Worksheets2ND QUARTER PART 2 ESP 7
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa.
Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa.
Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa.
Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,pagkukusa at pagkamalikhain.
Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa,sa kaniyang pamilya,sa lipunan na kamiyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa.
Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.
Lahat ng nabanggit.
Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto.
Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao.
Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto.
Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.
Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa pag-iisip ng solusyon ng isang bagay bilang kapatid, Ano ang maari mong gawin?
pabayaan silang di-magkasundo
awayin mo silang dalawa
gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo
sigawan mo sila
Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?
magbigay agad ng pasya
iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa paggawa ng pasya
magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan
pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya
Alin sa mga nabanggit ang hindi pangunahing salik ng konsiyensya"?
pagbabasa ng banal na kasulatan
laman at lawak ng pagkatuto
impoluwensya ng tagahubog ng konsiyensya
antas ng kakayahang mag- isip
Palaging isakilos ang ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti, pagkakaroon ng pananagutan sa ano mang kilos, pagsasabuhay ng mga birtud at pagpapahalaga, pakikihalubilo sa mga taong tunay sa susuporta sa paghubog ng mga moral na pagpapahalaga.
isip
puso
kamay
kilos-loob
Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay
Bahala ang tao sa kanyang kilos.
Makabubuti sa tao na kumilos nang tama.
Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos.
Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos
“Malinaw sa atin ang sinsabi ng ating konsensiya: gawin ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
May mga taong pinipili ang masama dahil wala siyang konsensiya.
Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya
Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti.
Sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasiya at pagkilos tungo sa kabutihan at pagninilay kung ang nabubuong pagkatao sa sarili ay patungo sa paglinang ng pagka-personalidad
isip
puso
kamay
kilos-loob
Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay ang subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?
Batas Positibo
Likas na Batas Moral
Batas ng Diyos
Sampung Utos ng Diyos
Ang ibig sabihin ng pahayag na “The end does not justify the means” ay:
Ang kilos ay mabuti dahil mabuti ang dahilan.
Kung hindi Mabuti ang kilos, hindi rin Mabuti ang pasiya
Ang kabutihan ng layunin ay hindi makapagtatama ng maling kilos.
Kung mabuti ang layunin kahit masama ang kilos ay nagiging tama na rin.
Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang Kalayaan.
Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama sa kanyang isipan
Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon
Lahat ng nabanggit
Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti
Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya
Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama
Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura
Panalangin, pagkakaroon ng mas malalim na kakayahan sa pagkilala ng mabuti laban sa masama, kahandaan na mas pipiliin ang mabuti
isip
puso
kamay
kilos-loob
Ito ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa kanya sa gitna ng isang moral na pagpapasya
konsensya
pag-iisip
puso
moralidad
ang mga sumusunod ay ang mga yugto ng paghuhusga sa tama o mali. ang tamang pagkakaayos nito mula sa una hanggang huli ay _____
I. Alamin at naisin ang Mabuti
II. Kilatisin ang Kabutihan
III. Hatulan ang mabuting pasiya at kilos
IV. Suriin ang sarili at magnilay
I, II, III, IV
IV, III, II, I
II, IV, III, I
I, IV, III, II
Ito ay nabuo batay sa prinsipyo ng Likas na Batas Moral para sa kaayusan sa lipunan
pangangalaga sa buhay
pagiging responsable sa pagpaparami at pagpapaaral ng mga anak
pagiging rasiyonal na nilalang sa pag-alam ng katotohanan
lahat ng nabanggit
Ang lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat.Alin sa mga sumusunod ang tunay na diwa nito, maliban sa isa.
Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
Ingatan ang interes ng marami.
Itaguyod ang karapatang pantao.
Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?
Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino.
Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao.
Mula sa kaisipan ng mga Pilosopo
Mula sa Diyos.
Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?
Ibinubulong ng anghel.
Itinuturo ng bawat magulang.
Naiisip na lamang.
Sumisibol mula sa konsensiya.
Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
Ito ay ayon sa mabuti.
Walang nasasaktan.
Makapagpapabuti sa tao.
Magdudulot ito ng kasiyahan.
Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?
May pagsaklolo sa iba.
Pagiging matulungin sa kapuwa.
Pagkampi sa tao.
Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos.
Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?
tumulong upang solusyonan ang problema
ipagwalang-bahala ang problema
tawanan ang problema
Ang ____________, ayon kay Scheler, ay ang pinakapangunahing kilos sapagkat dito nakabatay ang iba’t ibang pagkilos ng tao
katotohanan
pagmamahal
pakikinig
pagpapatawad
Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
Pagmamahal
Kamalayan sa sarili
Pagmamalasakit
Lahat ng Nabanggit
Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na kaya niya ginawa ito ay dahil crush din pala niya ang crush mo. Ano ang gagawin mo?
Aawayin ang iyong kaklase
Sisiraan din ang iyong kaklase
Kakausapin ng mahinahon ang iyong kaibigan
Lahat ng nabanggit
Naitulak ka ng iyong kaklase ng hindi niya sinasadya. Ano ang iyong gagawin?
