wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Maikling Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8 pt 2

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sistemang caste?

a)

Brahamans

b)

Kshatriyas

c)

Vaishyas

d)

Vedas

2.

Ang pinakamatanda sa mga panguhaning relihiyon sa daigdig.

a)

Buddhismo

b)

Islam

c)

Hinduismo

d)

Kristiyanismo

3.

Ang kanyang pangalaan ay Kung-Fu-Tze at pinakamamahal na guro sa Tsina

a)

Confucius

b)

Lao Tze

c)

Mencius

d)

Shang

4.

Sa panahon ng dinastiyang ito naipatayo ang “Great Wall of China”.

a)

Chin

b)

Chou

c)

Han

d)

Sui

5.

Sa panahon ng dinastiyang ito naipatayo ang “Forbidden City” sa Tsina.

a)

Sung

b)

Yuan

c)

Ming

d)

Manchu

6.

Ito ay tumutukoy sa mataas na lebel ng pamumuhay ng tao at kakikitaan ng mga elemento tulad ng organisadong pamahalaan, relihiyon, ekonomiya, at mahusay na sistema ng pagsulat.

a)

Agham

b)

Kasanayan

c)

Teknolohiya

d)

Kabihasnan o Sibilisasyon

7.

Ito ay nagsisilbing pwersa nagbubuklod sa mga tao sa isang pamayanan. Nag-ugat ito sa mga hindi maipaliwanag na phenomena na nagbigay-daan sa paniniwala sa mga makapangyarihang nilalalang na may kakayahang kontrolin ang mga pangyayari.

a)

Politika

b)

Relihiyon

c)

Pilosopiya

d)

Ekonomiya

8.

Si Hatshepsut ay kilala bilang isa sa pinakamahusay na pinuno sa kasaysayan, tinagurian din na kauna-unahang babae na namuno sa daigdig at nagmula sa kabihasnang .

a)

Egypt

b)

Indus

c)

Tsina

d)

Mesopotamia

9.

Ang pagkatuto ng mga sinaunang tao sa larangan ng agrikultura ay nagbunga ng pag-unlad sa ibat-ibang gawain at kasanayan tulad ng pagsasaka, pag-aalaga ng hayop, paggawa ng mga banga, alahas, sasakyang pandagat, at mga sandata. Dito nagsimulang umunlad ang kakayahan ng tao sa larangan ng paggawa at pakikipagkalakalan.

a)

Politika

b)

Relihiyon

c)

Pilosopiya

d)

Ekonomiya

10.

Ang mga Sumerians ang nagpasimula ng sistema ng pagsusulat na cuneiform habang ang mga Hittites naman ay nakatuklas ng sandata na yari sa bakal, samantala sa mga Phoenician naman nagsimula ang paggamit ng alpabeto. Ano ang ipinapahiwatig nito?

a)

Paglago ng kabuhayan at ekonomiya.

b)

May iba’t ibang layunin ang paggawa.

c)

May likas at angking talino ang mga sinaunang tao.

d)

Ang bawat pangkat ay nakalinang ng sariling kasaysayan at kultura.