wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SECOND QUARTER TEST PART 2 FILIPINO SA PILING LARANGAN

Total questions: 36

Worksheet time: 41mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay ang mga pinapahalagahan pa rin ng karamihan ng mga Pilipino MALIBAN sa ISA.

a)

Sikap at tiyaga

b)

Integridad

c)

Bahala na

d)

Utang na loob

2.

Ito ang huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod, pagrebyu ng mga tinalakay, paghahawig, o kaya'y paghamon, pagmungkahi, o resolusyon.

a)

Layunin

b)

Introduksiyon

c)

Katawan

d)

Kongklusyon

3.

Impersonal ito, hindi parang nakikipag- usap lang. Hindi rin ito emosyonal

a)

Layunin

b)

Perpektiba

c)

Tono

d)

Target na mambabasa

4.

Ito ang talakayan ng grupo upang makapgbigay ng input ang bawat miyembro at magkaroon ng pangkalahatang ideya kaugnay ng teksto.

a)

Scanning

b)

Brainstorming

c)

Skimming

d)

Pre- viewing o Pre- reading

5.

Bubusisiin muna ang sinulat at huling bahagi ng artikulo.

a)

Scanning

b)

Brainstorming

c)

Skimming

d)

Pre- viewing o Pre- reading

6.

Lagyan ng tsek ang mga estruktura ng tekstong akademiko.

a)

Aplikasyon

b)

Buod

c)

Paglilinaw

d)

Pisika

7.

Lagyan ng tsek ang mga halimbawa ng akademiko.

a)

pakikinig ng lektyur

b)

pagsulat ng tula

c)

pagbasa ng komiks/ manga

d)

pagsulat sa isang kaibigan

8.

Lagyan ng tsek ang mga halimbawa ng di- akademiko.

(Dalawang sagot)

a)

panunuod ng mga pelikula

b)

pagbabasa

c)

pakikipag- usap sa sinuman

d)

panunuod ng mga dokumentaryo

9.

Ang mga istandard o batayan- mga ideyal at gawi at institusyon na pinagbabatayan natin kung tama o mali ang ating mga desisyon.

a)

Plagiarism

b)

Pagpapahalaga

c)

Tekstong Akademiko

d)

Etika

10.

Bahagi ng tatlong pangunahing estruktura. Ito ang pinakatesis o pokus ng pag- aaral o paksa.

a)

Manunulat

b)

Katawan

c)

Kongklusyon

d)

Introduksiyon

11.

Batay sa sariling damdamin, karanasan, at paniniwala.

a)

Obhetibo

b)

Opinyon

c)

Katotohanan

d)

Perspektiba

12.

Paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay akademiko at di- akademiko.

a)

Malikhain

b)

Akademiko

c)

Mapanuring Pag- iisip

d)

Di- Akademiko

13.

Ito ay uri ng pagsulat na kinikilala bilang isang mataas na antas ng pagsulat na nangangailangan ng mga angkop na salita o jargon hinggil sa isang tiyak na paksa o isyung siyentipiko.

a)

Pormulari

b)

Teknikal

c)

Akademiko

d)

Malikhain

14.

Sa sulating akademiko, kinikilala ng awtor ang ano mang hanguan ng impormasyong kanyang ginamit upang hindi maparatangang plagyarista. Anong katangian ng sulating akademiko ang tinutukoy nito?

a)

Balanse

b)

Pagsulat Iskolarli

c)

Kompleks

d)

Responsable

15.

Anyo ng akademikong sulatin na tumutukoy sa tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.

a)

Posisyong papel

b)

Buod

c)

Replektibong Sanaysay

d)

Abstrak

16.

Ito ay mahalagang gawaing pasulat na nililinang sa akademikong pagsulat kung saan inilalahad ang opinyon na naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu.

a)

Lakbay-sanaysay

b)

Posisyong papel

c)

Pictorial Essay

d)

Replektibong sanaysay

17.

Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng bionote?

a)

Gawing mahaba at detalyado.

b)

Palaging paggamit ng unang panauhan sa pagtukoy ng taong inilalahad o inilalarawan.

c)

Maging tapat sa paglalahad ng susulating impormasyon.

18.

Sa pagsulat ng ganitong sanaysay, maaaring gamitin ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga larawang may maiikling teksto o caption.

a)

replektibong sanaysay

b)

akademikong sanaysay

c)

lakbay-sanaysay

d)

larawang sanaysay

19.

Inaayos ni Euhan ang unang draft ng kanyang takdang sulatin sa Filipino. Binago, inayos at pinaunlad niya ang nilalaman ng kanyang sulatin sa pamamagitan ng pagdadagdag at pag-aalis ng ilang talatang nakapaloob dito. Anong yugto ng pagsulat ang ipinakita ni Euhan? (Hakbang sa Pagsulat)

a)

Pinal na draft

b)

Pag-aayos

c)

Editing

d)

Revising

20.

