wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Layunin, Paraan, Sirkumstansya,At Kahihinatnan ng Kilos

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 na yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

a)

Isip at Kilos-loob

b)

Intensiyon at Layunin

c)

Paghuhusga at Pagpili

d)

Sanhi at Bunga

2.

Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?

a)

Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa araw-araw na pamumuhay.

b)

Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.

c)

Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.

d)

Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kaniyang pagpili.

3.

Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino?

a)

Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.

b)

Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.

c)

Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.

d)

Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.

4.

Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga Salik na Nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene?

a)

Layunin

b)

Paraan

c)

Sirkumstansya

d)

Kahihinatnan

5.

Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob?

a)

Umunawa at magsuri ng impormasyon.

b)

Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.

c)

Tumulong sa kilos ng isang tao.

d)

Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.

6.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang kilos ay may nararapat na obheto.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang mismong kilos ay hindi maaaring husgahan kung mabuti o masama kung hindi nito isasaalang-alang ang layunin ng taong gumagawa nito.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Ang pamantayan sa kabutihan ng layunin ay kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang sariling dignidad.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Ang bawat tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos na kaniyang pipiliin.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Ang lahat ng makataong kilos ay mabuti ang kahihinatnan.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Ang sirkumstansyang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.

a)

Sino

b)

Ano

c)

Paano

d)

Saan

12.

Ang sirkumstansyang tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos.

a)

Ano

b)

Sino

c)

Kailan

d)

Paano

13.

Ang sirkumstansyang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos.

a)

Paano

b)

Saan

c)

Sino

d)

Ano

14.

Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

a)

Layunin

b)

Paraan

c)

Sirkumstansya

d)

Kahihinatnan

15.

Ang mismong kilos ay maaaring husgahan kung mabuti o masama.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang layunin.

a)

Layunin

b)

Paraan

c)

Sirkumstansya

d)

Kahihinatnan

17.

Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?

a)

Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.

b)

Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.

c)

Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.

d)

Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit.

18.

Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling-araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapit-bahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?

a)

Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.

b)

Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.

c)

Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.

d)

Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.

19.

Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.

(a)  

20.

Si Yuan ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy?

a)

Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.

b)

Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.

c)

Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.

d)

Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos