Font size
WorksheetsKakayahang ISTRATIGIK AT DISKORSAL - SHS
Total questions: 15
Worksheet time: 11mins
Isang prosesong ginagamit sa pagpapalitan ng impormasyon o kaalaman. Sa pamamagitan nito ay maaaring maipahayag ng tao ang kanyang ideya o saloobin.
(a)
Ito ay isang pormal na pamamaraang sumasailalim sa estruktura ng wika. Tuntunin nito na maipahayag ang mensahe o kaalamang nais iparating. •Ito ay ginagamitan ng mga salita at mga letrang sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe.
(a)
Ito ay tinaguriang isang detalyado at lihim na kodigo.
(a)
Ito ay pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang pag galaw ng ibat-ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay maipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba.
(a)
Isang halimbawa nito ay masaya ang isang tao, siya ay ngingiti. Kung siya naman ay nagagalit, ay sisimangot ito. Kung malungkot naman ang isang tao ay sisimangot ito o tutulala.
(a)
Ito ay maaaring magpakita ng katapatan ng isang tao. Nag-iiba ang mensaheng nais iparating batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos nito. Isang halimbawa nito ay kung may sama ng loob ang isang kaibigan sayo, titignan ka nito ng masama. Mayroon namang lihim ang isang tao ay maaari itong kumindat.
(a)
Isang halimbawa nito ay kung hinangaan mo ang gawa ng isang tao ay papalakpakan mo ito, o kaya naman ay kung mahal mo ang isang tao ay gagawa ka ng korteng puso gamit ang isang pinagsamang kamay.
(a)
Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo.
(a)
Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan ito ay nagpapahiwatig ng positibo o negatibong motibo ng isang tao. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagyakap at paghaplos.
(a)
Ito ay tumutukoy sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pag sutsot/sitsit, buntong-hininga, ungol at paghinto.
(a)
Ito ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo ng kanyang sasabihin. Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang tao.
(a)
Kakayahang pangkomunikatibo na saklaw ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto.
(a)
Sa pamantayang inilunsad nina Canary at Cody, ito ang uri ng pamantayang may kinalaman sa kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.
(a)
Sa pamantayang inilunsad nina Canary at Cody, ito ang uri ng pamantayang may kinalaman sa kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba.
(a)
Sa pamantayang inilunsad nina Canary at Cody, ito ang uri ng pamantayang may kinalaman sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
(a)
