WorksheetsPaksa ng Kuwento
Total questions: 12
Worksheet time: 6mins
Ang paksa ay maaari lamang makita o marinig sa unang bahagi ng talata.
TAMA
MALI
Ang paksa ay pangkalahatang kaisipan ng isang teksto.
TAMA
MALI
Pinaniniwalaan ng isang bishop noong 1870 na wala nang maaari pang maimbento ang tao. Sinabi niya ito sa isang president ng isang maliit na kolehiyo. Hindi sumang-ayon sa kanya ang president at sinabing marami pang dapat tuklasin ang tao. Wika niya, darating ang panahong ang tao ay makalilipad tulad ng ibon. Hindi naniwala ang bishop at sinabing iyon ay paglapastangan sa Diyos. Ayon sa kanya, ang paglipad ay para lamang sa mga anghel! Pagkaraan ng 33 taon, pinalipad ng magkapatid na Orville at Wilbur ang kauna-unahang sasakyang higit na mabigat kaysa hangin. Ito ang pinagmulan ng eroplano. Sino ang bishop? Si Milton Wright, ang ama ng magkapatid na umimbento ng eroplano.
Magkaibang Kaisipan
Pag-unlad: Bagong Imbensyon
Hindi Imposible
Patuloy na Pagtuklas: Talino ng Bawat Tao
Si Leslie ay masipag gumawa ng kanyang takdang-aralin. Tuwing hapon bago siya maglaro ay ginagawa na muna niya ang kanyang takdang aralin. Tumutulong din siya sa gawaing bahay kaya naman tuwang tuwa ang kanyang magulang. Ipinagmamalaki siya sapagkat siya ay mabait at masunuring anak. Si Leslie rin ay mapagmahal na anak.
Ang magagandang ugali ni Leslie.
Ang pag- aaral ni Leslie
Ang paglalaro ni Leslie
Ang takdang aralin ni Leslie
Pinakaaabangan ng mga tao sa Pilipinas ay ang kapistahan sa bawat lugar. Iba't ibang tradisyon ang iyong makikita. Hindi mawawala ang paghahanda ng masasarap na pagkain. Ang iba ay dumarayo pa upang makikain at makipiyesta. May mga palaro at palabas na inihahanda upang maging masaya ang Kapistahan.
Kapistahan, Pinakaaabangan ng mga Pilipino
Handaan tuwing Pista
Mga palaro tuwing Pista
Iba’t ibang Tradisyon Tuwing Pista
Maaga pa ay gising na ang lahat ng tao sa bahay nila Mang Edgar. Abalang-abala ang lahat sa pag-aayos at paghahanda. Lahat ay masaya at nakabihis ng magagandang damit . Naghahanda na sila papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang damit na kulay puti si Maricar. Ito ang araw na pinakahihintay ni Maricar ang kanyang kasal.
Paggising ng Pamilya ni Mang Edgar
Pag-aayos ng Pamilya ni Maricar
Araw na pinakahihintay na kasal
Ang pamilya ni Mang Edgar
Sila ang gumagabay sa mga bata. Marami silang sakripisyong ginagawa upang matuto at makapagtapos ang mga bata. Gumagawa sila ng paraan na matuto sa aralin at matutunan din ang magandang ugali mula sa paaralan. Sila rin ang gumagabay at umaalalay sa mga bata. Sila ang mga guro na pangalawang ina ng mga mag-aaral.
Tungkulin ng mga guro sa mga mag-aaral
Pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral
Paggabay ng mga guro sa mga mag-aaral
Pangalawang ina ang guro ng mga mag-aaral
Mahalaga ang bitamina sa ating katawan. Ito ay nagbibigay lakas at sustansya. Ang mga pagkaing may taglay ng bitaminang ito ay ang gulay at prutas, Kaya kung gusto mong malayo sa sakit kumain ka ng gulay at prutas upang ang iyong katawan ay lumakas.
Prutas at gulay
Pagkaing may taglay na bitamina
Mahalaga ang bitamina sa ating katawan
Kumain ng gulay at prutas
Ang pamilya ay isa sa pinakamahalagang antas sa ating Lipunan. Sa dami ng pagsubok na dumarating dapat umiiral pa rin ang pagmamahal sa bawat isa. Pagkakaisa at pagtutulungan ang kailangan upang tumibay ang samahan. Anumang pagsubok ang kaharapin dapat maging matatag ang bawat isa. Sapagkat ang pamilya ay biyaya ng ating Panginoon.
Pagmamahalan
Pagkakaisa
Ang Pamilya
Biyaya ng Panginoon.
Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang mabuting pagtanggap o pakikitungo sa mga bisita. Kapag may inaasahang bisita ang isang miyembro ng pamilya. Bawat isa ay abala sa paglilinis at paghahanda ng mga pagkain. Nagluluto at naghahanda ng masasarap na pagkain ang pamilya. Nag-iisip din sila ng maaaring ipauwi sa bisita.
Isa sa mga katangian ng mga Pilipino
Mabuting pagtanggap sa mga bisita
Ang paghahanda ng pamilya
Ang pakikitungo sa mga bisita.
May ibat ibang ibig sabihin at simbolo ang bawat kulay. Ang puti ay kalinisan. Ang asul ay kapayapaan at ang pula naman ay tanda ng katapangan. Ang kulay rosas naman ang simbolo nito ay pag-ibig at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan at pagdadalamhati ang dala ng kulay itim. Maarami pang kulay ang may ibat ibang kahulugan.
Ang mga kulay
Maraming mga kulay
Ang iba’t ibang kulay
Ang simbolo at kahulugan ng kulay
Ang aklat ay nagbibigay ng kaalaman, impormasyon at ito ang mahalagang gamit sa pagkatuto. Ito rin ang daan natin sa ating paglalakbay sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan lamang ng pagbabasa. Ito rin ang nagpapagbabago sa ating pagkatao at paniniwala. Ang lahat ay matutunan natin sa pamamagitan ng aklat lalo na ang mga salita ng ating Panginoon.
Gamit at kahulugan ng aklat
Pagbibgay kaalaman
Ang aklat
Ang pagbabasa ng aklat
