wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano - Tayahin

Total questions: 15

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?

a)

Pagtaas ng antas ng malnutrisyon sa mga mahihirap na lugar

b)

Pagkakaroon ng mas mataas na porsyento ng kriminalidad

c)

Pagkaubos ng mga pinagkukunang yaman

d)

Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan

2.

2. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na suliraning pangkapaligiran?

a)

A. Pag-unlad ng mga industriya

b)

B. Pagkawala ng biodiversity

c)

C. Pagkasira ng kagubatan

d)

D. Pagkakaroon ng mga polusyon

3.

Alin sa sumusunod ang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa kontinente ng Asya?

I. Patuloy na pagtaas ng populasyon

II. Pagkakalbo o pagkakasira ng kagubatan

III. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon

IV. Ang pagkakaroon ng desertification o pagkatuyo ng mga lupain.

a)

I, III, IV

b)

I, II, III

c)

II, III, IV

d)

I, III, IV .

4.

Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, Ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?

a)

Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.

b)

Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.

c)

Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.

d)

Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.

5.

Sa larangan ng Agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang ating pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?

a)

Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.

b)

Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon.

c)

Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang Agrikultura.

d)

Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pangaabuso ng tao.

6.

Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?

a)

Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

b)

Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.

c)

Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos.

d)

Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.

7.

Ano ang magiging implikasyon sa larangan ng agrikultura kung mayroong malawak at matabang lupa ang isang bansa?

a)

Matutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas maraming produkto.

b)

Magkakaroon ng mga land conversion upang maging panahanan ng tao.

c)

Tataas ang pambansang kita at mapapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.

d)

Lalago ang mga industriya sa bansa dahil may sapat na panustos sa hilaw na materyales.

8.

Ang mga bansa sa kontinente sa Asya ay nakararanas ng samu’t saring suliraning pangkapaligiran. Ano ang tawag sa pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa gubat?

a)

Siltation

b)

Deforestation

c)

Salinization

d)

Desertification

9.

Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy ang pagtaas ng populasyon?

a)

Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.

b)

Unti-unting mauubos ang pinagkukunang -yaman ng mga bansa.

c)

Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.

d)

Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.

10.

Sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan, sa iyong palagay alin ang pinakaepektibong pagtugon ng tao upang mapanatili ang balanseng ekolohikal sa ating daigdig?

a)

Paghahanap ng pabrikang mapapasukan na hindi nagbubuga ng matinding usok

b)

Pakikilahok sa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa lumalalang kalagayang ekolohikal

c)

Pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring maidulot ng mga usok ng sasakyan

d)

Manirahan sa mga lugar na hindi gaanong apektado ng anumang suliraning pangkapaligiran

11.

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran?

a)

Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga tuyong damo, dahon at mga plastic

b)

Palagiang pagwawalis at pagdadamo sa paaralan

c)

Pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di pagputol ng maliliit na mga punong kahoy.

d)

Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng paaralan at ng pamahalaan

12.

Kapag nangyari ang deforestation o pagkakalbo ng mga kagubatan sa inyong lugar ano ang maari mong gawin?

a)

Iwasan ang di tamang pagtatapon ng basura

b)

Linisan ang mga kanal o mga daluyan ng tubig

c)

Malalaking puno lamang ang puputulin

d)

Magtanim ng maraming punong kahoy

13.

Kung ang salinization ay ang paglitaw ng asin sa ibabaw ng lupa na kapag nanuot sa tubig ito’y nagiging maalat, ano naman ang kahuluhan ng desertification?

a)

Pagdami ng asin na hydroxide na sodium, potassium, lithium o ammonia

b)

Pagiging tuyo o lubhang tuyo ng lupa

c)

Pagiging salt water o brackish water ng balon ng tubig

d)

Labis na presyur at pang- aabuso sa lupa

14.

Alin sa mga sumusunod ang land conversion?

a)

Kakulangan ng espasyo ng tirahan ng tao

b)

Paglaki ng bolyum ng basura sa mga tahanan

c)

Pagkawasak ng tirahan ng iba’t ibang species ng hayop

d)

Pagdami ng produksyon ng pagkaing butil

15.

Anong konsepto ang nangahulugang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan. Anong konsepto ito?

a)

Ecological Balance

b)

Biodiversity

c)

Kapaligiran

d)

Likas Yaman