wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong Nakipaglaban

Total questions: 10

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

1.Sino ang heneral na namatay sa Pasong Tirad habang pinipigilan ang mga Amerikanong tumutugis sa Pangulo ng Republika ng Pilipinas?

a)

Antonio Luna

b)

Miguel Malvar

c)

Vicente Lukban

d)

Gregorio Del Pilar

2.

2. Anong sagisag panulat ang ginamit ni Antonio Luna sa Propaganda?

a)

Plaridel

b)

Taga-ilog

c)

Dimasalang

d)

Tikbalang

3.

3. Bakit tinaguriang Bayani ng Pasong Tirad si Gregorio del Pilar?

a)

Dahil doon siya ipinanganak

b)

Dahil doon siya nahuli ng mga Amerikano

c)

Dahil doon siya nanalo laban sa mga Amerikano

d)

Dahil doon siya namatay habang ipinagtatanggol ang ating kalayaan

4.

4. Ano ang tanyag na larawang ipininta ni Juan Luna at nanalo sa pandaigdigang paligsahan?

a)

La Pieta

b)

Madonna

c)

Spolarium

d)

Mona Lisa

5.

5. Bakit itinuturing na bayani si Miguel Malvar sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa?

a)

Dahil lumaban siya sa himagsikan laban sa mga Kastila

b)

Dahil lumaban siya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

c)

Dahil ayaw niyang kilalanin ang pamahalaan ng Amerika

d)

Dahil naging pinunong heneral siya sa Batangas at patuloy na nakipaglaban kahit na nahuli si Emilio Aguinaldo

6.

6. Paano ipinakita ni Macario Sakay ang kanyang pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga Amerikano?

a)

Nagtatag ng isang pabrika para sa manggagawa

b)

Nagprotesta siya sa pamamagitan ng pagrarali

c)

Nagsulat siya ng mga artikulo laban sa mga Amerikano

d)

Nagtatag siya ng isang pamahalaan na tinatawag na Republikang Tagalog

7.

7.Sino ang unang pangulo at nagpahayag ng kalayaan buhat sa mga Espanyol?

a)

Jose Rizal

b)

Emilio Jacinto

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Andres Bonifacio

8.

8. Sa anong taguri na kilala si Apolinario Mabini?

a)

Dakilang Lumpo

b)

Dakilang Pintor

c)

Dakilang Mamamahayag

d)

Dakilang Supremo

9.

9. Anong katangian ng mga natatanging Pilipino ang kanilang ipinakita nang ipinaglaban nila ang kalayaan ng ating bansa?

a)

katapatan

b)

kagitingan

c)

lakas ng loob

d)

pakikipagkapwa

10.

10. Sina Antonio Luna, Gregorio del Pilar, Apolinario Mabini at iba pang mga bayaning Pilipino ay nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa sa kanilang mga ginawang kabayanihan?

a)

Hamakin ang kanilang nagawa

b)

Pagtawanan ang kanilang nagawa

c)

Hindi kilalanin ang kanilang nagawa

d)

Ipagmalaki at pahalagahan ang kanilang nagawa