wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ekonomiks Quarter 1 Summative Test

Total questions: 39

Worksheet time: 2hrs 31mins

Name
Class
Date
1.

Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:

a)

Pamamahala ng negosyo

b)

Pakikipagkalakalan

c)

Pamamahala sa tahanan

d)

Pagtitipid

2.

Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:

a)

Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan

b)

Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig

c)

Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakaroon ng salapi ang tao

d)

Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao

3.

May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat?

a)

Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?

b)

Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?

c)

Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo

d)

Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?

4.

Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil:

a)

Limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao

b)

Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman

c)

Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan

d)

Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa

5.

Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?

a)

Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.

b)

Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.

c)

Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.

d)

Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.

6.

Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano matutugunan ng mga tao ang kanilang pangangailangan at kagustuhan kahit limitado lamang ang pinagkukunang-yaman?

a)

Antropolohiya

b)

Ekonomiks

c)

Heograpiya

d)

Sosyolohiya

7.

Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan natin ang kakapusan?

a)

Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman

b)

Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman

c)

Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan

d)

Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang pinagkukunang-yaman

8.

Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.

a)

Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.

b)

Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.

c)

Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.

d)

Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.

9.

Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:

a)

Konsyumer

b)

Pamahalaan

c)

Pamilihan

d)

Prodyuser

10.

Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?

a)

Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.

b)

Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.

c)

Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.

d)

Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

11.

Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang-ekonomiko. Alin sa sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?

a)

Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.

b)

Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.

c)

Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.

d)

Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at pamahalan.

12.

Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa?

a)

Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.

b)

Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.

c)

Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.

d)

Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.

13.

Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng produksyon?

a)

tinataniman ng mga magsasaka

b)

patayuan ng mga imprastraktura

c)

itinuturing ito na fixed o takda ang bilang

d)

pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon

14.

Paano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?

a)

maraming hilaw na sangkap ang magagamit

b)

kaunting output ang mabubuo

c)

mas magiging mabilis at marami ang paglikha ng mga produkto

d)

matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer

15.

Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:

a)

paggamit ng mga hilaw na sangkap

b)

pagtayo ng mga pabrika

c)

pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto

d)

pagkamalikhain ng mga manggagawa

16.

Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay katangiang taglay niya MALIBAN sa:

a)

puno ng inobasyon

b)

manloloko sa mamimili

c)

may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan

d)

handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo

17.

Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.

a)

kapital

b)

lupa

c)

paggawa

d)

produksyon

18.

Ang input ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. Sa nabuong output na “mesa at silya”, alin sa sumusunod ang mga input nito?

a)

kagamitan, makinarya

b)

kahoy, kagamitan, makinarya

c)

kagamitan, makinarya, manggagawa, kahoy

d)

tabla, makinarya, teknolohiya

19.

Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksyon at pagkonsumo?

a)

Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng produkto.

b)

Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.

c)

Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto at ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.

d)

Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan ang mga tao sa pagbili ng produkto.

20.

Ang mga manggagawang may kakayahang mental o may “white collar job” ay mas ginagamit ang kanilang isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa, samantala ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o may “blue collar job” ay________________.

a)

mas ginagamit ang lakas ng katawan na sinasabayan ng angking kakayahan sa kanilang paggawa

b)

ginagamit ang lakas ng katawan lamang

c)

kakayahan at talino ng mga manager, doctor, inhinyero

d)

nagtatrabaho sa malalaking kompanya

21.

I-check kung alin sa mga sumusunod ang Apat na mga Salik nga Produksyon.

a)

lupa

b)

pamahalaan

c)

entreprenyur

d)

kapital

e)

paggawa

22.

I-check kung alin sa mga sumusunod ang Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo ng isang tao.

a)

Pagbabago sa Presyo

b)

Suplay ng Produkto

c)

Pagkakautang

d)

Demonstration Effect

23.

I-check kung alin sa mga sumusunod ang Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo ng isang tao.

a)

Manggagawa

b)

Mga Inaasahan kagaya ng mga kalamidad

c)

Sambahayan

d)

Kita

24.

Sa produksyon, nagaganap ang transpormasyon ng mga raw materials sa pagbuo ng bagong produkto sa pamamagitan ng kahusayan at sipag ng mga:

a)

kapitalista

b)

landlord

c)

manggagawa

d)

opisyales

25.

Ang taglay na talino at kakayahan ng tao ay mahalaga. Ano ang materyal na gawa ng tao na ginagamit sa produksyon?

a)

malawak na lupain

b)

libo-libong binhi ng prutas

c)

makinarya at teknolohiya

d)

maayos na daan at tulay

26.

Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.

a)

business outsourcing

b)

entrepreneur

c)

entrepreneurship

d)

online business

27.

Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang araw-araw na pamumuhay?

a)

Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.

b)

Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.

c)

Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang araw-araw.

d)

Ang pagkonsumo ay nagbibigay-daan sa produksyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil dito masasabing mas mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.

28.

Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?

a)

kakaunti ang suplay

b)

marami ang suplay

c)

mataas ang presyo

d)

mababa ang presyo

29.

Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?

a)

Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran

b)

Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto

c)

Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto

d)

Kakaunti ang naiipon sap era mula sa kita

30.

Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?

a)

Pag- aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon sa produkto

b)

Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin

c)

Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran

d)

Palagiang pumunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na husto ang bibilhing produkto

31.

Bumili si Maria ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit naging sanhi ito ng pamamaga ng kanyang labi. Anong karapatan ang dapat ipaglaban dito?

a)

Karapatang Dinggin

b)

Karapatan sa kaligtasan

c)

Karapatang Pumili

d)

Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan

32.

Aling batas ang nangangalaga sa kapakanan ng mamimili?

a)

Republic Act 10368

b)

Republic Act 7160

c)

Republic Act 7394

d)

Republic Act 9003

33.

Professional (a)   Commission (PRC)

34.

Bureau of (a)   and Drugs (BFAD)

35.

(a)   and Pesticide Authority (FPA)

36.

Department of Trade and (a)   (DTI)

37.

(a)   and Land Use Regulatory Board (HLURB)

38.

Securities & Exchange (a)   (SEC)

39.

Bilang isang mag-aaral na kasapi ng lipunan, mag-isip ng isang suliranin na umiiral ngayon sa ating bansa na dapat bigyan ng prayoridad ng ating gobyerno? At bakit? (Ang iyong kasagotan ay dapat binubuo ng lima o mahigit pang pangungusap.)

4 lines