Sa pananaliksik na ginawa nina Kiel, Cedric at Ericka, ibinuod nila ang nilalaman ng bawat kabanata na tumatalakay sa suliranin ng pag-aaral, kaugnay na pag-aaral at literatura, metodolohiyang ginamit, kinalabasan ng pag-aaral at konklusyon. Anong uri ng adakemikong sulatin ang nabuo ng tatlo?

a)

Buod

b)

Sintesis

c)

Abstrak

d)

Tesis

21.

Sa nalalapit na kaarawan ni Carlo, naisip ni Mariel na bumuo ng tula upang maipahayag niya ang kanyang iniisip at nadarama dito. Sa pagsulat na ito ni Mariel na-express niya ang kanyang nasasaloob. Sa pahayag na ito, ipinakitang ang pagsulat ay __________.?

a)

Sosyal

b)

Personal

c)

Rekarsib

d)

Sosyo-Kognitb

22.

Ano ang isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat?

a)

A. Akademikong Pag-aaral at Pagsusuri

b)

B. Akademikong Pagsusulat

c)

C. Akademikong Pagpapakadalubhasa sa Pagsulat

23.

Sino ang nagsabi na ang pagsusulat ay permanenteng panandang ginagamit upang makabuo ng isang pahayag?

a)

A. Mouly

b)

B. Coulmas

c)

C.Daniels

24.

Ano ang layunin ng Malikhaing Pagsulat?

a)

A. Napapaganda nito ang isang komposisyon ng manunulat.

b)

B. Nagagamit ng manunulat ang kanyang imahinasyon na nakakatulong upang mailarawan ang kanyang lipunang ginagalawan.

c)

C. Nakakatulong ito upang mailarawan ng manunulat ang kanyang punto sa buhay.

25.

Ano ang pinakalayunin ng isang akademikong pagsusulat?

a)

A. Makapagbigay ng magandang kaisipan sa mga mambabasa.

b)

B. Matutunan ang tamang paraan ng pagsusulat.

c)

C. Ang makapagbigay ng impormasyon kaysa sa maglibang.

26.

Anong layunin ng pagsusulat ang iyong gagamitin kung nais mong maipahayag ang iyong nararamdaman at saloobin?

a)

A. Pansaraling Pagpapahayag

b)

B. Pagpapahayag na Impormasyonal

c)

C. Malikhaing Pagsulat

27.

Ano ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsusulat?

a)

A. Revising at Editing

b)

B. Revising

c)

C. Editing

28.

Ano ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin?

a)

A. Pamagat, Katawan at Kaisipan

b)

B. Panimula, Gitna, Katawan

c)

C. Una, Gitna, Wakas

29.

Ang mga sumusunod ay paraan sa pagsulat ng panggitnang bahagi maliban sa isa.

a)

A. Pagpili ng organisasyon

b)

B. Pagbabalangkas ng nilalaman

c)

C. Paghahanda sa mga talasalitaan

30.

Anong uri ng abstrak ang nagbibigay ng pangunahing impormasyon mula sa bawat seksyon ng ulat?

a)

Deskriptibo

b)

Pagpapahayag na Abstrak

c)

Impormatibo

31.

36-50 Ibuod ang akdang

" Isang Punongkahoy"


Kung tatanawin mo sa malayong pook,

Ako'y tila isang nakadipang krus;

Sa napakatagal na pagkakaluhod,

Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.


Organong sa loob ng isang simbahan

Ay nananalangin sa kapighatian,

Habang ang kandila ng sariling buhay,

Magdamag na tanod sa aking libingan...


Sa aking paanan ay may isang batis,

Maghapo't magdamag na nagtutumangis;

Sa mga sanga ko ay nangakasabit

Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.


Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,

asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;

at tsaka buwang tila nagdarasal,

Ako'y binabati ng ngiting malamlam!


Ang mga kampana sa tuwing orasyon,

Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;

Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,

Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.


Ngunit tingnan niyo ang aking narating,

Natuyo, namatay sa sariling aliw;

Naging krus ako ng magsuyong laing

At bantay sa hukay sa gitna ng dilim


Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,

Panakip sa aking namumutlang mukha;

kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,

Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!


At iyong isipin nang nagdaang araw,

isang kahoy akong malago't malabay;

ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,

dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

4 lines
32.

Kultura ang pangunahing batayan ng mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.

a)

TAMA

b)

MALI

33.

Ang pagpapahalaga ay ang mga istandard o batayan- mga ideyal at gawi at institusyon na pinagbabatayan nating kung tama o mali ang ating mga desisyon.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

Impersonal ito, hindi parang nakikipag- usap lang at hindi rin ito emosyonal.

a)

Layunin

b)

Perspektiba

c)

Tono

d)

Introduksiyon

35.

Ito ang maling paggamit, “pagnanakaw ng mga ideya; pananaliksik , lengguwahe, at pahayag ng ibang tao sa layuning angkinin ito.

a)

Plagiarism

b)

Imbensiyon ng Datos

c)

Copyright

d)

Modipikasyon ng Impormasyon

36.

Ito ang pinakatesis o pokus ng pag- aaral o paksa.

a)

Katawan

b)

Introduksiyon

c)

Kongklusyon

d)

Layunin