NEW
Font size
WorksheetsPAGSASABI NG KATOTOHANAN
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Pinagsabihan ni Greg ang kapatid na si Valerie na hindi tamang mangopya ng sagot sa iba.
TAMA
MALI
Inamin ni Jonnel ang kasalanang nagawa ni Kelvin upang hindi mapahamak ang kaibigan.
Tama
Mali
Sinabi ni Sunshine sa ama na maaga siyang natulog kahit ang totoo ay naglaro pa siya ng cellphone kahit gabing-gabi na.
Tama
Mali
Itinuro ni Vanessa si Paul na nakabasag ng salamin kahit siya ang tunay na may gawa nito. Natakot kasi siyang mapagalitan ng ina.
Tama
Mali
Nang tanungin ng ama kung lumabas ng bahay si Alyssa habang wala sila ay hindi nito sinabing nakipaglaro siya sa labas.
Tama
Mali
Ang pagsasabi ng _____ ay pagsasama ng maluwat.
maganda
tapat
mali
biro
Ang sumusunod ay kasingkahulugan ng katotohanan, MALIBAN sa ____
totoo
tama
wasto
kasinungalingan
Nakita mong itinago ni Jester ang tsinelas ng kapatid mo. Nang hinahanap na ito ay sinabi mong hindi mo alam. Ang ginawa mo ay ____
tama, upang maiwasan ang away o gulo
tama, upang hindi mapahamak si Jester
mali, dahil hindi ka nagsabi ng totoo
mali, dahil dapat inako mo ang kasalanan
Kung hindi ka magsasabi ng totoo, maaaring _____
mas lumala ang suliranin
hindi magbago ang kapwa
maulit pa ang pagkakamali
lahat ng nabanggit
Kung nakagawa ka ng kasalanan subalit alam mong maparurusahan ka, pipiliin mong _____
magsinungaling na lang
isumbong ang ibang tao
manahimik at itago ito
umamin at humingi ng tawad
