang panananim ito ng mga katutubong Aztec
Artipisyal na lupa ito na dinagdag upang mataniman
Anong sitwasyon noong sinaunang panahon ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpiya at kabihasnan?
Nahati ang mga tao sa iba’t ibang uri sa lipunan
Nagsilbing irigasyon ang ilog sa mga sakahang malapit dito.
Naging mga pinuno ng pamahalaan ang nanguna sa pagtayo ng pader.
Patuloy na nagpapalipat-lipat ang mga tao upang maghanap ng pagkain.
Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang natuklasan ng sinaunang tao?
apoy
araro
palamuti
palayok
Ang sumusunod ay kabilang sa mga uri ng tao sa sinaunang India maliban sa ___________.
Sudras
Untouchables
Kshatriyas
Bhramin
Ano ang tawag sa uri ng pamahalaan na ang pinuno ng kaharian ay siyang kiniklala rin bilang diyos o pinuno ng relihiyon?
Teokrasya
Demokrasya
Diktaduryal
Monarkiya
May mga pangunahing pamilya ng wika ang daigdig. Sa anong pamilya ng wika nagmula ang mga wikang ginagamit sa Pilipinas, Indonesia at Malaysia?
Indo-Eurpean
Afro-Asiatic
Austronesian
Sino-Tibetan
Paano mo mapahahalagahan ang ginampanang papel ng katangiang pisikal ng daigdig sa buhay ng mga tao mula noon hanggang sa kasalukuyan?
Pakikipagtulungan sa ibang bansa upang masugpo ang terorismo
Iwasang puntahan ang mga bansang nakararanas ng mainit na klima.
Wastong paggamit sa mga likas na yamang taglay ng isang lugar na hindi naisasakripisyo ang pangangailangan ng susunod na henerasyon.
Magsagawa ng protesta sa mga bansang patuloy na gumagamit ng enerhiyang nukleyar.
Alin sa sumusunod ang walang kinalaman sa relihiyon o paniniwala ng mga katutubong Olmec?
larong pok-a-tok
jaguar
paglilok ng anyong-ulo
paggawa ng tsokolate mula sa cacao
Pinag-aaralan sa heograpiya ang katangiang pisikal ng isang lugar. Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan sa heograpiya?
Inaral ni Christian ang epekto ng klima sa pamumuhay ng tao.
Kinilala ni Marie ang mga tanyag na pinuno ng mga dinastiya sa China.
Tinukoy ni Carlo ang sampung pinakamatataas na bundok sa daigdig.
Ginamit ni Gina ang mapa at globo sa pagtukoy ng lokasyon ng bansa.
Ang pagbuo ng kabihasnan ay dumaan sa mga hakbang o yugto. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naganap upang mabuo ang isang kabihasnan?
Paglipat ng paninirahan
Pagtatanim sa tabi ng ilog
Natuto ang mga tao na mangaso
Natuklasan ang paggamit ng apoy
Bakit isinasagawa ang mummification sa Egypt?
Dahil naniniwala sila sa Reinkarnasyon.
Dahil sa mataas na paggalang nila sa katawan ng yumaong pharaoh.
Upang hindi mabulok o maagnas ang bangkay.
Lahat ng pahayag ay tama.
Alin sa sumusunod ang may pagkakatulad ng katangian batay sa paglalarawan na nasa loob ng saknong?
Australia at Europe (batay sa populasyon)
Asya at Pacific Ocean (batay sa laki)
Africa at North America (batay sa uri ng klima at topograpiya)
Antarctica at Arctic Ocean (batay sa lokasyon)
Kung ang India ay nagmula sa lambak Ilog Indus, saan naman ang China nagmula ?
Yangtze
Huang Ho
Mekong
Amur
