wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Second Quarter Test Worksheet #4 Filipino 11

Total questions: 25

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Itinuturo dito kung sa paanong paraang ang mga salita, parirala, at pangugusap ay mapagsasama-sama o mapag-uugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na usapan , sanaysay, talumpati, e-mail at artikulo

a)

diskurso

b)

kakayahang diskorsal

c)

kakayahang tekstuwal

d)

kakayahang retorikal

2.

Ang pamantayang ito ang nagpapakita na kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, lugar na pinangyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

a)

Bisa

b)

Paglahok sa Pag-uusap

c)

Pakikibagay

d)

Kaangkupan

3.

ito ay kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang babasahin gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksyonal, transkripsyon, at iba pang pasulat na komunikasyon.

a)

kakayahang tekstuwal

b)

kakayahang diskorsal

c)

kakayahang retorikal

d)

kakayahang komunikatibo

4.

Sinusukat ng pamantayang ito kung may kakayahan ang isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.

a)

Bisa

b)

Pakikibagay

c)

Pamamahala sa Pag-uusap

d)

Paglahok sa Pag-uusap

5.

Ayon sa kanya, may dalawang batayang panuntunan sa pakikipagtalastasan ang pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag.

a)

Hymes

b)

Grice

c)

Aristotle

d)

Santos

6.

Saklaw ng kakayahang pangkomunikatibong ito ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto.

a)

Kakayahang Diskorsal

b)

Kakayahang Istratedyik

c)

Kakayahang Pragmatik

d)

Kakayahang Sosyolingguwistiko

7.

Dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal

a)

pagkakaisa (cohesion)

b)

kalinawan (clarity)

c)

pagkakaugnay-ugnay (coherence)

d)

pagpili ng mga salita (choice of words)

8.

Piliin ang naaangkop na pamantayan sa sitwasyon: Kapag kinakausap ka ng kaibigan mo tungkol sa mga problema niya, sinusubukan mong ilagay ang sarili mo sa sitwasyong pinagdaraanan niya upang mas maintindihan mo siya.

a)

Bisa

b)

Kaangkupan

c)

Pagkapukaw-damdamin

d)

Pakikibagay

9.

Ito ang pamantayang tumutukoy sa pag-tiyak kung epektibo ang pakikipag-usap

a)

Paglahok sa Pag-uusap

b)

Pamamahala sa Pag-uusap

c)

Bisa

d)

Kaangkupan

10.

Ang pakikiisa ay isa sa mga tuntunin sa pakikipagtalastasan. Dito,sinisikap na maging tapat sa mga pahayag; iwasang magsabi ng kasinungalingan o ng anomang walang sapat na batayan.

a)

kantidad

b)

kalidad

c)

relasyon

d)

paraan

11.

Ito ay tuntunin ng kumbersasyon na gawing impormatibo ang ibinibigay na impormasyon ayon sa hinihingi ng pag-uusap – hindi lubhang kaunti o lubhang daming impormasyon.

a)

kantidad

b)

kalidad

c)

relasyon

d)

paraan

12.

Ito ay ay tumutukoy sa kung paanong napagdidikit ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat.

a)

kaisahan

b)

kaugnayan

c)

pakikiisa

d)

kantidad

13.

Pagtiyak sa kahulugang ipinahahayag ng mga teksto o sitwasyon ayon sa konteksto ay tinatawag na kakayahang __________________

a)

diskorsal

b)

speech acts

c)

akomodasyon

d)

gramatikal

14.

Ito ay kung paano napagdikit ang dalawang ideya sa lingguwistikong paraan sa pamamagitan nang paggamit ng panghalip (halimbawa: siya, sila, ito) bilang panghalili sa mga natukoy na sa simula ng pahayag at pagdaragdag ng mga kataga, panuring, at kumplemento upang pahabain ang mga pangungusap.

a)

kaisahan

b)

kaugnayan

c)

pakikiisa

d)

kaugnayan sa nagsasalita

15.

Ito ay tumutukoy sa mismong kakayahan na matiyak o masigurado na tama ang isa o higit pang kahulugan ng teksto at sitwasyon na nakapaloob o nakaayon sa konteksto.

a)

Kakayahang Linggwistiko

b)

Kakayahang Sosyolingwistik

c)

Kakayahang Diskorsal

16.

Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutuhan lang ang mga tuntuning panggramatka.

a)

TAMA

b)

MALI

17.

Sa pagtamo ng kakayahang pangkomunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto.

a)

TAMA

b)

MALI

18.

Hindi magkakaroon ng iba pang kakayahang komunikatibo ang tagapagsalita gaya ng kakayahang sosyolingguwistik, diskorsal, at pragmatik nang walang sapat na kakayahang lingguwistiko.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

Di-Berbal ang tawag sa komunikasyon kapag ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga letra na sumisimbolo sa kahulugan ng mensahe.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

Chronemics ang pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon. Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ng mensaheng nais iparating.

a)

TAMA

b)

MALI

21.

Komunikasayong Intrapersonal ang tumutukoy sa pakikipagtalastasan sa ibang tao, maaaring sa pagitan ng dalawang tao o sa maliit na grupo.

a)

TAMA

b)

MALI

22.

Masasabi nating may kakayahang diskorsal ang isang taong nagpapahayag nang may kaisahan at magkakaugnay.

a)

TAMA

b)

MALI

23.

Ito ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolong cues na maaaring berbal at di berbal.

a)

SOSYOLINGGUWISTIKO

b)

PONOLOHIYA

c)

KOMUNIKASYON

d)

LINGGUWISTIKO

24.

Uri ng komunikasyon na hindi gumagamit ng salita bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe sa kausap.

a)

PRAGMATIK

b)

ISTRATEDYIK

c)

KINESIKA

d)

DI BERBAL

25.

Ito ang pag-aaral ng kilos o galaw ng katawan. Hindi man tayo bumibigkas ng salita, sa pamamagitan ng pagkilos ay maipararating natin ang mensaheng nais nating ipahatid.

a)

PRAGMATIK

b)

ISTRATEDYIK

c)

KINESIKA

d)

CHRONEMICS