Font size
WorksheetsPamantayan sa Mahusay o De-Kalidad na Gawa
Total questions: 7
Worksheet time: 8mins
Panuto: Isulat ang "Tama" kung tama ang sinasabi sa pangungusap at "Mali" kung ang pangungusap ay mali.
1. Mahusay ang gawain o proyekto na kinopya sa gawa ng iba.
(a)
2. Mainam na ipakita ang gawain o proyekto sa guro, kamag-aral, nakatatandang kapatid at magulang para mabigyan ng payo kung ano pa ang pwedeng ipagbuti dito.
(a)
3. Mahirap matapos ang isang mahusay na gawain o proyekto dahil ginagamitan ito ng natatanging kakayahan, kasanayan at kritikal na pag-iisip.
(a)
4. Hindi mahalaga ang pagpaplano bago gumawa ng isang proyekto o gawain.
(a)
5. Ang mahusay na gawain o proyekto ay may kabutihan at pakinabang na maidudulot.
(a)
Panuto: Basahin nang mabuti ang katanungan at sagutin ito ng hindi lalagpas sa limang pangungusap.
1. Aling gawain o proyekto ang natapos mo noon na masasabi mong mahusay at de-kalidad? Ipaliwanag.
2. Bakit mahalaga na ang mga gagawin mo ay nakasunod sa pamantayan sa mahusay o de-kalidad na gawa?