Itutulak ko rin siya dahil itinulak niya ako.
Pagsasabihan ko siya na huwag nya nang ulitin ito.
HIndi ako magagalit dahil hindi naman niya ito sinasadya.
Isusumbong ko siya sa aking guro
Mahirap si Samuel ngunit matalino. Dahil dito, naging iskolar ng pamahalaan hanggang nakatapos ng doctor. Nagpasya siyang manirahan sa Amerika. Tama ba ang desisyon niya?
tama, dahil mataas ang sahod doon
tama, dahil masarap manirahan sa abroad
hindi, dahil marami ang nangangailangan ng kaniyang serbisyo
Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang tahanan sa darating na Sabado. Nakagawian ni Luis na maglaro ng basketball tuwing araw araw na ito. Kung ikaw si Luis, ano ang gagawin mo?
tutulong muna sa paglilinis bago manglaro
maglaro ng basketball dahil naghihintay ang barkada
tutulong na nakasimangot
tutulong na magdadabog
Mahalin natin ang Diyos ng buong puso at kaluluwa. Paano natin naipadama ang pagmamahal sa Diyos.
pagmamahal sa kapwa
pagbibigay ng pagkain sa mga kaibigan lamang
pagdarasal sa buong araw
pagbabale-wala sa kapwa
Sobra ang sukli ng tindera sa iyo? Ano ang gagawin mo?
Isasauli ko ang sukli sa tindera
Hindi ko ibabalik dahil hindi naman niya alam na sobra ang sukli
Ibibigay ko sa kaklase kong walang baon.
Pambibili ko ulit ito ng pagkain sa tindahan nila.
Kumakain ka sa isang restoran. Lumapit ang isang batang gusgusin at nanghingi ng pagkain sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?
kagalitan ang bata
bigyan ng pagkain ang bata
ipagtabuyan ang bata
murahin ang bata
Maipapakita mo ang pagiging mabuting tao kung _____
susundin ang konsensiya
magpapasya ayon sa tama
susundin ang Likas na Batas Moral
lahat ng nabanggit
Sino ang nagpakita ng wastong gamit ng kilos-loob o will?
Si Deon. Lumabas pa rin siya ng bahay kahit mapanganib pa.
Si Nelly. Ipinamalita niya sa mga kapit-bahay na wala ng COVID-19.
Si Julius. Binato niya ang pusa matapos siyang biglang kagatin nito.
Si Edna. Pinigilan niyang kumain ng masarap dahil bawal ito sa kanya.
Dapat nating gamitin ang ating konsensiya para hindi magsisi sa huli.
Tama
Mali
Kahit ano man ang iyong gawin, ang konsiyensiya mo ang tumatayong testigo mo.
Tama
Mali
Ang Kabaitan ng isang tao ang kakayahan ng isip na maghusga ng mabuti at masama.
Tama
Mali
Ang konsiyensiya ang pumupukaw sa tao upang magpaalala ng dapat at hindi dapat gawin.
Tama
Mali
Ang pagsisinungaling ay isang bagay na dapat nating gawin pero hindi natin ginagawa.
Tama
Mali
Ang pag-iipon ay isang bagay na dapat nating gawin ngunit minsan hindi natin nagagawa.
Tama
Mali
Ang Likas na Batas-Moral ay Obhektibo dahil palagi itong umiiral, kilalanin man ito ng tao o hindi.
Tama
Mali
Ang pagiging late sa klase ay isang bagay na hindi natin dapat gawin ngunit minsan ay ating nagagawa.
Tama
Mali
Sabi mo sa iyong sarili, “Kailangan kong mag-aral dahil may pasulit kami bukas. Pero magfe-Facebook din ako para hindi ako makatulog.”
Tama
Mali
Ang Likas na Batas-Moral ay Di Nagbabago dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man).
Tama
Mali
Panuto: Punan ng salita ang patlang.
Bibliya Gawa Paroroonan
Matapat Mayaman Totoo
Lahat tayo ay anak ng Diyos. Sa mata ng Diyos, ang mahirap at (a) ay pantay-pantay.
Panuto: Punan ng salita ang patlang.
Bibliya Gawa Paroroonan
Matapat Mayaman Totoo
Ang pagbabasa ng (a) o salita ng Diyos ay nakapagpapalakas ng loob.
Panuto: Punan ng salita ang patlang.
Bibliya Gawa Paroroonan
Matapat Mayaman Totoo
Ang taong di-marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa (a) .
Panuto: Punan ng salita ang patlang.
Bibliya Gawa Paroroonan
Matapat Mayaman Totoo
Nasa Dios ang awa, nasa tao ang (a) .
Panuto: Punan ng salita ang patlang.
Bibliya Gawa Paroroonan
Matapat Mayaman Totoo
Ang batang matapat ay nagsasabi ng (a) .
