wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Wastong Gamit ng mga Salita

Total questions: 18

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

(Pahirin, Pahiran) mo ng mantekilya ang mais na binili ko sa labas.

a)

Pahirin

b)

Pahiran

2.

Nasaan na kayo? Papunta na kami (kina, kila) Bb. Caberto.

a)

kina

b)

kila

3.

(May, Mayroon) nakita siyang nakapanghilakbot na pangitain kagabi.

a)

May

b)

Mayroon

4.

Ang tangi (kong, kung) inaasahan mula sa iyo ay maging tapat ka sa ating pag-ibig.

a)

kung

b)

kong

5.

Huwag kang humarang diyan sa may (pinto, pintuan).

a)

pinto

b)

pintuan

6.

Ang pera (ng, nang) bayan ay kinurakot ng ilang buwayang pulitiko.

a)

nang

b)

ng

7.

Iniabot ni Hans (nang, ng) palihim kay Daniel ang kaniyang napulot na kalupi.

a)

nang

b)

ng

8.

Kami'y nagagalak sapagkat ang buong 8-Daniel ay naimbitan para sa munting (salusalo, salo-salo) sa darating na kaarawan ni Troi sa Ika-7 ng Disyembre.

a)

salusalo

b)

salo-salo

9.

(Punasin, Punasan) mo ang alikabok sa ibabaw ng kabinet.

a)

Punasin

b)

Punasan

10.

Doktora Ella, (operahan, operahin) na po ninyo ang naninikip kong dibdib.

a)

operahan

b)

operahin

11.

Masakit (daw, raw) ang mata ni Adrian kaya hindi siya nakapasok sa klase noong isang araw.

a)

daw

b)

raw

12.

Hindi na ma(tungtong, tunton, tuntong) ng mga pulis kung saan na nagtago ang lalaking pumuga sa bilibid.

a)

tungtong

b)

tunton

c)

tuntong

13.

Dahil hindi maabot ni Ina ang kawali ay (tumuntong, tungtong, tunton) siya sa upuan.

a)

tumuntong

b)

tuntong

c)

tunton

14.

"Biyernes ay puno ng pagmamahalan

Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan

Sabado, tayo'y biglang nagkatampuhan

At pagsapit ng (linggo, Linggo)

Giliw ako'y iyong iniwan.."

a)

linggo

b)

Linggo

15.

Nakailang (ikit, ikot) din siya sa paligid ng bahay bago niya natunton ang butas papasok sa loob ng bakuran,

a)

ikit

b)

ikot

16.

Kailan (nagpakasal, napakasal) sina KZ Tandingan at TJ Monterde?

a)

nagpakasal

b)

napakasal

17.

(Namatay, Napatay) ang ilaw ng poste at naghari ang buong kadilim sa kanilang buong baranggay.

a)

Namatay

b)

Napatay

18.

Tinulungan (nang, ng) binata ang batang nadapa sa lansangan.

a)

nang

b)

ng