WorksheetsSecond Quarter Test Part 2 ESP10
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Sino ang gumaganap sa makataong tunguhin ng kalooban?
Ang isang taong hindi kailanman nasusumpungan sa paggawa nang masama.
Ang isang taong nagpapakatalino sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasaliksik.
Ang isang taong hindi sumusuko anoman ang pagdaanan niya sa buhay.
Ang isang taong pabigla-bigla ang desisyon sa buhay.
Mataas ang gamit ng isip kung ito ay gagamitin upang
tumuklas ng katotohanan
magmahal
mag-aral ng iba't ibang wika
mag-ipon ng kaalaman
Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa kaniyang kautusan. Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir?
Tingnan ang kalooban
Isaisip ang posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Umasa at magtiwala sa Diyos
Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo ang iyong pasiya kung makapagpapasaya ba ito sa iyo o hindi, ikaw ay nasa anong bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasiya?
Magkalap ng patunay
Maghanap ng ibang kaalaman
Tingnan ang kalooban
Umasa at magtiwala sa Diyos
Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred?
Isaisip ang mga posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Tingnan ang kalooban
Magkalap ng patunay
Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
Tingnan ang kalooban
Magkalap ng patunay
Isaisip ang posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
Upang magsilbing gabay sa buhay
Upang magsilbing paalala sa mga gagawin
Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin
Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili
Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa araw-araw na pamumuhay.
Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kaniyang pagpili.
Habang naglalakad sa mall si Mary ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klase ng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary?
Intensiyon ng layunin
Nais ng layunin
Pagkaunawa sa layunin
Praktikal na paghuhusga sa pagpili
Gamit ang halimbawa sa bilang 2. Pinag-isipan ni Mary ang iba't ibang paraan upang mabili niya ang sapatos. Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mary?
Intensiyon ng layunin
Pagkaunawa sa layunin
Paghuhusga sa nais makamtan
Masusing pagsusuri ng paraan
Naitulak ka ng iyong kaklase ng hindi niya sinasadya. Ano ang iyong gagawin?
Itutulak ko rin siya dahil itinulak niya ako.
Pagsasabihan ko siya na huwag nya nang ulitin ito.
HIndi ako magagalit dahil hindi naman niya ito sinasadya.
Isusumbong ko siya sa aking guro
Sobra ang sukli ng tindera sa iyo? Ano ang gagawin mo?
Isasauli ko ang sukli sa tindera
Hindi ko ibabalik dahil hindi naman niya alam na sobra ang sukli
Ibibigay ko sa kaklase kong walang baon.
Pambibili ko ulit ito ng pagkain sa tindahan nila.
May dumating na kolektor sa inyong bahay at wala kayong nakahandang pambayad. Sinabi ng Nanay mo na sabihin na wala sya upang umalis na ang kolektor.
Susundin ko ang utos ng aking Nanay upang hindi sya mapahiya.
Sasabihin ko sa kolektor na wala ang nanay ko at walang nakahandang pambayad.
Isasarado ko ang pinto at hindi kakausapin ang kolektor.
Hihingi ng pasensya at pababalikin ang kolektor.
Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madaraig?
Pagbili ng laptop sa murang halaga dahil ito ay galing sa masamang paraan.
pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipambibili lamang ng rugby
pagtawid sa maling tawiran dahil walng paalala o babala na bawal tumawid
pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit hindi tiyak na makatbubuti ito sa kanya.
Bilang rasyunal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.
tama
mali
Ang kamangmangan ay di madaraig kung walang pamamaraan ng magagawa ang isang tao upang ito ay malampasan at ito ay tumatanggal sa pananagutan ng tao sa kanyang kilos o pasiya.
tama
mali
Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
konsensiya
kilos – loob
pananagutan
pagmamahal
Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao.
Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.
Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.
Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.
Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali
Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao
Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital.
Ang pananagutan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ang pahayag ay:
Mali, dahil ang pananagutan ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa
Tama, dahil ang tunay na mapanagutang kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa
Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao.
Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.
Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?
Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali
Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon sa pangangailangan ng sitwasyon
Dahil kailangang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang matamo ang layunin ng kaniyang buhay sa mundo
Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kaniya ang kalayaan
Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang nais na walang nakahahadlang dito.
Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na makinig sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa kaniya?
Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral.
Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos
Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon.
Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin
May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya
Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito
Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob
May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya
Ito ang dalawang katangian na nagpahigit sa tao kaysa sa hayop.
pag-iisip
kilos-loob
espiritwalidad
kaluluwa
Ito ang kakayahan ng tao na makilala ang tama o mali o ang moral at di moral.
intellect
kilos-loob
konsensya
Alin sa mga ito ang uri ng konsensya?
pinasong konsensya
masamang ponsetya
maputing konsensya
mahinang konsensya
Alin sa mga ito ang hindi kasali sa Sampung Utos ng Diyos?
