Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Uri ng Tula

Total questions: 4

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ni RON DE VERA

kung wika ang sandata at tugmaan ang digma

gawan ng sarswela ang aping magsasaka

ikuwento ang buhay ng nasa selda

at ipagbalagtasan ang tunay na paglaya

kung lapis ang sandata at nasa papel ang digma

sumulat ng tula para sa mga nawawala

gawan ng dalit ang pinatay na walang aba

at bumuo ng nobela tungkol sa pakikibaka

kaya’t pulutin ang sandata at mamuno sa digmaan

pagka’t tula mo’y di lang pang silid-aklatan

ang sinulat mo’y mumulat ng kaisipan

makata ng bayan, may lugar ka sa kilusan

ang obra mo ngayo’y di na lang pang libangan

makata ng bayan, ngayon ay lumalaban!

a)

Awit

b)

Soneto

c)

Oda

d)

Elehiya

2.

“Ang tuwang nararamdaman

Ay gustong ipagsigawan

Ito'y ipangalandakan

Upang kanilang malaman

Itong katuwaang laman

Ng aking puso't isipan

Ay nais ipamahagi sa iba

Upang malaman nila ang sayang nadarama.”

a)

Awit

b)

Soneto

c)

Dalit

d)

Oda

3.

Hindi napapanahon!

Sa edad na dalawpu't isa, isinugo ang buhay

Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw

Una sa dami ng aking kilala tagla ang di-mabigkas na pangarap

Di maipakitang pagmamahal

At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok

Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga

Maniwala't dili panghihina at pagbagsak!


Ano ang naiwan!

Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,

Aklat, talaarawan at iba pa.

Wala nang dapat ipagbunyi

Ang masaklap na pangyayari nagwakas na

Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita

Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak

At ang ligayang di-malilimutan.


Walang katapusang pagdarasal

Kasama ng lungkot luha at pighati

Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan

Mula sa maraming taon ng paghihirap

Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral

Mga mata'y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala

O' ano ang naganap,

Ang buhay ay saglit na nawawala


Pema, ang imortal na pangalan

Mula sa nilisang tahanan

Walang imahe, walang anino at walang katawan

Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos

Malungkot na lumisan ang tag-araw

Kasama ang pagmamahal na inialay

Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita

Ang masayang panahon ng pangarap.

a)

Elehiya

b)

Dalit

c)

Oda

d)

Awit

4.

Ang lahi kong Pilipino

Di ikakahiya kahit kanino

Masalanta man ng ilang bagyo

Babangon at muling tatayo


HIndi man mabiyayaan

Ng sobra-sobrang yaman

Pitaka ma’y maubusan ng laman

Ngiti pa rin ang mararamdaman


Kahit anumang sakuna

At hirap ang matamasa

Puso’t isip puno ng pag-asa

At hinding-hindi mawawala


Pagmamahal sa pamilya

Isang emosyong dakila

Kailanma’y di maluluma

Nakaukit sa alaala


Anuman ang kanilang sabihin

Siraan man at kutyain

Sa Diyos, ang Pilipinas pa rin

Isang pinagpalang lupain

a)

Soneto

b)

Oda

c)

Awit

d)

Elehiya