wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP4- LP - Pangkat-Etniko at Kultura ng mga Pilipino

Total questions: 25

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Ang taong naninirahan sa Pilipinas ay umabot na ng 109, 581, 078 na estimasyon ayon sa UN data. Ano ang tawag sa bilang ng mga tao naninirahan sa isang lugar?

a)

demograpiya

b)

birth rate

c)

populasyon

d)

polusyon

2.

Ang pagkalap sa detalye ukol sa populasyon ng bansa ay tinatawag na ___________________.

a)

demograpiya

b)

census

c)

NSO

d)

death rate

3.

Alin sa mga sumusunod na ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa pagtukoy sa demograpiya?

a)

PAG ASA

b)

DFA

c)

NSO

d)

POEA

4.

Ang populasyon ng Pilipinas ay binubuo ng mga iba't ibang pangkat-etniko. Alin ang pangkat-etniko na kilala sa paggawa ng mga banga at tapayan na gawa sa luwad (clay).

a)

Bicolano

b)

Boholano

c)

Cebuano

d)

Ilocano

5.

Alin naman sa sumusunod ang pangkat -etniko na kilala sa kanilang tanyag na Banaue Rice Terraces at may sariling kaugalian at tradisyon?

a)

Cordillera

b)

Cebu

c)

Maguindanao

d)

Mindanao

6.

Alin sa mga pangkat-etniko ang tanyag sa paggawa ng bagoong na isda at muwebles na kawayaan?

a)

Badjao

b)

Samal

c)

Pangasinense

d)

Tagalog

7.

Alin sa mga pangkat-etniko ang kilala sa pagiging magaling na magluto ng iba't ibang putahe at mahilig mag ayos ng sarili at magarbong manamit?

a)

Meranao

b)

Bisaya

c)

Kapampangan

d)

Bicolano

8.

Alin sa mga pangkat-etniko ang tanyag sa pagiging makata, at kilala sa pagbuburda, paglililok, pagpipinta at paggawa ng palamuti at laruan?

a)

Tagalog

b)

Bisaya

c)

Waray

d)

Pampageno

9.

Alin sa mga pangkat-etniko ang kilala sa kanilang sikat na Sinulog Festival?

a)

Bicolano

b)

Bisaya

c)

Moro

d)

Tausug

10.

Alin sa mga pangkat-etniko ang kilala bilang "Sea Gypsies" dahil sa kanilang galing sa pangingisda at paninisid ng mga perlas sa dagat?

a)

Lumad

b)

Meranao

c)

Badjao

d)

Bicolano

11.

Alin sa mga pangkat-etniko ang tinatawag na "Moro" at may paniniwalang Islam?

a)

Meranao at Maguindanao

b)

Lumad sa Mindanao

c)

Tausug at Samal

d)

Bisaya at Tagalog

12.

Alin sa mga pangkat-etniko ang kilala sa kanilang pagkaing maanghang na "Bicol Express"?

a)

Waray

b)

Surigaonon

c)

Meranao

d)

Bicolano

13.

Alin sa mga pangkat-etniko ang tinatawag na lumad at kilala sa makukulay na kasuotan, abaloryo sa katawan at habing banig?

a)

Lumad sa Mindanao

b)

Lumad Bisaya

c)

Lumad Tagalog

d)

Lumad Waray

14.

Ang kultura ay may dalawang uri - ang materyal at di-materyal na kultura. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa materyal na kultura?

a)

pananampalataya

b)

bahay

c)

kasuotan

d)

pagkain

15.

Ang kultura ay may dalawang uri - ang materyal at di-materyal na kultura. Alin naman sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa di-materyal na kultura?

a)

pagsisimba

b)

pagmamano

c)

pagmamahal

d)

kagamitan sa bahay

16.

Ang mga taong nakatira sa isang lugar ay may sariling pamaraan ng pamumuhay at paniniwala. Ano ang tawag dito?

a)

Kultura

b)

materyal na kultura

c)

di-materyal na kultura

d)

pandarayuhan o migrasyon

17.

Ang mga Pilipino ay may sariling kaugalian, alin sa mga sumusunod na kaugalian ng mga Pilipino na nagpapakita ng malakas na pananalig at pananampalataya sa Diyos?

a)

Matapang sa pagharap sa hirap ng buhay

b)

Pagkakabuklod - buklod sa pamilya

c)

Pagkamadasalin

d)

Pagmamahal sa kalayaan

18.

Ang mga Pilipino ay may mabuting kaugalian, alin sa mga sumusunod na kaugalian ng mga Pilipino kung saan ay gumagamit ng "po" at "opo" sa pakikipag-usap at nagmamano sa mga nakakatanda?

a)

Pagkamaunawain

b)

Ugaling Pakikisama

c)

Paggalang sa mga nakakatanda

d)

Pagkamatulungin

19.

Alin sa mga sumusunod na kaugalian ng mga Pilipino na nagpapakita ng pagmamahalan at pagtutulungan sa lahat ng miyembro ng pamilya?

a)

Utang na loob

b)

Ugaling Pakikisama

c)

Pagkakabuklod-buklod ng Pamilya

d)

Pagmamahal sa Kalayaan

20.

Alin sa mga sumusunod na kaugalian na kung saan ang mga Pilipino naniniwala na ang edukasyon ang paraan upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng pamilya?

a)

Pagtutulungan

b)

Pagpapahalaga sa Edukasyon

c)

Pagkamaawain

d)

Pagpapahalaga sa Demokrasya

21.

Bilang mga Pilipino, dapat mahalin natin ang ating bansa at paunlarain ang ating kultura. Ano sa mga sumusunod ang sagisag ng ating pagkabansa?

a)

sampaguita

b)

kalabaw

c)

watawat

d)

musika

22.

Ang kultura natin ang humubog sa ating kasarinlan bilang mga Pilipino kaya ang pamahalaan ay namamahala sa pagtataguyod at pagpapaunlad ng katutubong kultura. Anong ahensiya ng pamahalaan ito?

a)

NCCA (National Commission for Culture and the Arts

b)

UNESCO (United Nations Educational Scientific and Cultural Organization)

c)

NSO (National Statistics Office)

d)

CSN (Colegio del Santo Nino)

23.

Alin naman sa mga sumusunod na ahensiya ng pamahalaan ang namamahala at nagtataguyod sa pangangalaga sa mga makasaysayang lugar sa bansa?

a)

NCCA (National Commission for Culture and the Arts)

b)

UNESCO (United Nations Educational Scientific and Cultural Organization)

c)

NSO (National Statistics Office)

d)

DFA (Department of Foreign Affairs)

24.

Ang ating kasalukuyang sitwasyon, ang COVID-19, ang pagbaha sa iba't ibang sulok ng bansa dala sa malakas na ulan, pagbagyo at pagputok ng bulkan. Ano kaya kaugalian ng Pilipino ang dapat natin taglayin upang masolusyonan ang mga karanasan na ito?

a)

Pagtanaw ng utang na loob

b)

Bayanihan

c)

Ugaling Pakikisama

d)

Pagkamalikhain

25.

Dahil sa paghihirap na nararanasan ng sambayanang Pilipino ngayon, paano kaya natin paunlarin at pagtibayin ang kulturang Pilipino?

a)

Tayo ay dapat susuko nalang.

b)

Tayo ay dapat magkanya-kanyang pagbangon sa kahirapan.

c)

Tayo ay dapat magpatuloy sa kulturang kinaugalian natin.

d)

Tayo ay dapat matakot sa hinaharap.