Huwag kang magnakaw
Igalang mo ang iyong mga magulang
Huwag kang manlalamang sa iyong kapwa
Mahalin mo ang iyong kaaway
Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
Pagmamahal
Kamalayan sa sarili
Pagmamalasakit
Lahat ng Nabanggit
Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na kaya niya ginawa ito ay dahil crush din pala niya ang crush mo. Ano ang gagawin mo?
Aawayin ang iyong kaklase
Sisiraan din ang iyong kaklase
Kakausapin ng mahinahon ang iyong kaibigan
Lahat ng nabanggit
Ang mga sumusunod ay mga kakayahan ng isip maliban sa isa
Magmahal
Gumawa ng imahinasyon
Gumawa ng buod
Magnilay
Ano ang nagtutulak sa tao na maglingkod at tumulong sa kapwa
kamalayan sa sarili
pagmamalasakit
pagmamahal
Ano ang kakayahan ng isip na may layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
mag-isip
makaunawa
maghusga
Alin sa 3 Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan ang inilalarawan?
Ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.
Di-kusang loob
Walang kusang loob
Kusang Loob
Alin sa 3 Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan ang inilalarawan?
Kilos na may paggamit ng kaalaman ngunit kulang sa pagsang-ayon.
Walang Kusang loob
Di-kusang loob
Kusang loob
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kilos ng tao (Acts of Man)?
Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan
Pagbibigay ng limos sa mga batang kalye
Pagkaramdam ng gutom
Pagbalik ng nahulog na wallet ng isang ale
Ang tao ay nakagagawa ng kilos na naaayon sa ______. Alin sa sumusunod ang kukumpleto sa diwa ng pangungusap.
kagustuhan ng iba
tao
tinitibok ng puso
katungkulan
Ano ang magtutulak sa tao upang gawin ang makataong kilos?
Ang sasabihin ng mga tao sa kanya.
Ang pagkilala ng iba sa nagawa niyang tama
Ang kabutihan para sa lahat.
Ang pag-uudyok ng mga nakakatanda sa paggawa ng Mabuti
Alin sa 3 Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan ang inilalarawan?
Kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito
Di-kusang loob
Walang kusang loob
Kusang loob
TAMA o MALI
Ang lahat ng pagkilos na isinasagawa tao ay pinag-iisipang mabuti at hindi tayo umaayon sa bugso ng damdamin.
TAMA
MALI
Tukuyin kung anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang halimbawa sa ibaba.
Nagulat si Ben sapagkat bigla siyang sinampal ng isang babae ngunit hindi niya alam ang dahilan nito. Ayon sa babae, kanina pa niya nakikita si Ben na kinikindatan siya ngunit ayon naman kay Ben, ang pagkurap-kurap ng kanyang mga mata ay matagal na niyang sakit at hindi niya napipigilan ito.
Kusang loob
Di-kusang loob
Walang kusang loob
Tukuyin kung anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang halimbawa sa ibaba.
Napilitan si Shiela na pakopyahin ng sagot ang kanyang kaibigan na si Ana dahil natatakot siya na baka hindi na siya ituring na kaibigan nito.
Di-kusang loob
Kusang loob
Walang kusang loob
Mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw.
gawi
takot
kilos-loob
masidhing damdamin
Ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kalooban.
kilos-loob
karahasan
takot
masidhing damdamin
Habang naglalakad ka sa parke, isang taong palaboy at wala sa matinong pag-iisip ang bigla ka nalang niyang binatukan. Anong salik ang nakaapekto sa taong ito upang gawin ang nasabing kilos.
takot
masidhing damdamin
karahasan
kamangmangan
Kumuha ka ng pagkain sa canteen kahit na labag sa iyong kalooban dahil inutusan ka ng iyong kaklaseng basagulero. Apektado ang iyong kilos ng anong salik?
kamangmangan
karahasan
takot
masidhing damdamin
Sa sobrang galit, napalo ka ng iyong ama dahil nalaman niyang hindi ka pala pumapasok sa inyong online class. Nagpabili ka pamandin ng kompletong gamit sa pag-oonline class. Ang iyong ama ay apektado ng anong salik?
masidhing damdamin
takot
karahasan
kamangmangan
Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
Pagsagot ng "oo" sa iyong manliligaw.
Pangongolekta ng mga larawan ng idolo mong KPop artist.
Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.
1. Alin sa mga ito ang kilos dahil sa takot?
Ang pagsuntok sa kabarkada dahil sa sobrang selos.
Ang pagbibigay ng regalo sa magulang ng iyong nililigawan.
Ang paulit-ulit na panghihingi ng papel sa kaklase.
Ang labag sa loob na pagpapakopya sa kaklase ng mga sagot sa pagsusulit dahil sa pagbabanta.
Nasa loob ka ng isang mall, bigla kang sumigaw ng "May bomba!". Ginawa mo yun kasi nais mo lamang makita ang reaksyon ng mga tao habang kinukuhanan mo ng iyong kamera kahit alam mong ito ay bawal. May pananagutan ka ba sa iyong kilos?
may pananagutan
walang pananagutan
bawas ang pananagutan
