NEW
Font size
WorksheetsBAHAGI NG PANANALITA
Total questions: 15
Worksheet time: 3mins
Ano ang tawag sa bahagi ng pananalita na sumasagisag sa ngalan ng tao bagay, hayop, lugar at pangyayari?
Panghalip
Pandiwa
Pangngalan
Wala sa nabanggit
Ano ang tawag sa pangngalan kung ito ay binubuo ng salitang-ugat lmaang?
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Ito ay uri ng pangngalan na tumutukoy sa kasarian at ngalan ng lalaki.
Pambabae
Panlalaki
Pambalana
Walang kasarian
Sa pangngalan ayon sa kailanan ito ay gu agamit ng panandang ang, ng, sa at iba pa. Anong uri ito ng kailanan?
Isahan
Dalawahan
Maramihan
Lahat ng nabanggit
Ito ay ang pangngalan na ayon sa kaanyuan na binubuo ng dalawang salita na magkaiba ngunit pinag-isa.
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Bahagi ng pananalita na inihahalili sa pangngalan.
Panghalip
Panggalan
Pandiwa
Pang-uri
Ang panauhan na ito ay tumutukoy sa taong nagsasalita.
Unang panauhan
Ikalawang panauhan
Ikatlong panauhan
Wala sa nabanggit
May tatlong kailanan ang panghalip. Ang kailanan na ito ay ginagamit para sa higit na dalawang tao.
Panlahat
Isahan
Dalawahan
Maramihan
Ang panghalip na ito ay ginagamit sa pagtatanong.
Panghalip pananong
Panghalip panaklaw
Panghalip panao
Panghalip pamatlig
Ang panghalip na ito ay ginagamit sa pagtuturo ng tao.
Panghalip pamatlig
Panghalip panaklaw
Panghalip panao
Panghalip pananong
Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.
Panghalip
Pandiwa
Pangngalan
Pang-uri
Aspekto ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos ay natapos na.
Perpektibo
Imperpektibo
Perpektibong katatapos
Kontemplatibo
Ang pandiwang ito ay nagtataglay ng kahulugang buo na hindi nangangailangan ng tagaganap ng kilos.
Katawanin
Palipat
Katawanin at palipat
Wala sa nabanggit
Ang pandiwang ito ay nangangailangan ng tuwirang layon.
Katawanin
Palipat
Katawanin at palipat
Wala sa nabanggit
Pokus ng pandiwa ang kadahilanan ng kilos sa pangungusap.
Kosatib
Aktor
Gol
Benepaktib
